Chapter XXVII

1.4K 47 0
                                    

Equel's POV

6:30pm na ng gabi pero wala padin si Leserie. Sana naman okay lang yun, nakakainis lang kasi di siya nagpapaalam.

Nang tatayo na sana ako ay bigla siyang pumasok,

Oh san kaba galing Les?

Bungad kong tanong sa kanya. Masyado akong nag alala dahil iniisip ko na sa huli hindi ko siya kayang protektahan dahil sarili lang niya ang makakagawa nun.

Dyan lang sa labas nagpahangin.

Sa susunod na aalis ka matuto kang magpaalam huh?

Bigla niya namang tinaas ang kilay niya sa sinabi ko.

Magpaalam? Eh wala ka nga dito kanina bago ako umalis. Ikaw nga ang dapat kong tanungin kung san ka galing kanina.

Napakamot ako ng ulo sa sinabi niya. Oo nga pala wala ako dito kanina.

Ah-eh! Wala naman may inayos lang kami ni Deib.

Pagtapos kong sagutin ang tanong niya di na niya ako pinansin pero bumalik na agad siya sa higaan niya.

Deib's POV

Naawa ako kay Leserie. Paano kung wala nga siyang alam sa nangyayari sa school nato? Panigurado mamamatay siya nang kaawa awa.

Naalala ko tuloy ang usapan namin ni Equel.

Akala nga ni Leserie ay wala akong alam sa nangyayari dito sa school eh.

Nako Equel, Diba bestfriend mo siya tol? Bakit di ikaw ang magsabi ng nalalaman mo?

Deib hindi pa tamang oras para lumantad ang lahat ng nalalaman ko. Ayoko pang mamatay.

Napangisi naman ako sa sinabi niya. Ano siya bakla? Takot mamatay?

Saglit lang kami nag usap ng mga oras nayun at umalis na agad si Equel para bumalik daw sa dorm.

Hera's POV

Kausap ko ngayon ang kakambal ko. At oo tama kayo magkasama kami sa dorm.
Si Hara, Si Prince at ako.

Pagkadating na pagkadating palang ni Hara ay kwinento na niya nakipagkita daw sa kanya si Leserie.

Ang boba talaga nun no?
Hindi niya man lang naisip na nanganganib siya.

Panimulang binuksan ni Hara ang usapan. Halatang natawa si Prince sa sinabi ni Hara at bigla naman akong sumagot.

Nakakaawa talaga siya, ni hindi man lang niya naisip na kaya mo lang ginawa yun kasi malapit na siyang mamatay.

Napatigil kami ng biglang sinabi ni Prince na kailangan na namin bumaba para sa Blue Season.

Oo nga pala naalala ko mag aalas 7 na ng gabi at magsisimula na.

Aamin naba ako?

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon