MWT 27

6.6K 166 5
                                    

27

HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!! 😍😍😍

Lianne pov

Pagkatapos sa pag uusap namin sa mga magulang ni Zac at Jad umalis na kami si Zac narin humatid  sakin ayaw pa pumayag ni Jad. Si dad na mismo kumausap sa kanya. Kaulanan pumayag narin siya.

"Ang lalim ng inisip mo? Yun parin ba nangyayari kanina"?  Bigla niyang salita. Seryoso kasi siya kanina habang nakatingin lang sa daan ng diretso.

Nilingun ko siya at ningitian. "Iniisip ko kasi kung bakit  ako ang pinagbintangan ni Ate Dona sa pagkamatay ni mommy" sagut ko sa kanya. Binalik ko ang tingin ko sa labas.

"Sa tingin mo may kinalaman ba siya sa pagkamatay ni mommy"? Dagdag ko.

"Sa ngayun hindi natin yan masasagut Ly, kasi pareho pa tayo walang alam sa nangyayari except kung may cctv sa kwarto ni mommy mo" napatango ako sa sinabi niya ng bigla nagring ang phone niya. Kinuha niya ito at agad sinagut. Huminto muna kami sa tabi ng daan.

Sino kaya tumawag sa kanya. "Yes hello" sagut niya sa kabilang linya.

Nakikinig lang ako habang nakatingin sa labas ng kotse. "What? Okay sige sige darating ako," bigla akong napalingun sa kanya nakatingin rin siya sakin.

"A-anu kasi pahatid ka nalang sa driver, doon na kita puntahan sa hospital" sagut niya saka binaba ang phone niya.

Hindi mapakali si Zac sa upuan habang palihim nakatingin sakin. "A-anu kasi si Mitch sinugud sa hospital manganganak na ata"  bigla niyang sabi. Buntis pala si Mitch sa anak nila at ngayun manganganak na ito. Pinaandar niya ang kotse. Ng napansin ko nasa lungsod na pala kami.

"Wag mo na akong ihatid Zac, puntahan mo na siya mas kaylangan ka niya" binuksan ko ang pinto sa kotse. Agad niya hinawakan ang kamay ko kaya agad ko itong tinanggal.

"Wag mo na akong ihatid" at lumabas na ako.

"Ly, pumasok ka ihatid kita sa ayaw at sa gusto mo" hinarap ko siya sa loob ng kotse.

"Wag na malapit naman ang bahay dito saka andito ako sa probinsiya walang mangyayari sakin. Sige na puntahan mo na siya mas kaylangan ka niya. Bye" saka nagsimula na akong naglakad palayo sa kotse.

Ang hirap naman oh pinigilan ko na nga ang sarili ko na hindi mahulog sa kanya pero andito naman yung feelings ko na mabigat. Kaylan ba ako masanay na hindi ako kaya mahalin ng taong mahal ko. Hanggang saan ako masasaktan? Hindi na ba ako sasaya? Napaupo ako sa bench dito sa park medyo madilim narin. Sana lang ako nalang ang namatay para hindi ko na nararamdaman ang sakit. Plus ako pa ang sinisisi ni ate Dona.

Pagkarating ko sa bahay nakita ko si Ate Carol nasa labas ng gate kararating lang niya.

"Aria?!" Nagulat pa siya ng makita ako.

"Hi Ate" sagut ko sa kanya.

Sinuri niya ang hitsura ko. "Anung nangyayari sayo okay ka lang"? Nabuksan na niya ang gate kaya pumasok na kami.

"Oo naman ate okay lang" sagut ko sa kanya papasok kami sa loob ng bahay.

"Musta ang burol ng mommy mo? Kailan ang libing"? Tanung niya. Dumiretso ako sa kusina kumuha ng tubig isang baso at bumalik sa sala.

Naka upo na siya sa sofa kaya dumiretso rin akong umupo. "Okay naman ate kaya lang ako sinisisi sa pagkamatay ni mommy" sagut ko sa kanya.

"Anu?at bakit naman daw? Porket dumalaw ka lang sa mommy mo" sagut niya.

"Teka lang ikaw lang ba isa umuwi dito? Saan ang dalawang lalaki"? Hanap ni ate Carol sa dalawa.

"Si Jad nagpaiwan, si Zac nasa hospital dinala sa hospital kanina si Mitch" sagut ko sa kanyang tanung.

 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon