MWT - 10

12.1K 282 5
                                    

10

Aria pov

Pinabayaan ko lang rumagasa ang luha ko. Habang nakatingin sa dagat. Mabuti pa ang dagat  masaya, ako ito nagtitiis sa trauma nangyayari sa akin. Napaisip ako kung bakit gusto nila akong ipapatay. Kahit anung gawin kong iwas sa mga nangyayari sa akin hindi ko parin maalis sa isip ko. Nasa katawan ko na nga siguro ang trauma at sakit nararamdaman ko. Tumayo ako naglakad papunta sa dagat. Kung mamatay man ako okay lang para magiging masaya sila.

"Anung gawin mo? Magpakamatay ka? Hindi naman yan solution sa problema mo"  hinila niya kamay ko papunta sa dalampasigan. Gabi ngayun tanging ilaw ng buwan lang. Inangat ko ulo ko at tiningnan yung tao humawak sa kamay ko. Isang lalaki ngayun ko palang  siya nakita.

"Bakit mo ko niligtas sana pinabayaan mo nalang ako" wala akong pakialam kung makita niya rumagasa ang luha ko sa mukha ko. Hinila niya ako at niyakap ng diretso. Gusto ko kumawala dahil mas lalo lang dumami ang mga luha ko sa ginawa niya pero hindi ko makagawa wala akong lakas na loob.

Hindi siya nagsalita bumitaw lang siya sa pagkayakap sa akin, may kinuha siya sa bulsa niya at binigay sa akin isang panyo. "Nagkita na ba tayo"? Biglang tanung ko sa kanya. "Hindi pa" yun nga nagsalita na pero tumalikod pa. "Nakikita kasi kita pumunta ka sa dagat malapit sa gitna. Alam ko nararamdaman mo. Magiging okay ka din" bigla niyang harap sa akin.

Umupo ako sa malaking bato. "Paano mo nalalaman magiging okay ako??. Hindi mo alam araw araw ko hinaharap ang trauma ko at ang nararamdaman ko." Umupo siya sa tabi ko.

"Mabigat ang nararamdaman mo dahil wala kang mapagsabihan sa mga nangyayari sayo. Alam ko hindi ganun kadali yun, at natatakot ka malalaman nila" nilingun ko siya. Kahawig niya talaga yung lalaki.

"Ikaw ba yung nagligtas sa akin sa pangalwang pagkakataon"? Hindi ako sure pero para siya eh yung muntik naman akong patayin sa isang tao hindi kilala at dumating siya.

"Hindi na importante kung ako yun o hindi ang mahalaga ang sarili mo. Lumiit ka na oh, at pumayat ka pa. Wag mo na isipin ang problema ko magiging okay ka din promise"   tumayo siya.

"Hatid na kita"  mabait ba talaga o nagpanggap lang?

Malapit lang naman ang bahay ni Ate Coring kayA madali na kami nakarating. "Paano yan, akyat ka na sa taas"   umakyat na din ako sa taas.

Nilingun ko siya "anung pangalan mo"? Tanung ko sa kanya kaya lang hindi ako sinagut. Umalis na rin siya kumaway. Sana lang hindi siya nagpanggap na mabait.













4 months after

Zac pov

Bumukas ang pinto sa kotse ko at pumasok yung detective inutusan ko. "Anung balita"?  Tanung ko sa kanya.

"Boss nakita ko na ang pinahanap mo kaso"? Nilingun ko siya pinutol kasi sinabi niya.

Binigay niya sa akin ang brown envelope. "Anu to'?  Kinuha ko ang laman sa brown envelope. Ng nakuha ko ito takang tiningnan ko ang detective. "Bakit puntod pinakita mo?"  Kunot noo ko siya tiningnan.

"Dahil yan ang mga magulang niya sa pinahanap mo Boss, 3 years ng patay sila at hindi lang yan boss. "  tiningnan ko ang detective " anung ibig mong sabihin"?  Tanung ko sa kanya.

"Ana Marie ang totoong pangalan niya"   kunot noo ko uli tiningnan si detective.

"Yes boss pinalitang ng nag adop kay Lynin ang pangalan niya. At para makabayad si Lynin sa pagbuhay nila sa kanya pag alaga ang kapalit nun ang magiging miserable buhay niya. Ginawa siyang katulong sa nag adop sa kanya at dahil gusto nila umangat sa buhay niyo na magkapantay kayo. Pinakasal kayong dalawa ng sapilitan. Sa totoo lang boss naawa ako sa babae sa sitwasyon niya" ani ni Detective.

"Wala ba siyang kamag anak o kapatid"? Tanung ko kay detective.

"Meron kaya lang boss namatay na din dahil sa sakit, kung kamag anak? Wala din daw kasi nag iisang anak lang yung tatay niya"  naawa ako sa sitwasyon ni Lynin. At isa na ako doon kung bakit nagdusa siya ngayun.

"Sige detective maraming salamat, ipagpatuloy mo pa paghanap sa ibang impormasyon dagdag ko ang bayad."  Saka lumabas na siya sa kotse ko.

Sabihin ko na ba ito sa kanila ni Ellaine? Agad ko pinuntahan ang lugar kung saan nagtrabaho siya. Medyo malayo din siya pero di bale gusto ko siya makita kung okay lang ba siya  dumating ako sa palengke hininto ko lang kotse ko sa tabi. Hindi muna ako lumabas pinagmasdan ko lang ang isang pintuan kung saan labas pasok ang mgA tao pati mga ang nagtratrabaho. Umabut ako ng tatlong oras pero hindi parin siya lumabas nakapagdesisyon ako pumasok sa palengke. Dumiretso lang ako sa paglakad hindi naman ako nahihirapan hanapin ang pwesto nila.

Nagtago lang ako banda sa likod. Nakasuot siya ng maong na jeans at isang tshirt lang at nakasuot siya ng apron color blue. Gusto ko siya lapitan kaso hindi pwede. I'm sorry Ly, I'm sorry sana mapatawad mo pa ako.

"Aria pakibili ng pagkain natin sa labas" inutusan siya. Malaki na pinagbago niya ang mahaba niyang buhok dati ngayun hanggang leeg niya at ang katawan niya pumayat siya.



Flashback

"Pre, kung may balak ka puntahan  mo siya wag ka munang magpakita sa kanya, pwede? Dahil kung sinong tao magpakita sa kanya lalo na kung galing sa nararamdaman niya  bumabalik ang sakit nararamdaman niya"    napahawak ako sa sintindo ko. Pero mas nasasaktan siya kung magpakita pa ako sa kanya isa ako sa mga dahilan niya kung bakit natatakot siya. At ang umampon sa kanya. Pero hanggang kailan ako magtatago?lumabas ulit ako sa kotse ko at pinuntahan ang tindahan kung saan siya nagtrabaho. Sakto pagkatapos sa binili ko dumating siya.

"A-anung ginawa mo dito"? Bigla siyang napaatras. Hawakan ko sana siya ng may sumalo sa kanya ibang kamay.

"Hey okay ka lang Aria? Nahihilo ka ba"? Aria?

"Kilala mo siya Aria"? Tiningnan ko ang nasa loob ng tindahan at si Lynin nasa labas.

"Hindi Ate" sagut niya saka umalis siya. Mali ang ginawa ko dahil kinalimutan niya na ako. I'm sorry Ly.  Dumaan ang banda sa cr nila ng may bumangga sa akin. "Sorry po sir"  hingi niya ng paumanhin.

Pag angat niya ng ulo niya nagulat siya ng nakita niya ako. Nag iba na  ang Lynin nakilala ko hindi na siya yung Lynin dati na palangit pag may tao. Paano ko ba siya nakilala kahit favorite color niya hindi ko alam. "Ly wait" tawag ko sa kanya kahit madaming tao nakarinig huminto naman siya.

"Pwede ba tayo mag usap"?  Tiningnan ko siya sinuri ko ang mata niya ang labi niya. Ang mukha niya.

"Wala na tayong dapat pag usapan saka wag ka ng bumalik dito ---  baka ikamatay ko pagbumalik ka pa. Iniwan na niya ako at nawala na siya sa paningin ko. Tinawag ko si Rusty pagkabalik ko sa manila kahit gabi na at yyn nga dumiretso ako sa bahay niya pagkarating ko pumunta kami sa living room nila.

"Pre bakit parang subrang trauma ang nakikita ko sa kanya? Takot na takot ang nakikita ko sa mata niya"? Diretsahang kung tanung kay Rusty. Umupo siya sa couch.

"Ayun sa kapitbahay niyo, nung umalis ka papunta sa state's nahimatay ang asawa mo dahil sa taas niyang lagnat mabuti nalang dumating ang kapitbahay niyo. Second, pagkauwi niya galing sa hospital sinugod siya ni Dona binalaan na hindi siya pwede lumapit sa family ng Sebastian. Third. Pinaalis siya sa trabaho ng isang coffee shop dahil tanggalan ng license pag hindi itanggal si Lynin sa work. Pang apat. Pag uwi niya pagkarating niya sa bahay niyo muntik na siyang mamatay. May pumasok sa bahay niyo na hindi kilala at balak patayin ang asawa mo. Mabuti may dumating na tao tinulungan siya. Nung lumipat na siya ng bahay pauwi siya galing school. Balak naman siyang patayin sa dalawang lalaki na hindi kilala mabuti dumating yung tagapagligtas niya. Pang anim pinalayas siya ulit sa tinirahan niya dahil hindi xa nakabayad ng upa kaya napunta siya doon sa isang probinsiya walang nakalilala sa kanya." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Rusty sa akin.

"Pre kung sa simula pa lang ayaw mo na sa kanya dapat hindi mo pinahantong sa kanya ang ganito. Kaya natrauma siya dahil sa pinagdaanan niya. Wala siyAng makausap o malapitan? Babae din siya pre may pakiramdam"  ang sorry na ginawa ko kay Lynin hindi pa sapat.

 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon