MWT 30

6.6K 165 2
                                    

30

Aria pov

Wala kaming imikan sa kotse niya habang siya nakatingin sa daan ng seryoso. At ako naman sa labas nakatingin.

"Galit ka ba sakin"? Bigla niyang tanung habang ang mata niya sa daan parin nakatutok.

"Hindi naman. Tsaka bakit naman ako magagalit sayo kung walang dahilan" sagut ko sa kanya.

Hindi naman ako galit kaya lang ang pakiramdam ko kung makita ko ang hitsura niya parang bumabalik sa lahat ang sakit. Gusto ko na yun kalimutan pero sadyang kahit anung limot ko hindi ko magagawa.

Mas maganda siguro kung ako na lumayo sa kanya. Isa pa paano niya nalaman na andito na ako sa probinsiya nakatira?

"Kung ganun bakit moko iniiwasan kanina hanggang ngayun hindi mo parin ako kinausap" hindi ko siya nilingun sa sinabi niya.

"Bago ko makalimutan after sa libing ni mommy ipaprocess ko na ang papers natin sa annulment" bigla kung sabi sa kanya.

Agad niya binilisan ang pagpatakbo sa kotse. "But why? Nagmadali ka ba? Magpapakasal na ba kayo ni Jad"? Napangiti ako sa tanung niya.

"Ito lang ang tamang paraan para tumahimik ang lahat Zac. Gusto ko ng katahimikan. " sagut ko sa kanya.

"Pero hindi naman dahilan para takasan mo. Andito ako tutulungan kita Ly." Sagut niya.

"Alam ko pero anu ba magagawa ko. Baka kunting sakit nalang bibigay na ako Zac. Isa pa para magiging legal kayo ni Mitch" dagdag ko sa kanya.

Tiningnan ko siya at binigyan ng isang ngiti. Dahil mas lalo lang ako masasaktan pagkasama kita. Di bali Zac kung magiging okay na ako siguro magkita pa tayo. Hindi na rin siya sumagut sa sinabi ko. Ganito naman magmahal di ba na magparaya kahit masakit.

Dumating kami sa burol ni Mommy. Medyo madami din tao pumunta si Zac andon sa labas nag uusap sila ni Jad. Anu kaya pinag usapan sa magkapatid. Parents din ni Zac andito pati sila Rusty at Ellaine. Si NJ din andito pero hindi kasama asawa niya nasa london kasi.

"Ly" napalingun ako sa tumawag sakin si Kuya Cyrus pala palapit sakin.

"How are you"? Binigyan ko siya ng ngiti.

"Don't worry andito ako at hindi niya magawa paalisin ka" dagdag ni kuya.

"Ly"? Lumingun ako sa tumawag sakin.

"Laine!" Niyakap niya ako ng diretso pagkaharap ko sa kanya.

Bumitaw siya sa pagkayakap sakin. "Kamusta kana? Pinabayaan mo ba ang sarili mo? Bakit ka pumayat?" Hinawi niya sa kamay ang buhok nagkalat sa mukha ko.

Ningitian ko siya "okay lang ako. Ikaw kamusta ka na"? Balik tanung ko sa kanya.

"Okay lang naman ako" sagut niya.

"Condolence Ly" dagdag niya.

"Thanks Laine, mabuti nakarating ka akala ko Hindi ka makapunta. Oo nga pala si Kuya Cyrus, kuya si Ellaine" pakilala ko sa kanilang dalawa.

"Hi , mabuti nakarating kayo" sabi no Kuya.

"Maiwan ko muna kayong dalawa diyan" saka umalis na si Kuya.

"So dumating ka nga, kapal ng mukha mo para pumunta pa dito! " napalingun kami sa nagsalita. Si Ate Dona akmang sasampalin niya ako.

"Subukan mong saktan si Lynin ako ang makakalaban mo!" Sagut ni Ellaine kay Ate Dona.

"At sino ka naman ha! Para ipagtanggol mo Yang walang hiya na babae "? Pinanlakihan niya ng mata si Ellaine.

"Ako? Find out kung sino ako" sagut no Ellaine Kay ate Dona. Hinawakan ko ang kamay niya.

 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon