Chapter XIII

2.1K 92 1
                                    

" May dorm doon sa likod ng paaralan at doon kayo matutulog, hindi ba sinabi sainyo ang tungkol dito?"

Pagpapaliwanag ng gwardya.

Wala akong kaalam alam na may ganun dito at di ko din alam na di uso ang uwi.

Itinuro sakin ng gwardya ang dorm kung saan ako matutulog at laking gulat ko nang kasama ko sa dorm si Equel! Ang lalaking gwapo sa paningin ko pero Hokage. Duh!

"D-dito K-ka din?"

Halatang nagulat ang mga mata ko sa nakita ko. Dahil di ko naman inaasahan na makakasama ko ang bugok nato. Pero kahit ganun hot padin siya hehe.

"Di ba halata? Nakikita mo namang nandito ako hindi ba?"

Mas lalo akong nagulat nang magsungit siya, aba anong pake ko kung masungit siya?

Umupo nalang ako sa inassign sakin na Kama, pero bakit may kasama akong lalaki dito? Hindi ba't dapat hiwalay ang babae sa lalaki? Paano kung may gawin sakin to? Paano kung nakawan niya ko ng halik? Kagaya nalang nang pang hohokage niya sakin?

Masyado na yata akong stressed sa pinag iisip ko, siguro naman hindi niya gagawin yun.

Magpapahinga na sana ako nang mabalitaan kong namatay na. Namatay na ang nagsabi sakin nang tungkol sa paaralang ito, ang tungkol sa mga letra. Wala na,

Nag panic ako pero di ko pinahalata, paano kung nilaglag nya ko? Paano kung sinabi niyang ako ang pinagsabihan niya? Malamang ako ang isusunod.

Hindi ako matahimik, Pero bago ako nag-isip nang kung ano ano, Bumaba kami para tignan ang namatay.

Laking gulat ko nang halatang pinatay ito,
Makikita sa mga mata niya ang dugo , ganun din sa bibig niya. Halatang pinatay siya. Halatang may gumawa nito sa kanya. Pero sino?

Wala akong idea kung sino, hindi ko kilala ang mga tao dito at hindi ko alam kung anong ginawa sa kanya.

Mas lalong nadagdagan ang pag iisip ko. Sa mga bagay na nangyayari ngayon talagang hindi na ako makakatulog nito.

A/N:
Guys click vote para naman malaman ko kung may nagbabasa ba. Sorry din di ko na naalala kung sino yung babae dun sa ginawa ko nung una. Haha.

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon