Chapter XLVIII

1.2K 41 0
                                    

Leserie's POV

Nakaramdam ako ng awa, nang dahil lang sa pagmamahalan ay nabuo ang black season, Pero bakit kaya nila kami sinisisi ?

Biglang may narinig ako na nagbukas ng pinto sa likod ko at nakita ko si Roy at Yza na magkasama,

Tapos kana ba Les?

Napangisi agad sila. Gusto ko silang tanungin kung bakit transferee ang sinisisi pero hindi ko nalang naisipan ibuka ang bibig ko, Tumango nalang ako at pinasunod nila ako sa lugar kung saan marami kaming nadanaan na patay, As in andito talaga ang lahat at ang Baho ay nangangamoy kaya hindi ko naiwasang magtakip ng ilong, Hinanap ko sila kung nasaan na pero biglang may tumadyak sa likod ko at agad ko namang kinatumba hanggang sa tinakpan ang mga ilong ko at wala nakong nagawa pa.
Wala nakong makita at wala nakong maramdaman.

Equel's POV

Nandito kami ngayon ni Leia sa abandonadong lugar kung saan kami nagtatago sa oras na may pagmi meetingan, hindi ko na kayang palagpasin pa. Hindi nila maaaring patayin si Les. Masyado siyang mahalaga para sakin.

Malayo palang ay nakita ko si Leserie na nakaupo sa upuan at nakatali ang kamay at paa habang walang malay, may takip din yung bibig niya.

Sinubukan ko siyang lapitan pero biglang humarang si Hara,

Oops! You can't touch her. Unless gusto mong ikaw ang patayin namin.

Naiinis nako sa nangyayari at wala nakong pake kung patayin man nila ako basta ang mahalaga para sakin ay ang mailabas si Leserie.

Napaatras naman si Leia sa likod ko sa sobrang galit ko.

Maya maya pa'y lumabas na ang walang hiya.

Kamusta Equel? Nandito na ang anak na babae na matagal ko ng hinihintay.

Bigla naman akong nakaramdam ng galit dahil si Leserie ang tinutukoy niya, ang tatay ni Les ang tinutukoy niya na Pumatay kay Yza. Oo alam ko ang lahat, na si Yca ang gumaganap na Yza ngayon. Napakatindi nila! Pero hindi ko sila masisisi . Ang akin lang bakit si Leserie pa?

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon