Chapter XXXIII

1.3K 41 0
                                    

Hera's POV

Kataka taka na ang itsura ng kakambal ko dahil si Prince ang pinagbibintangan niya.

Hindi ba't nasa court din siya nung mga panahong iyon?

Pagtatanggol ko, malabo kasi na gawin ni Prince yun. Matagal ko na siyang kaibigan at alam ko na hindi niya kayang pumatay.

Pero alam ko din naman ang tungkol sa kanila ni Deihla noon, pero noon payun at ng mga panahong iyon ay mas pinili nalang ni Prince na maging Gf si Deihla kaysa patayin siya. Nanganib na ang buhay ni Prince noon.

May usapan kami ni Prince noon tungkol sa kanila,

Hera, Binantaan ako ni Roy nakapag hindi ako pumayag na maging gf si Deihla papatayin niya ako.

Maluha luhang sabi niya.

Pero bakit ba kasi? Bakit ka niya pinipilit kung ayaw mo naman?!

Hera, Siya ang nakabuntis kay deihla at gusto niya na ako ang manindigan dun,

Buntis?!! Si Deihla??!!

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Paanong nangyari yun?

Anong gagawin mo nyan?!

Bahala na

Halatang wala siyang gana nang bitiwan niya ang mga salitang ito.

Bigla tuloy akong nagsalita dahil gusto ko ipagtanggol si Prince. Hindi naman alam siguro ni Hara ang nakaraan nilang dalawa.

Hara, Kilala ko si Prince at hindi niya kayang gawin yun! Wag kang mambibintang lalo na't wala kang ebidensya!

Nagulat siya sa mga sinasabi ko. Hindi siya sanay na ganto kami dahil kami lang naman ang magkakampi.

Hera! Di mo ba alam na buntis si Deihla huh?!!

Alam niya? Paano niya nalaman na buntis si deihla?

Alam ko! At ikaw siguro ang walang alam, Oo akala mo ba si Prince ang nakabuntis sa kanya? Hindi! Dahil si Roy ang nakabuntis kay Deihla! Gusto niya lang ipaako kay Prince kasi ayaw niya gampanan ang responsibilidad niya! Pero si deihla? Ano? Iniisip niya na gusto niya si Prince kesyo mahal niya samantalang yung tao wala namang gusto sa kanya! Ayaw ni Prince na manganib ang buhay niya kaya ginampanan niya gumanap na bf ni Deihla, at tignan mo napalabas niya sa lahat na mag jowa sila!

Nanahimik siya sa mga sinabi ko at bakas ang gulat sa mukha niya. Siguro nga'y hindi niya alam. Last year pa kasi nangyari ito. Nung mga panahon wala pa sila Equel,Yza, at Leserie.



Nang dumating si Prince ay nakatingin siya sa amin at halatang narinig ang pinag uusapan.

Hara at Hera! Parang awa nyo na! Wag nyo naman pag usapan dito ang pagkamatay ni Deihla! Hindi ko kayang patayin si Deihla, Hara. At Hera Oo nabuntis siya ni Roy last year pero tapos naman na! Nalaglag ang bata dahil nadulas si Deihla sa hagdanan.

*Flashback*

Deihla pls? Maawa ka sa bata!

Hindi! Hindi moko kayang mahalin? Pwes, magpapakamatay ako.

Umiiyak siya nang mga panahong iyon dahil gusto niya panindigan ko ang bata kahit na di naman ako ang ama nito.

Pipigilan ko na sana siya kaso huli na, natapilok at Nahulog siya sa hagdanan dahil pilit ko siyang hinahabol dahil aakyat siya papuntang rooftop kaso Dinugo siya. At pagkatapos nun tinanggap niya nalang na Wala na kami hanggang sa dumating na si Deib sa buhay nya.

*End of Flashback*

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon