MWT - 3

12.6K 323 3
                                    

3

♡ Lynin pov  ♡

Mabilis lumipas ang panahon hindi ko napansin mag 1 year na pala kami ni Zac. At ako nakapasok na rin ng trabaho sa ate ni Russel okay naman siya mabait. At naayus ko na din ang mga schedule ko. Mahirap sa umpisa pero nakakaya ko naman. Kaylangan ko magpakatatag para sa sarili ko, gusto ko hanapin ang mga magulang ko pero hindi ko alam kung saan. Saan ako mag umpisa maghanap sa kanila ni picture wala.

Bumangun ako ng maaga "Happy birthday to me"  bati ko sa sarili ko. Bumaba na ako at pumunta sa kusina.

Mag 3 weeks na si Zac na hindi umuwi. Busy siguro siya ngayun. At dahil binigyan ako ng day off ng ate ni Russel maglinis muna ako sa bahay. Nagsuot ako ng short at sando tapos tinalian ko ang buhok ko. Tinanggal ko ang bedshit sa kama at pinalitan ko ito pati cover at mga kumot.

Dinala ko siya sa baba para labahan habang nagwashing ako maglinis muna ako sa bahay. Hanggang sa dumilim na ang paligid hindi ko namalayan gabi na pala. Tinapos ko na ang ginawa ko sakto ng pagbukas sa pinto sa maindoor. Si Zac umuwi na pala, dirediretso siya paakyat sa taas dala ang coat niya. Nagluto narin ako ng pagkain ko para sa dinner ko. Wala pala akong lunch kinain masyado akong naaliw sa ginawa ko buong araw.

Nagluto narin ako ng chicken adobo with potato at nilagyan ko ng bellpeper red. Ng matapos na naghanda na ako sa mesa pang isang tao alam ko naman hindi siya kakain at hindi rin baba. Tumunog yung phone kaya sinagut ko.

Zac pov

Lumabas ako sa kwarto para bumaba ng nasa hagdanan na ako narinig may kausap siya sa phone. "Thank you Laine"

"Handa,? Wala eh okay na ako sa life ko Laine. Thank you sa pagbati sa akin ha" 

Birthday niya pala at si Ellaine ang tumawag sa kanya.

"Si Kyrie oo tumawag na siya kanina" 

"Ikaw musta ka naman"?

"Nako wag na, alam ko naman  busy ka"

"Ah sige thank you sa pagbati ulit Laine" saka  binaba niya ang phone niya. Lumapit ako sa mesa.

Lynin pov

"Birthday mo pala ngayun"?  Umupo siya sa harapan ko may pinggan dala.

Saka kumuha ng kanin at ulam niluto ko.

"Paano mo nalaman"? Sumubo siya muna.

Tiningnan ko lang siya habang kumakain.

"Importante pa ba yun?"  Balik tanung niya.

"Never mind sa tanung ko"  pagkatapos niya kumain tumayo na siya. "Oo nga pala aalis ako ngayun baka matagalan akong umuwi" sabay punta niya sa kusina.

Pagbalik niya. "Okay lang  kahit ka nagpapaalam" sagut ko sa kanya.

Napahinto siya. "Baka February pa ako makabalik may convention akong puntahan"  sagut niya.

"Okay lang Zac baka ito narin ang huli nating pagkikita" sagut ko sa kanya. Hindi naman kaylangan niya magpaalam dahil hindi naman siya nag papaalam sa akin.

Hinawakan niya ang braso ko. "What do you mean"? Binigyan ko siya  ng isang ngiti.  "Sige na imalis ka na baka may naghintay sayo"  saka iniwan ko na siya at pumunta at kusina.

Huminto ako sa pintuan "wag ka na mag alala. Sanay naman akong mag isa" sagut ko sa kanya. Hindi ako umakyat sa taas hinintay ko siya bumaba dito sa kusina. At hindi ako nagkamali nakabihis na siya pagbaba niya.  Nakita ko siyang pumunta dito sa kusina. "Babalik lang ako mamaya. Pero wag mo na akong  hintayin matulog ka na"  lalapit sana siya sa akin ng umatras ako dahan dahan kaya dali niya hinawakan ang pulso ko at pinalapit niya ako sa kanya.

Nagulat ako sa ginawa niya ng hinalikan niya noo ko. Saka umalis na siya. Anung nakain niya? Bakit niya ginawa yun.? Friendly kiss lang siguro yun sa forehead. Aalis siya siguro panahon na para bigyan ko siya panahon. Panahon para sa kanila ni Mich.

Kaya pagkaalis niya pumasok na ako sa kwarto at natulog medyo masakit ulo ko sa subrang pagud lang guro to.

Kinabukasan maaga ako gumising. Hindi ko alam kung umuwi si Zac o hindi kagabi hindi kasi ako sa kwarto natulog. Pinuntahan ko ang kwarto namin, pagbukas ko sa pinto wala parin siya. Kaya bumaba na ako sa kusina para maghanda sa sarili ko para makapasok na ako. Pagkaalis ko sa bahay nilock ko na. At lumabas na ako sa gate.

"Lynin"? Napahinto ako sa tumawag sa akin. "Russel andito ka pala" nakasandal siya sa kotse niya. "Yup. Sinundo kita" sagut niya.

"Bakit mo naman ako sunduin"? Ngumiti siya.

"Hmmn wala lang gusto lang kita masabay" sagut niya.

"So paano sabay ka na sa akin"?  Sabay lapit niya.

"Sige na nga dahil nagmadali na din ako eh, " pumasok na ako sa kotse na binuksan niya ang pinto.

Sinara na niya pagkapasok at pumasok na din siya at pinaandar ang makina sa kotse niya.

"Tahimik ka ata" nasa labas lang kasi ako nakatingin. "Wala naman" sagut ko sa kanya.

"Tahimik lang kami habang nasa byahe ng hininto ni Russel sa tabi ang kotse. "Wait lang ha, may kunin lang ako" sabay labas niya sa kotse at pumasok sa building. Ng napatingin ako sa bagong labas galing sa isang building. Si Zac at Mich magkasama binuksan niya ng pinto si Mich. At pumasok na sumunod si Zac.

"Sino tiningnan mo?" Tumingin siya sa kinaroroonan kung saan ako nakatingin.

"Kilala mo sila"? Umiling ako.

Dumating na kami sa school mabuti maaga pa. Kaya naglog in ako diretso at pumasok na sa faculty. Naintindihan naman ni Russel t ginawa ko na ang trabaho ko ng matapos ko na ang ginawa ko pumasok na ako  sa room. Ng napadaanan ako sa harapan sa group ng mga babae. May pinagkaguluhan sila tiningnan ko anung pinag kaguluhan nila. Sila NJ, ZAC AT RUSTY pala. 

Umupo na ako sa upuan ko. Napaisip ako kaya ba akong mahalin ni Zac? Wag na siguro akong umasa. Mas lalo lang madagdagan ang mabigat kong nararamdaman pag isipin ko pa yun. Okay lang yan Lynin kahit hindi ka masaya basta masaya lang ibang tao nasa paligid mo. Okay lang yan.

Pagkatapos sa klase at trabaho ko pumasok na ako sa shop ni Miss Fel. May dalawang babae pumasok ng palapit na kung sino. Agad ako nagtago sa likod ng kasamahsn ko papunta sa staff area. Sila Ellaine at Kyrie kasi ang pumasok ayoko makita nila ako na ganito. Isa pa hindi nila alam tunay na sitwasyon ko. Siguro hindi pa panahon para malaman nila ang totoo.  Pagkatapos sa trabaho ko umuwi na ako nagcommute nalang ako ng makarating ako sa bahay nakapagtaka bakit may ilaw? Hindi naman ako nag iwan ng ilaw sa labas lang. Pagbukas ko ng pinto nakabukas na siya.

Pagkatapos ko sara. Paglingun ko nakita ko si Zac nakaupo sa sofa nanunuod ng tv.? Kanina pa ba siya dito? Napatingin ako sa wall clock 11:pm na pala. Nilingun niya ako saka umakyat sa taas. "Bukas ang flight ko"  bigla niyang sabi.

"Okay " yun lang sagut ko sa kanya.

 Wife Tears   ( Completed Book 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon