Chapter V

3.6K 95 0
                                    

Nang makauwi nako sa bahay. Naabutan ko si daddy na abala na gumagawa ng kakainin namin para sa tanghalian.

Natapos na si daddy sa pagluto ng lunch namin at napansin niya na nandito na pala ako. Nang matapos kami kumain, sinabi ko kay daddy ang tungkol sa school at natuwa naman siya dahil walang tuition, ngunit bakas padin sa mata niya ang pagtataka.

"Sige nak, bukas na bukas bibili din tayo ng gamit mo."

"Ok daddy."

Kinahapunan, Wala akong magawa kaya pumunta nalang ako sa labas para magpahangin.

Naisipan kong tawagan ang kaibigan ko dahil sa sobrang boring dito sa bagong bahay namin.

'hello?'

'Hello? Sino to?'

'Si Les to. Kamusta na bes? Nagkalimutan na tayo ah? Lumipat lang kami eh'

'sorry na bes, medyo busy lang ako kasi alam mo na malapit na pasukan, aborido sa mga gagawin. Ikaw kamusta sa bagong nilipatan mo?'

'eto medyo di ako comfortable pero okay naman, nga pala bes, may share ako sayo. Nakakatuwa kasi yung school na papasukan ko, LIBRE LAHAT'

Bakas sa boses niya ang pagtataka dahil wala naman talagang ganung school.

'Huh? Paano nangyari yun? Eh baka naman di school yan bes? Grabe naman yan. San yan? Turo mo nga nang diyan nadin ako papasok'

Pagbibiro niya pa.

'Medyo creepy lang yung name pero sure naman ako na maganda kasi school naman maganda eh name lang talaga'

'Bakit ano bang name niyang school nayan?'

'HAUNTED ACADEMY bes.'

'A-AANOO? SERYOSO KABA?! PAPASOK KA SA GANYANG SCHOOL?

'Siguro naman name lang yun bes. Nung nag enroll naman ako medyo okay naman yung kumausap sakin'

'Nako bes! Sure ako may History yang school nayan! Importanteng alamin mo huh?!'

'Sige bes for you.'

Nang matapos na kaming mag usap di ko napansin na gabi na pala at tahimik na sa labas. Walang wala kang maririnig na kahit isang ingay.

Nga pala di ko pa napapakilala ang kaibigan ko, siya si
Jezarein Santiago, Kaibigan ko siya since nasa dating bahay pa kami. Secret nayun kung saan. Haha! Matagal na kaming magkaibigan, kahit sa kalokohan lagi kaming magkasama. Syempre bestfriend goals.

Nang may naramdaman akong tumawag sakin, pumasok nako sa loob. Si daddy pala kanina pako tinatawag.

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon