MWT 36 -

5.9K 147 5
                                    


Aria pov

Pauwi na ako ngayun medyo madilim na ang  daanan kaya minadali ko ang paglakad ko. Nauna na sila ate Carol umuwi kanina at si Jia dahil may dinaanan pa ako. Hindi ko naman akalain na gabihin ako dahil hinintay ko pa yung tao.

Habang naglalakad ako pinakiramdam ko ang paligid. Sa bagay pag sa probinsiya ka nakatira maaga talaga ang mga tao dito magsara o matulog na.

Ng may nararamdaman akong nakadunod sakin. Napatigil ako at dahan dahan kung nilingun ang likod ko at sa unahan tiningnan ko kung may tao pero wala eh. Bakit ganun? O baka natatakot lang ako o baka naman pusa lang yun pero hindi eh nakaapak siya ng isang lata kaya ang tahimik na paligid madali mong napapansin kunting bangga mo lang sa maliit na bagay.

Agad ko binilisan ang paglakad ko pagkatapos ko huminto kanina. May sumusunod talaga sakin. Anung gagawin ko natatakot na ako. Saan ba kasi si Zac at Jad kahit si Russel man lang. Mas lalo kung binilisan ang paglakad ko. Nararamdaman ko binilisan din niya ang paglakad na nakasunod sakin.

Mas lalo akong natatakot at kinabahan, hindi ko alam anung gagawin ko ngayun. Nagsimula ng bumalik ulit sa dati ang nararamdaman ko. Takot na takot. Hindi ko alam anung gagawin ko ng wala na akong ibang maisip kung hindi tumakbo ako ng diretso. At dahil may liwanag galing sa malaking buwan dire diretso akong tumakbo walang lingun lingun dahil baka pagtumigil ako mamatay ako nito.

God please tulungan niyo ako. Ilayo niyo ako sa kapahamakan!! Dasal ko sa sarili ko habang tumatakbo ng may bigla humawak sa braso ko kaya napatigil ako sa pagtakbo. Hindi ko siya nilingun dahil wala akong lakas ng loob. Natatakot na ako ng subra.

"A-anung gagawin mo sakin? Papatayin mo ba ako"? Wala siyang sinagut sa tanung ko.

Dahan dahan ko siya nilingun. Hindi ko nakikita kung sino siya pero nakamask siya ng itim. Ng natingnan ko ang ibaba sa mask ng may naalala ako.

Mas lalo akong kinabahan at natatakot, nanginginig.

"A-anung gagawin mo sakin? Bitiwan mo ako. Tulong!! Tulungan niyo ako!!!! Sumigaw ako para may tumulong sakin pero wala.

"Tumahimik ka!!" Sigaw niya sakin.

Siya yung lumusob sa bahay dati na sinundan niya ako na muntik na akong namatay.

"Please nagmakaawa ako sayo. Bitiwan mo ang braso ko. Wala akong kasalanan sayo. Bakit gusto mo akong patayin?"

Pagkatapos sa tanung ko sa kanya. Hindi ko alam kung anung nangyayari dahan dahan nalang pumikit ang mga mata ko at napahiga sa daan at tuluyan na akong nawala ng malay.
















Jia  pov

"Tao po"?!

Kunot noo ko tiningnan ang labas kung sino yun.

Pagkatingin ko mga pulis? Kaya agad ko pinuntahan si Ate Carol sa kusina.

"Ate, pulis ang nasa labas" napalingun sakin si ate Carol nagluluto kasi siya.

"Pulis? Sino hinanap? Tinanung mo bba?" Habang nagpunas sa kamay niya. Pagkatapos lumabas na din siya at sumunod ako. 

"Anung kailangan niyo sir?" Tanung ni ate Carol sa kanila sa dalawang pulis.

"Dito ba nakatira si Lynin Flores?" Pinakita samin ang id ni Aria.

"Yes, bakit sir may nangyayari sa kanya?"

"Nasa hospital siya ngayun kritikal yung condition niya. Nasaksak siya kagabi sa hindi pa kilalang suspect. Pwede kayong sumama samin" sabi ng puli kinagulat namin.

"Anu si Aria nasaksak? My God. Sige sige sir pupuntahan namin ngayun"  agad ako hinila ni ate carol para magbihis pagkatapos nilock namin ang bahay at tumungo sa hospital.

"Jia, anung sinabi ni Aria kahapun"? Umiling lang ako.

"Wala naman siyang sinabi sakin ate" sagut ko sa kanya.

Pagkarating namin sa hospital agad kami dumiretso sa nurse station at nagtanung kung saan si Aria. Nasa second floor siya kaya agad namin pinuntahan pagkarating namin agad namin nakita ang kwarto niya. Pinihit ni Ate Carol ang doorknob at dahan dahan binuksan ang pinto.

Paagkabukas ko nagulat ako sa nakita ko. Si Aria puno ng aparatus. Oxygen at dextrose. Agad lumapit si ate sa kanya at nakahiga siya sa kama. Sino kaya ang gumawa sa kanya? Bakit siya sinaksak?. Hinawakan ko ang isang kamay  niya. "Kaya mo yan Aria, wag kang susuko andito lang kami".. hinawakan ni Ate Carol ang noo niya.

Saka hinalikan niya sa noo si Aria.

"Hindi pa masyado nakarecover si Aria sa pinagdaanan niya dati Jia. Nag umpisa palang siya pero ito naman siya kaunting galaw pwede na siya mamatay. Naawa ako sa kanya Jia. Wala na nga siyang mga magulang. Pagkatapos ito sinusubuk siya ng tadhana"  sabi ni ate Carol.

Pareho kaming naawa sa sitwasyon ni Aria ngayun.

"Sino ang gumawa nito sa kanya na walang puso" ... lumabas ako sa kwarto. Hindi ko makayanan tingnan ang sitwasyon ni Aria. Tsaka parang naiiyak ako..

"May number ka ba sa mga nakakilala sa mga kaibigan niya"? Umupo si Ate Carol sa tabi ko.

"Wala Ate, " sagut ko.

"Excuse me ma'am" napatingala kami sa lumapit sa amin ang mga pulis yung pumunta sa bahay.































Someone's pov

"Bakit hindi mo siya pinatay? Ang utos ko sayo patayin mo siya?"  Sigaw niya sa lalaki.

"Wala ka bang tiwala sakin? Sa sitwasyon niya ngayun hindi na siya mabubuhay. Kung mabubuhay siya himala nalang ang mangyayari sa kanya" ..

"Dati hindi mo nagawa at sana ngayun nagawa mo na ang pinautos ko sayo kung hindi ako ang papatay sayo". 

Saka umalis na ang pinag utusan niya.


"Bakit mo siya kailangan patayin? Hindi ka ba naawa sa kanya? Wala naman siyang ginawa sayo"? Tanung ng isa sa mga barkada niya.

"Dahil ayoko nasa daan ko siya, malaking disturbo at sagabal sa mga plano ko. Simula pa lang dapat hindi na siya dumating. Okay na sana ang lahat" sagut niya sa mga barkada niya.












A//N : sa ngayun yan lang muna update ko. Thanks sa pagbasa.

Leave your comment and vote.








 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon