MWT - 39 - Good news

6.6K 172 3
                                    

39

Someone's pov

"Doc gising na ang pasyente" sabi ng nurse kaya agad tumakbo ang doctor sa icu kasama ang nurse.

Agad tiningnan ng doctor ang monitor niya. At ang condition sa katawan niya.  Pati ang bp nito.

"Normal na doc, himala ang nangyayari sa kanya ngayun"  sabi ng nurse nakangiti.

"Miss Ly, how are you? Kamusta ang pakiramdam mo? Meron pa bang masakit sayo?" Tanung ng doctor sa pasyente.

Umiling ito kahit nakapikit pa. "Okay dahan dahan mo buksan ang mga mata mo," agad naman ginawa ni Lynin at tuluyan ng bumukas ang mata niya.

"Anu may nakikita ka ba? Anu ang masakit sayo? Ah nurse pakialalayan siya para makaayus ng  upo" agad naman ginawa ng nurse at tuluyan ng nakaupo si Lynin.

"Nurse pakibantay lang muna sa kanya, may tatawagan lang ako" sabay lumabas ang doctor sa kwarto.





















Zac pov

Agad ko kinuha ang phone ko nagvibrate. Si Doctor ang tumawag.

"Yes, doc"? Sagut ko sa kanya.

"Good news gising na ang asawa mo"  nagulat ako sa sinabi niya. OA man pero bahala na parang naiiyak ako.

"Hoy Pre, okay ka lang? Ba't ka naiiyak"? Nagtakang tanung ni Rusty sakin.

"Okay sige thank you doc" saka binaba ko ang phone.

"Pre gising na si Lynin! Need ko ng puntahan siya" sabay kuha ko sa jacket ko.

"Good news yan Pre, i'm hoping Pre this time magiging okay na ang lahat at ang asawa mo lang makapagbigay ng solution nito"  sagut ni Rusty.

"Sana Pre, kasi naawa na ako sa kanyang sitwasyon" sagut ko.

"Sige na Pre puntahan mo na susunod nalang kami ni Ellaine"  tumango saka tinakbo ko ang palabas sa office niya. Dali dali akong nakisabay sa mga employee sa elevator. Gusto ko ng makita siya at makausap namimiss ko na ang mga ngiti at boses niya. Pagkarating sa ground floor agad ko tinakbo ang parking lot. Pagkapasok ko sa kotse pinaandar ko ito at pinatakbo ng mabilis. Pagkarating ko sa hospital agad ako dumiretso sa kwarto niya. Sinabi ko kasi kanina sa doctor na sila nalang kumuha ng kwarto para sa kanya.

Agad ko binuksan ang pinto. Pagkabukas ko. Meron palang bisita dumating. Nagbabalat ng apple. Paglingun niya.

"Pwede ba tayo mag usap?" I'm sure magagalit naman ito sakin. Tinungo namin ang rooftop. At doon nag uusap.

Pagkarating namin agad niya ako binigyan ng suntok, hindi ko yun inasahan kaya napaupo ako sa sahig.

"Sayo ko pinagkatiwala si Lynin dahil sabi mo mahal mo siya, pero anung ginawa mo? Pinabayaan mo siya muntik ng namatay dahil sayo"!  Galit niyang sabi.

"I'm Sorry Jad, hindi ko naman alam mangyayari biglaan yun. Tsaka bakit ka ba galit na galit ha!? May gusto ka ba sa asawa ko?" Hindi niya ako hinarap.

"Matagal na at alam mo yan"  napakuyum ako sa sinabi niya. Medyo masakit dahil kapatid ko siya. Pero naiintindihan ko rin dahil siya nag alaga kay Ly at nagparaya siya. 

"Alam niyo ba sino ang gumawa sa kanya nun?"? Tanung niya.

"May lead na kami, kaya lang walang ebidensiya dahil malinis ang pagkagawa niya"  sagut ko sa tanung niya.

"Paano kung sabihin ko sayo si Dona ang may pakana ng lahat maniniwala ka ba? Sa simula palang bro ng kinasal kayo ni Ly mas lumala ang pagkabaliw ni Dona," kumunot yung noo ko sa sinabi ni Jad.

"Ang akala ko ba kinasal kami dahil sa business lang"?  Tanung ko.

"Yup, part sa business ang pagpakasal sa inyo ni Ly, kaya lang nung single ka pa stalker mo si Dona. Naalala mo yung may nagpadala sayo ng mga bouquer at pagkain sa set ng picturial niyo ni Rusty? Kay Dona yun galing" kumunot yung noo ko.

"Paano mo nalaman ang lahat ng yan?" Tanung ko.

"Dahil nakikita ko siya, sa harap ng school, kahit saan ka pumupunta"

"So meaning kilala mo na si Ly dati pa"? Tanung ko.

"Hindi pa. Nakilala ko siya nung niligtas ko siya. Muntik na siyang namatay dalawang beses"  i'm sorry Ly.

" bukas pumunta ka sa bahay may ibibigay ako sayo" saka umalis na.

Bumaba na rin ako at pinuntahan si Ly., pagkarating ko may bisita  siya kausap.

Isang lalaki?

"Zac?" Lumapit ako saka ningitian ko si Ly. Hinalikan sa noo.

"How are you? May gusto ka ba ipabili"? Tanung ko sa kanya.

"Mamaya na madaming dala si Jad kanina. By the way Zac si Russel, Rus si Zac"  pakilala niya sa aming dalawa.

"Zac, Lynin husband" pakilala ko sa sarili ko sa kanya. Medyo nag iba ang hitsura niya.

"Zac si Russel ko friend ko at schoolmate dati"  sabi niya.

Umupo ako sa tabi niya. "Si Jad saan na"?

"Umuwi muna siya. Babalik daw mamaya" tumango naman siya.

"Ah Ly, alis muna ako may pupuntahan pa ako" sabay tayo niya.

"Thanks sa pagdalaw" sabi ni Ly.

"Your welcome basta ikaw, magpagaling ka okay, bye" kumaway pa siya. Saka umalis na.

"Alam mo ba subra akong nag alala sayo" sabi ko sa kanya sabay hawak ko sa kamay niya.

"Buhay pa naman ako" sagut niya.

"Bakit ka kasi hindi nag iingat" sabi ko sa kanya.

"It's okay buhay pa ako," sagut niya.

"Teka may gusto ka kainin? Apple? Orange? What do you want hon"? Tanung ko sa kanya.

Ngumiti siya, kaya hinalikan ko siya sa labi smack lang naman.

"Bakit ka bigla bigla nalang manghalik?" Inalalayan ko siyang umupo.

"Namimiss lang kita masama ba yun?" Hinalikan ko ulit siya sa noo.

"Sorry kung hindi naipangtanggol hon sorry" dagdag ko.

"Sshh, wala kang kasalanan Zac okay wag mo yan isipin importante buhay pa ako"  sagut niya kya niyakap ko siya.





 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon