X

17 2 0
                                    

RAVEN

"Raven."

Napahinto ako't napalingon sa aking likuran, sabay naman sa aking paligid, palinga linga.

Nagtatakang mukha ang gumuhit sa akin, wala namang tao sa paligid.

Pinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad at muli nanamang napahinto ng biglang umingay ang kalangitan.

Pagtingin ko sa itaas ay sobrang itim na ng mga ulap, uulan pa yata.

At dahil malas ako ngayon, wala akong payong.

Hindi bale na, gusto ko ng makauwi kaya't nagpatuloy parin ako sa paglalakad hangga't sa may nadaanan akong basurahan.

Tinignan ko ang bulaklak sa aking kamay na kanina ko pa pala dala dala.

Napangiti nalang ako ng mapait.

Nagdadalawang isip kung itatapon ko na ba o papaabutin ko pa hanggang sa bahay, ngunit biglang gumalaw ang aking mga paa.

Ang bulaklak na kanina ko pang dala ay nasa basurahan na.

Tinitigan ko muna ito, pagkaraan ng ilang saglit, naglakad na akong muli.

"Love, happy birthㅡ"

"Ayoko na, please, mag break na tayo."

"H-ha?"

"Ayoko na, pagod na ako sayo!"

"B-butㅡ"

"Sorry."

Naglakad ka palayo sa akin, lakad na kailanman hindi na lilingon pa, hindi na babalik pa.

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking paglalakad.

Muli, tumigil ako, sabay tingin ulit sa itaas.

"Happy Birthday Love" mahinang sambit ko na lamang sa hangin.

Alam kong hindi ka na babalik sakin, alam ko.

Isang taon na, isang taon na ang lumipas, pero gusto ko nalang magmura dahil hanggang ngayon, ikaw parin.

Balak ko sanang puntahan ka at batiin, kaso naalala ko, wala na pala tayo.

Kahit kailan hindi na magiging tayo.

Dahil masaya ka na, okay ka na.

Habang ako, hindi pa.

Mga KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon