II

34 3 2
                                    

R E G R E T S

TREVOR

'I'm sorry'

'Bakit ka humihingi ng tawad?'

'Hindi na kita mahal.'

Ayun na siguro ang pinakamasakit na mga salita na narinig ko sa buong buhay ko.

Parang bala na tumama sa puso ko ang mga salitang binitawan mo noong gabing yun.

'J-julia'

Sa dami ng pwedeng sabihin ayun lamang ang lumabas sa bibig ko.

Para akong tinakasan ng kaluluwa. Nanlamig ang aking mga kamay kasabay nito ang panginginig ng aking mga tuhod.

Kung kailan handa na ako.

Kung kailan kaya ko na.

Doon naman, napagod ka.

Ang tarantado lang pala na hinayaan kitang lumayo sa akin noong gabing sigurado na ako sayo.

Natanong ko bigla, siguro nga ay hindi talaga tayo para sa isa't isa.

Dahil napakabait mong tao, iniintindi mo ako sa kabila ng mga pagkukulang ko.

Sinusuklian mo ng pagmamahal ang purong katarantaduhan na ginawa ko sayo.

Nanatili ka parin sa piling ko kahit na anong sakit ang dinanas mo.

Ngayon, napagod ka na.

Ngayon, wala ka na.

Nagsisisi ako.

Oo, nagsisisi ako.

Bakit?

Bakit ngayon ko lang nalaman na kailangan mo pala ako?

Bakit ngayon lang ako natauhan na hindi pala habang buhay ay nandito ka sa tabi ko at mananatili ka kahit na ano mang mangyari.

Bakit?

Bakit kung kailan handa na akong mahalin ka, doon naman gusto mo ng magpahinga?

Ngunit..

Mukhang ako ang kailangan humingi ng tawad.

'I'm sorry.'

Tama nga sila.

Nasa huli palagi ang pagsisisi.

Mga KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon