New RoomMates and Hi Dark Angels

58 3 0
                                    

Someone's POV

Masaya ako kasi nandito na siya. Nandito na ang aming kaibigan. Ng makita ko siya sa may garden nilapitan ko siya at ngumiti pero siya nakatingin sa akin ng cold.

"Who are you?" Tanong niya sa akin. Parang yung puso ko nawasak. Hindi na ako kilala ni Katirina.
"Hindi mo ba ako kilala?" Pabalik kong tanong sa kanya.
"Kung kilala kita edi sana hindi kita tinanong. Pst. Use your common sense." Sabi niya at umalis.
"Hindi mo talaga ako kilala?" Tanong ko ulit sa kanya.
"No wala akong kilala dito." Sabi niya at umalis. Umupo ako sa bench at dun na umiyak.

*ring ring*

*Misty Calling*

"Hello Ate Misty. Napatawag ka?" Tanong ko sa kanya.
"Napatawag ako kasi gusto namin malaman mo na...." Hindi na pinatapos ni Ate Misty yung kanya sasabihin ng marinig ko ang boses ni Ate Renselle.
"Hello sasabihin lang namin sayo na nagka amnesia si Katirina nung 10 years old siya. Pasensiya na pero hindi kana niya kilala." Sabi ni Ate Renselle kaya ako naka tulala.
"Totoo ba Ate?" Tanong ko.
"Oo totoo." Sabi nila bago ipatay ang telepono. Pagkapatay ni Ate Misty ang tawag pumunta na ako sa room namin para makilala ang new roommates ko.

"Oh bat ngayon kalang?" Tanong ni Emma sa akin.
"Guys hindi na tayo kilala." Sabi ko sa kanila at bigla nalang nag iba ang reaksyon ng mukha nila.
"ANO?!" Sigaw nila.
"Pano mo nalaman?" Tanong ni Kylie.
"Tinanong ko kanina sa kanya. Tapos hindi na niya ako makilala." Nangingiyak kong sabi.
"Ok lang yan. Baka nagka amnesia lang siya o nakalimutan niya kasi 5 years old palang tayo umalis na siya." Sabi ni Emma.
"Guys may sasabihin ako sa inyo." Seryosong sabi ko kaya naging  seryoso din sila.
"Ano yun?" Tanong nila
"May amnesia si Katirina." Sabi ko at nakita ko ang reaction ni Scarlet na parang iiyak. Si Scarlet at Katirina kasi magkakaibigan na since 4 years old sila pero ngayon hindi na :(.

Katirina POV

Sino ba yung babaeng yun? Pamiliar kasi siya sa akin. Hays... Mag isip ka Katirina ha. Si Julia lang ang kaibigan mo kahit patay na siya.

"Ms. Dela Cruz." Tawag sa akin ng guro kaya lumapit ako sa kanya.
"Ano po yun, Ma'am?" Tanong ko sa kanya. May inabot sa akin si Ms. Jelain na papel kaya nag tataka ako.
"Ang papel na yan. Diyan yung pangalan ng room mo at ma me-meet mo ang roommates mo." Sabi ni Ms. Jelain kaya tumango nalang ako bilang sagot.

Hinahanap ko ngayon ang dorm ko ng makita ko yung numero.

Room-110

Nakita ko na yung dorm ko. Tumingin naman ako sa kanan ng may narinig akong bulungan.

Diyan ba yung dorm niya?-girl1
Oo. Swerte siya makilala niya ang Dark Angels.-girl2
Oo nga.-girl3

Hindi ko na pinakinggan pa at pumasok na sa loob. Nakita ko ang pitong babae na sobrang angas. Nakita ko ang babae kanina na kausap ko.

"Kayo ba ang mga roommates ko?" Tanong ko kaya tumango nalang sila.
"Siya ang sinasabi ko kanina." Rinig ko ang bulong ng babaeng kausap ko kanina.
"Katirina Dela Cruz, right?" Sabi ng babaeng naka violet na damit at black na jeans.
"Yes and you are?" Tanong ko sa kanila.

"Kylie Dela Fuente."(Minatozaki Sana)
"Scarlet Witch."(Im Na-Yeon)
"Jean Grey."(Kim Dahyun)
"Ivy Poison."(Hirai Momo)
"Sue Villanueva."(Yoo Jeong-Yeon)
"Zatanna Turner."(Son Chaeyoung)
"Harley Quinn."(Myoui Sharon Mina)
"Emma Frost."(Park Jihyo)
"Mary Abbeghail Fardiñola. The leader of DARK ANGELS."(Chou Tzuyu)

Wait..... they looked familiar.

"That black door is your room." Sabi naman ni Scarlet. Yes, kilala ko na sila. Alam ko na rin kung sino ang mga pangalan nila.
"Ok." Cold kong sabi at dumiresto sa room ko.

Pumasok na ako sa room ko at nilagay na ang mga gamit ko sa gilid at sumalampak na sa kama. Isa lang ang masasabi ko NAKAKAPAGOD.

*************

'All students please go to the gym again all students please go to the gym thank you.'-principal

Dumiresto na kami sa gym at kitang kita ko ang excitement sa mukha ng mga studyante dito.

"Salamat at pumunta kayo dito." Sabi ni Ms. Jelain.
"Ok now all of you are here. We will greet the super powerful in this school. Please welcome the DARK ANGELS." Nag palakpakan naman sila at iba nag sisigawan. May nakita akong siyam na babae na pumupunta sa stage. Sila siguro yun.

"GOOD MORNING STUDENTS OF DAWN!" Sigaw ni Emma ka todo hiyaw.
"Kaya namin kayo pinatawag sa principal dahil gusto namin mag hamon sa isa sa inyo." Natahimik naman silang lahat. Tumaas ako ng kamay na ikinagulat nila.
"Maghahamon ako." Sabi ko.
"If you say so." Sabi ni Kylie at pumunta na silang siyam sa may stage.
"Choose one." Sabi ni Harley.
"I'll choose your leader." Bored kong sabi. Nakita ko naman sa mukha nila ang gulat.
"Then ok." Sagot nila at pumunta kami sa stage.

"Now that the DARK ANGEL-Mary had an enemy. Let's start the battle."

Kinuha ni Mary ang maliit niyang kutsilyo sa bulsa niya at sumugod sa akin. Na sugatan ako sa braso ko at napahiyaw nalang ako sa sakit.

*after 1 hour*

Sa wakas tapos na. Habang bumaba ako sa stage may naaninag akong babae na sobrang pamilyar sa akin.

Sandali Julia?

*****************
Happy 6,000+ readers hihi

Hi guys sorry ngayon lang ako nakapag update. Kakatapos lang kasi ng exam namin eh.

Salamat pala sa pag vote.

Fall For Each OtherWhere stories live. Discover now