T A K E N F O R G R A N T E D
JANE
Tinignan ko ang oras sa aking relo at napagtantong dalawang oras na akong naghihintay, pupunta pa kaya siya?
Sa dami ba naman ng kakalimutan niyang araw ay ngayon pa, bakit? Nakakainis.
Siguro, bibigyan ko siya ng sampung minuto kapag hindi na siya dumating, aalis na ako.
Naiiyak ako sa katotohanang ganto nalang kami palagi, ako ang naghihintay, ako ang umiintindi at ako ang nagtitiis. Kailan naman kaya dadating ang araw na siya naman? Hindi ko hinihiling na siya ang maghirap pero sana naman bigayan.
Ilang beses na akong napabuntong hininga, siguro kung wala lang mga tao dito, kanina pa ako humahagulgul ng iyak dito. Haha, nakakapagod pero bakit hindi ko kayang sumuko?
Napangiti ako ng mapait, napakahina mo talaga Jane, lagi nalang nasasayang ang luha mo sa lalaking ginagago ka pero mahal mo parin.
Nakayuko ako ng biglang tumunog ang bell na nasa itaas ng pinto, ibig sabihin ay may dumating.
Biglang napa angat ang ulo ko at agad na tinignan kung sino ang dumating ngunit nadismaya ako ng malaman na hindi pala siya iyon.
Napayuko nalang ako ulit, at naisip na umalis nalang.
Tumayo na ako at inayus ang aking mga gamit, ng biglang may nagsalita.
"Aalis ka na?" sambit nito.
Napalingon ako sa kaniya at tama nga ako, siya na 'to.
"Akala ko hindi ka na darating."
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko, sabay sabing..
"Pasensya ka na at natagalan ako, Happy Monthsarry babe." sabay abot niya ng box na paniguradong naglalaman ng regalo niya sa akin.
"Upo na tayo?" aya niya sa akin.
Tumango nalang ako sa kaniya.
Bakit ganito? Andito na siya pero nalulungkot parin ako, naiinis ako ba't hindi man lang siya nagpaalam na malalate siya ng dating. Para akong tangang naghihintay ng taong walang kasiguraduhan kung dadating pa ba o hindi na."Ang tagal mo." panimula ko.
"I said I'm sorry, may ginawa nga ako di ba?" iritang sabi niya sa akin.
Ha! Siya pa ang may ganang mainis samantalang ako ang naghintay sa kaniya ng dalawang oras? Tsk.
"Sinasabi ko lang, malay ko ba kung dadating ka pa o hindi na." singhal ko sa kaniya.
"Andito na nga ako, can you please stop? Ang daming tao dito oh?" sagot niya sakin.
"Tsk, kumain nalang tayo." inis kong sagot.
Tinawag niya na ang waiter at umorder ng aming kakainin. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang pagkain at inilapag na ito sa lamesa.
"Kumain ka na, wag na tayong mag away ha?"
Tumango nalang ako at nagsimulang kumain. Nakakabinging katahimikan ang namalagi habang kumakain kami. At bigla nalang tumunog ang kaniyang telepono, nabaling ang tingin ko sa kaniya.
"Sandali lang ha? Sagutin ko lang ito." saad niya.
Tumango na lamang ako sa kaniya at wala ng sinabi pang iba.
Maghihintay nanaman ako, ano pa nga ba? Yun naman palagi ang gawain ko, tagahintay.
Ilang minuto na ang nakakalipas ay wala parin siya, ganun ba kaimportante ang kausap niya at maski kahit konting oras ay hindi niya ako mabigyan?
Sundan ko na kaya siya?
O
Umalis nalang kaya ako? Nakakasawa ang ganito.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at inayus ko na ang mga gamit ko at desidido ng umalis.
Tumayo na ako at naglakad palabasPagkalabas ay nakita ko siyang kausap parin ang tumawag sa cellphone niya.
Wala na akong balak pang pansinin siya ngunit nakita niya ata ako at bigla siyang lumapit sakin at agad niyang binaba ang telepono.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos kumain." naguguluhan niyang tanong.
Nais ko siyang sigawan ngunit nanatili akong kalmado.
"Aalis na, nawalan na ako ng gana." saad ko.
"Sinagot ko lang yung tawag, aalis ka na agad? Monthsarry natin babe, bat ganyan ka?"
At dahil doon ay nainis na ako at sinumbatan siya.
"Bakit ako ganito? Ang tanong bakit ganyan ka?" inis kong bulyaw.
"Ano? Paano naging ako?" naguguluhan parin niyang tanong sa akin.
"Monthsarry natin, Oo. Alam mo ba kung ilang oras na akong naghintay sayo?"
"Nag sorry na ako kanina di ba?"
"Yun lang ba talaga? Alam mo bang para akong tanga'ng naghihintay sayo? Hindi ko alam kung dadating ka pa ba o hindi, palagi nalang walang kasiguraduhan ang mga bagay pagdating sayo."
Napakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin.
"Ano bang problema mo?"
"Wala akong problema pero baka ikaw meron."
"Wala akong problema Jane, ikaw ang nagkakaganyan."
"Nakakasawa eh, alam mo yun? Yung palagi nalang ako ang iintindi, ako ang naghihintay, ako ang nag aadjust, ako ang nagtitiis, lahat lahat. Girlfriend mo ako pero hindi ko maramdaman yun sayo."
"Jane, pag usapan natin 'to, okay?"
"No, alam mo ba? Palagi kong iniisip na sumuko nalang pero hinahayaan ko parin itong tanginang nararamdaman ko para sayo. Sabi ko nga sa sarili ko, hihintayin ko nalang dumating yung araw na yung puso ko na ang kusang sumuko sayo, ayoko na. Ito na ata yung tamang panahon para dito, pagod na ako. Tigilan na natin 'to, wala naman na din tayong patutunguhan."
"P-pero Jane, mag usap naman muna tayo, baka naman nagu----"
Hindi ko na siya pinatapos, at nagsalita na ako agad.
"Pagod na ako, wala na. Ayoko na."
Kasabay ng aking pagtalikod sa kaniya ay ang pagbuhos na aking mga luha.
Masakit pero hangga't nandito ako sa sitwasyong to kasama siya mas masakit at mahirap.
Paalam.
