Chapter L

1.5K 35 0
                                    

Leserie's POV

Gulat na gulat ako nang malamang si Leia ang kapatid ko, Nung una ay hindi din siya makapaniwala pero nang ipakita ni Roy ang litrato naming buong pamilya ay nalinawan na siya.

Umiiyak na din siya at unti unting tinapat ni Yza ang baril sa ulo ni Leia, hindi agad ito napansin ni Leia dahil nakayuko siya. Bigla kong naramdamang natanggal ang nakatali sa kamay ko, at sinubukan kong alisin ang tali sa paa ko habang abala pa sila sa pag uusap.

Equel, isa lang ang pipiliin mo, Si Leserie na mahal mo o si Leia na kapatid ni Les?

Biglang tinanong ni Yza si Equel at halatang gulat na gulat si Leia sa nakita niya na nakatutok sa kanya ang baril ni Yza,

Habang nag uusap pa sila hindi nila napansin na Lumapit ako sa likod ni Jacob at nakita ko ang Baril nito, Sinubukan kong hilahin at itinutok ko ito kay Jacob, sa ngayon di ko muna iisipin ang nagawa ni daddy na kaamaan noon, kailangan muna naming makalabas dito.

Nagulat si Jacob sa pagtutok ko ng baril sa kanya at napatingin din sila sakin,

Go Les! Iputok mo na para wala kanang kapatid pa.

Biglang nagsalita si Yza at naguguluhan nako, pipihitin ko na sana nang biglang bumangon si Equel at pinagsasapak si Roy, ang bilis ng pangyayari at nakita ko si Equel na siya na ang may hawak ng baril ni Roy na nakatago sa likod nito.

Biglang tinutok ni Equel ang baril kay Roy at akmang pipihitin na sana kaso biglang inagaw ni Roy ang baril nag agawan sila hanggang sa matamaan si Yza, patuloy lang sila sa pag aagawan hanggang sa nakawala si Leia.

Naagaw agad sakin ni Jacob ang baril at babarilin na sana niya si Equel kaso kinagat siya ni Leia, napatulala nalang ako sa mga nangyayari at biglang naagaw ni Leia ang baril, pero mas kinuha ko ito sa kanya at binaril si Jacob, unti unti siyang natutumba pero mas lalo akong nagulat nang natumba din si Leia dahil natamaan siya sa balikat,

Les, okay lang ako! Patayin mo na si Roy!

Bigla niya namang sinabi yun kaya naisipan kong itapat kay Roy ang baril pero biglang napatapat sakin ang baril, saktong nadaplisan din ako sa may bandang balikat, Pero hindi ako tumigil at tumayo agad dala ang baril, Pinutok ko agad ang baril kay Roy pero mas naunahan niyang nabaril si Equel sa tiyan, nang makita ko ang pagbagsak ni Equel bigla kong pinihit ng tatlong beses ang baril at sa pagkakaalam ko natamaan ko si Roy si Puso, Sa sobrang galit binaril ko pa ulit siya.
At binitawan ang baril.

Mas pinuntahan ko si Equel, parang hindi na siya humihinga at nagsimula nakong umiyak, lumapit naman sakin si Leia,

Equel! Ang daya mo! Akala ko ba poprotektahan moko?

Hindi ko na napigilang umiyak kahit na may tumutulo pang dugo sa balikat ko, Ilalapit ko na sana ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa noo nang bigla siyang nagsalita.

Prinotektahan naman kita ah? Kung di kita iniwasan siguro patay kana Les pero dahil mahal kita mas pinili kong iwasan ka.

Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Leia,

Lumabas na tayo, Ang dami ng dugong umaagos sa katawan natin.

Tama naman siya kaya napagpasyahan namin lumabas. Wala nadin ang guard pero nakalabas kami dahil sinubukan naming buksan ang pinto at ilagay ang passcode na Ray at nakalabas naman kami. Nakakita agad kami ng mga sasakyang dumadaan at agad na pumara hanggang sa
Nakarating na kami sa hospital.

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon