Chapter VII

3.1K 110 2
                                    

Equel's Pov

Kinaumagahan nag impake na agad ako dahil susunduin ako ng mga inutusan ni mommy.
Di ko alam kung saang lugar yun . Di nako nagpaalam kay Jez dahil tulog pa naman siya.
Nang makaalis na kami, at malapit na sa pupuntahan may nabasa akong pangalan ng school 'HAUNTED ACADEMY' nagulat ako dahil nakakatakot ang pangalan nito. Nang tumagal pa nakatulog ako sa byahe at di namalayan na nandito na pala kami sa bagong bahay namin.

Pagkababa ko palang ng Van ay inayos ko na ang gamit ko. Nakaayos na kasi ang bahay namin. Di naman na kailangan ng kahit ano kasi si mommy na ang nag asikaso ng lahat.

Nang maayos ko na ang gamit, naisip ko yung school na nadaanan kanina. Parang gusto ko mag aral sa paaralang yun. Kung kaya't pumunta ako dun ngunit bigo akong matagpuan ito. Pero hindi ko aakalain na si di inaasahang sitwasyon may nagturo sakin kung saan, napapalibutan pa pala ng puno ang mga ito ngunit pag malayo ka ay hindi naman kita. Pangalan lang ang nakikita.

Napagpasyahan ko na mag enroll, Actually grade 12 nako this pasukan. At 1 day nalang pasukan na, ang pinagtataka ko lang nang makapasok ako sa paaralan ay wala gaanong tao. Siguro hindi ito gaanong kilala dahil sa nakakatakot na pangalan nito.

Itinuro sakin ng guard kung saan ako magpapa enroll, walang pila at kataka taka dahil ako lang ang nagpapa enroll. Paaralan ba talaga to?
Papasok na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at sinalubong ako ng babaeng may edad na. Sabay humalakhak siya. Nagulat nalang ako sa ginawa niya.

'anong nakakatawa?'

Prinangka ko na siya, feeling ko walang nakakatawa sa suot ko pero di ko alam kung bakit ganun nalang siya umasta. At sinabi niya na ang mukha ko daw. Ang reaksyon ko. Natawa siya dahil lang dun?

Pinasulat niya na ako ng name at pagtapos nun sinabi niya na walang tuition fee at wala ding kahit anong babayaran dahil libre nadaw ang lahat.

A/N: guys comment naman kayo kahit ano or click vote para malaman ko kung okay lang yung story ko. Salamats.

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon