MWT 29

6.4K 177 4
                                    

29

Play: Mouth to Mouth by Enrique Iglesias


Aria pov

Paikot ikot ako sa salamin dito sa kwarto ko. Tiningnan ko ang katawan ko sa salamin. Hindi naman totoo sinabi ni Ate Carol tsaka bakit naman ako magiging pregnant? Wala akong boyfriend o asawa man lang.

Napahinto ako sa pag ikot sa harap ng salamun saka umupo sa gilid ng kama ko napaisip ako bigla.

"I love you Ly" ako mahal niya? Imposible yun hindi yun mangyayari. At yung nangyayari samin hindi naman yun nagbunga kaya hindi ako dapat mag alala doon isa pa matagal na yun. May iba na siyang mahal simula ng kinasal kami alam ko hindi niya akong kaya mahalin.

"Akala ko ba natulog kana..? Nag emote ka pa pala"? Si Jia kagagaling lang sa banyo.

"Sige na matulog na ako pero maligo muna ako no.! Patulugin mo na agad ako hindi pa naligo"? Kinuha ko ang towel ko sa likod ng pinto.

"Namimiss mo siya noh"? Asar sakin ni Jia.

"Hindi ah tsaka bakit ko naman siya mamimiss may asawa na siya at kuntento na ako na friends lang kami" sagut ko sa kanya.

"Talaga kuntento ka na friends kayo? Eh paano kung mahal ka niya"? Habang nagsusuklay sa buhok niya.

"Hindi ako mahal nun no' ?" Sagut ko sa kanya.

Pagkatapos niya ginawa ang ritwal niya umupo siya sa gilid ko.

"Aria o Lynin whatever, aminin mo man o hindi mahal mo siya at namimiss mo siya. Nakikita ko yan sa mata mo paano ka tumingin sa kanya. Wag mong pigilan ang feelings mo. Di ba sabi mo mahal ka niya? Walang mawala sayo maniwala ka man sa sinabi niya o hindi. Bakit nagawa mong ibigay sa kanya ang sarili mo? Kung friends lang kayo? I'm sure pagkatapos sa pangyayari sa buhay mo ngayun magtatapat siya ng feelings sayo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jia.

"Wow Jia, saan yan galing ang pinagsabi mo? Ikaw ba yan"? Sagut ko sa kanya.

"Gaga, sinabi ko lang sayo kung anung nakikita ko" sagut niya.

"Wag na Jia mas mabuti hindi niya alam ang feelings ko para walang madadamay at kung mamatay man ako sakin nalang yun. Ipaprocess ko na ang papers sa annulment namin para matapos ang lahat pagkatapos sa libing ni mommy." Sagut ko sa kanya.


"Hoy babae! Anung pinagsabi mo? Anung mamatay? May balak ka bang magpakamatay"? Sinampal niya ako sa braso.

"Tsaka bakit hindi mo sabihin sa kanya na mahal mo siya"? Tumayo ako saka pumasok sa banyo at nilingun si Jia naghihintay siya sa sagut ko.

"Dahil pagsabihin ko sa kanya masasaktan lang ako Jia. Sa simula pa lang ako na sinisisi niya kung bakit hindi sila nakasal. Isa pa ang pagsabi niya sakin ng i love you wala naman yun kasiguruhan. Hindi natin alam ang totoo o hindi" saka sinara ko na ang pinto.

Napatingin ako sa salamin dito sa loob ng banyo. Dahil ayoko umasa dahil baka hindi ko na kakayanin kung masasaktan pa ako. Atleast kung hindi niya alam hindi ako nasasaktan. Kuntento na ako kung anung pinakita niya sakin. Pagkatapos ko naligo lumabas na ako sa banyo. Si Jia busy parin sa phone niya at tumabi ako sa kanya.

"Wag mong sabihin kahit kanino Jia yung pinag usapan natin pwede"? Pakiusap ko sa kanya.

"Oo naman ikaw pa makaasa ka Ly. Matulog na tayo goodnight" saka humiga siya.

Mabuti naman naintindihan niya ako. Kinabukasan maaga ako nagising dahil pupunta ako sa palengke pagkatapos sa burol ni mommy ngayun ang libing.

Pagkalabas ko sa kwarto nakikita ko ate Carol may kausap sa labas. Agad ko nilapitan si Jia. "Psst, sino yung kausap ni ate Carol"? Tanung ko sa kanya habang nagtimpla ng kape.

"Si Prince Charming mo" sabay ngiti niya.

Kunot noo ko siya tiningnan. "Si Zac, hayan masyadong excited makita ka kaya subrang napaaga" tinapunan ko siya ng celophane.

"Umayos ka nga Jia nagtanung ako ng maayus sayo" reklamo ko sa kanya.

"Oh Aria gising ka na pala andito si Zac sinundo ka" napatingin ako sa likod ni Ate nakasunod si Zac nga nakangiti.

"Hi Ly morning" bati niya sakin.

"H-hi din mo-morning din" sagut ko sa kanya. Parang ang awkward lang. Bakit kasi andito pa siya.

Umupo siya sa mesa sa tabi ko kaya tumayo ako at lumipat sa kabilang upuan. "Zac kape?" Tumango naman siya.

"Ly, kape daw" napatayo ako ng di oras dahil ipagtimpla pa siya ng kape. Sa totoo lang first time ko siya ako magtimpla ng kape. Dahil kasi isang buwan dalawang beses lang kami magkita. Ni tawag o text kung buhay pa ba ako wala akong natanggap galing sa kanya.

Binigay ko sa kanya ang kape tinimpla ko "sabihin mo lang kung ayaw mo sa timplada. O baka matabang o matamis" bigla kung sabi sa kanya.

"Aria dalhin mo nalang ang susi ha mauna na kami ni Jia. Condolence Ly. Mag ingat kayo sa byahe. Ly, Zac mauna na kami magbubukas pa kasi kami ng tindahan" sabay tayo ni ate at Jia. Si Jia naman nakatingin sakin nagtatanung kung okay lang ako. Tumango naman ako sa tingin niya.

"Sige Carol mag ingat kayo" sabi niya.

Ng nakaalis na si Jia at ate Carol medyo tumahimik ang paligid sa aming dalawa ni isa walang nagsasalita. Ayoko ko din magsalita.

Tumayo siya pumunta sa sink akala ko ilagay niya lang ang mug doon. "Wag na ako na maghugas niyan ilagay mo nalang diyan. " bigla kung sabi sa kanya. Nilingun niya ako.

"It's okay maligo ka na " sagut niya.

"P-pero" bakit bigla akong kinabahan sa inasta niya? Sa pinakita niya ngayun? Parang natatakot ako bigla na baka bigla niya akong pagalitan o sigawan.. pinikit ko ang mata ko.

"Hey okay ka lang? Gusto mo dalhin kita sa hospital"? Napamulat ako ng mata. Nasa harapan ko na ang mukha niya.

"Okay lang ako" sagut ko sa kanya.

"Sure ka"? Tumango ako.

Flashback: ikaw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal namin ni Mitch.

Naalala ko bigla yung mga sinabi niya sakin dati. Bakit hindi yun matanggal sa isipan ko? Paulit ulit itong bumalik sa alala ko.

Pingilan ko lang ang mga luha ko. "Sige pasok muna ako sa kwarto dito ka lang" bigla kung sabi saka tumayo at iniwan siya. Pagkapasok ko sa banyo agad ko itong nilock. Doon ko pinalabas ang mga luha ko. Subrang maaga para lumabas ang luha ko. Kaya nga ayoko pag usapan ang mga ganung bagay dahil bumabalik sakin lahat ng sakit nangyayari sakin.

Ang akala ko okay na ang lahat pero hindi pa pala dahil ang sakit kahit kinalimutan mo na ito sadyang paulit ulit ito bumabalik sa isip mo.

























Vote and comment :

 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon