Chapter XL

1.2K 39 1
                                    

Someone's POV

Matagal tagal ko din tong hinintay. Ngayon handang handa nako bumawi.

Bigla akong napatahimik at naisip na ngayon na. Ang pagsisimula ng black season.

Papunta na ako sa dorm nila Alesa ngayon, Pero mukhang mahihirapan ako dahil nandun sila Equel.

Ngayon ay nandito ako sa freedom at kitang kita ko pa ang bakas ng dugo ni Hera nang pinatay siya ni Hara. Kaawa awang magkapatid. Parehas namang mamamatay sa huli.

Maya maya pa'y nakita ko na si Alesa na papunta dito, siguro alam niyang oras niya na.

Pagpunta niya palang ay kumuha na ako ng bato, at nagtago muna.

Hanggang sa binato ko siya ng bato at halatang sakto naman sa ulo niya. Pagkita ko ng pagkatumba niya, Hinila ko agad ang katawan at nilagay sa abandonadong lugar kung saan kami nagtatago pero bago ko ilagay tinignan ko muna kung buhay pa.
Hanggang sa paulit ulit kong pinaghahampas ng bato sa mukha at sa katawan niya.

Malapit na.

Leserie's POV

Nagsisimula ng magkwento si Equel sakin pero ayaw niya ng may nakakarinig kaya pinalabas niya muna si Alesa at sinabi na sa freedom nalang muna.

Les, Sa totoo kasi niyan. Alam ko ang mga gang dito.

Napatingin agad ako sa kanya. Di ko inaasahan na yun ang sasabihin niya.

Equel? Pwede mo bang sabihin kung sino sino ang mga nandun?

Napatingin naman siya sakin at napaismid dahil halatang ayaw niyang sabihin.

Les, Sasabihin ko to kasi gusto ko may malaman ka.

Kataka taka na talaga siya dahil di hamak na transferee lang naman siya, pero kung umasta akala mo matagal na siya dito.

Isang klase lang ng gang dito.
Ang Killa Gang, Sila yung nagpasimula ng Black Season, Dahil inutos talaga nila yun kay Madam Zeira, Natakot si Madam Zeira dahil isang mahalagang tao ang nag utos nun sa kanya. Nung una ayaw niya dahil alam niyang ito ang uubos sa mga estudyante pero nung sinabi sa kanya ng nag utos sa kanya na siya ang papatayin, hindi siya makapaniwala.

Nagiging 2 ang gang pag gabi, pero iisa lang sila. Ang akala ni Madam Zeira ay dalawa at akala din ng mga estudyante. Nang tumagal nasanay nadin siya at parang nagkasaltik na,

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Ngayon ko lang nalaman ang lahat. Pero paano niya naman nalaman? Malamang kasama siya dun.

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon