MWT - 2

14.1K 337 2
                                    

2

♡ Lynin pov ♡

Umakyat na ako sa taas para matulog at makapaghanda para bukas. Lunes ngayun napaisip ako bakit andito siya? Hindi naman yan siya umuuwi ng lunes ah. Kadalasan sa kanya pagkaalala ko uuwi siya ng thursday at madaling araw umaalis siya na. Siguro may pinuntahan lang siya malapit dito kaya dito narin siya umuuwi. Pumasok na ako sa kwarto para kunin ang kumot binili ko nasa closet. Nakita ko si Zac nasa kama nakaupo nagbabasa ng libro.

Kahit tingin o lingun hindi naman niya ugali gumawa nun. Dumiretso na ako kumuha ng kumot at umalis na ng nagsalita siya. "Saan punta mo"? Kahit hindi siya tumingin sa akin.

"Sa kabilang kwarto ako matulog para makapagpahinga ka na, goodnight" saka sinara ko ang pinto.

"Sa tingin mo makaalis ka"? Napalingun ako sa likod ko nakatayo siya sa gilid ng pinto at nakacross arm ang dalawang kamay.  "Dito ka matutulog" hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko.

"Zac anu ba nasasaktan ako sa paghawak mo sa braso ko" reklamo ko sa kanya saka binitiwan ako ng diretso muntik na akong mabunggo sa pader.

"Anu ba problema mo? Alam ko galit ka sa akin, kaya nga doon ako sa kabilang kwarto matulog para magpahinga ka" sagut ko sa kanya hinawakan ko ang braso ko medyo masakit saka namumula.

"Galit ako sayo dahil hindi ko na magawa ang gusto ko. Alam mo ba ha?! Hindi ko na magawan ng paraan para makasal kami ni Mich. dahil sayo hindi na matuloy"  so yun ang dahilan niya. "So nagkabalikan na kayo"? Diretso kung tanung sa kanya. Mukhang mahal na mahal niya si Mich.

"Okay, don't worry mangyayari din yan ang gusto mo. Gagawan natin yan ng paraan"  sagut ko sa kanya.

Kumuha siya ng pera sa wallet niya. "Para sa gastusin dito sa bahay"  nilagay niya sa lamesita at bumalik na siya sa kama. "Wag na, may pera pa naman. Saka wag mo na ako bigyan ng pera. Alam ko napilitan ka sa sitwasyon natin. Pareho lang naman tayo Zac. Maswerte ka nga eh"  humiga ako sa sofa at nagtalukbo ng kumot kinuha ko.

Tahimik lang siya. "Balang araw Zac magagawa mo rin ang gusto mo, maghintay ka lang" dagdag ko sa kanya. Kaylangan ko ng pera pero mas nakakabuti ako nalang maghanap para sa sa sarili ko. "Saka wag kang mag alala walang makakaalam tungkol sa kasal natin kahit alam ng public yun. " dagdag ko saka tumalikod na ako. Minabuti ko nalang kung anung nararamdaman ko sa akin nalang yun. Ayoko may makaalam na iba.

Kinabukasan maaga ako nagising para pumasok sa school. Alam naman niya papasok ako sa school kasi nagpaalam ako kay Zac  nung isang buwan. Wala naman daw siyang paki kahit pa nga daw magkita kami ni Jerome. Hindi niya nung malapit na kami kinasal nakipaghiwalay ako kay Jerome. At wala na din akong balita sa kanila ni mommy. Kahit nga magtanung kung okay lang ba ako o hindi. Saan kaya mga totoo kung magulang. Nakakainggit lang noh.

Napaligiran ako ng mga taong sweet puno sa pagmamahal ng love one's nila kahit family. Ako ito nag iisa kahit ganito ako hindi ko pinapakita nila Ellaine kung anung nangyari sa buhay ko. Nag iwan narin ako ng note para kay Zac kahit alam ko hindi niya ito kakainin ang hinanda ko.

Pagkarating ko sa kanto pumara ako ng jeep kahit puno na nakipagsiksikan talaga ako para makatipid lang at ng malapit na ako sa school bumaba na ako at naglakad. Nakikita ko ang ibang student hatid sundo ng mga magulang nila. Ako? May magulang ba ako na matawag? Pumasok narin ako sa school pagkatapos ko nag log in at dumiretso sa faculty staff. At magsimula na ako para sa trabaho ko. Ng dumating ang oras pumasok narin ako.

Kung sa school nobody ako. Walang makausap o friend man lang unlike nung high school ako. Ang nasa room nga namin ngayun patalbugan ng mga damit at make up even cellphone kaya wag ka ng umasa may papansin sayo.  At ako dito sa gilid nag iisa.

"Excuse me miss wala bang nakaupo diyan"? Tiningnan ko ang lalaki kumausap sa akin. Umiling ako. "Pwede na ba akong umupo"? Tumango lang ako. Ngumiti siya. Cute naman siya at maliit ang mata maputi din. At matangus ang ilong. "Kala ko late na ako, mabuti pagdating ko wala pa si Prof" bigla niyang sabi.

"By the way miss pwede malaman name mo? Anu kasi hmmn magkatabi naman tayo ng upuan. Siguro wala naman magalit di ba? By the way I'm Russel"  pakilala niya sa sarili niya.  Ningitian ko lang siya. "Wag kang magalit ha, pwede magtanung nagsasalita ka ba? Kasi kanina pa ako dito nagsasalita ni hi hindi ka nagsalita"  napangiti ako sa sinabi niya. Minsan kasi ganito ako.

"Hehe sorry, I'm Lynin" sagut ko sa kanya.

"Oooowww cute name, kala ko hindi kana magsalita sa wakas nagsalita ka na rin" sagut niya at pumasok na si Prof kaya tahimik ang lahat.

Pagkatapos sa klase bumalik narin ako sa faculty at si Russel andun sa isang building may klase daw kasi siya doon. Nagsimula na akong maglinis at natapos ang buong araw ko. Kaya umuwi narin ako.

"Lynin wait"? Napatingin ako sa hallway sa tumawag sa akin si Russel pala tumatakbo papunta sa akin. "Bakit"? Hiningal pa siya at nakasuot ng uniform sa basketball so player pala siya. "Basketball player ka"? Tanung ko sa kanya ngayun sabay na kami naglakad.

"Oo sumali ako, uuwi kana hatid na kita" napahinto ako. "Wag na, saka may dadaanan pa ako"  dahil maghanap ako ng trabaho.

"Dadaanan nalang natin" sagut niya huminto ako at hinarap siya.

"Aminin ko nalang, naghahanap kasi ako ng trabaho ngayun. Part time job lang pang allowance ko" sagut ko sa kanya.

" tamang tama yung ate ko naghanap ng crew sa coffee shop niya ngayun kung gusto ka refer kita doon"  nagulat ako sa sinabi niya.

"Sure ka"? Tanung ko sa kanya.

"Yup, pero teka lang bakit ka naghanap ng trabaho? Yung mga magulang mo pala"? Ningitian ko siya.

"Sabihin nalang natin na hindi nila ako kilala o patay na sila"  wala naman talaga akong picture sa totoo kung magulang. Isa pa sanggol pa daw ako iniwan sa kanila ni mommy.

Musta na kaya sila? Simula ng kinasal ako wala na akong blita parang kinalimutan na nila ako.

 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon