Chapter XXX

1.3K 47 0
                                    

Leserie's POV

Nakaramdam ako na naiihi nako kaya nagpaalam muna ako kay Equel na lalabas sa court para mag cr.

Pagtakbo ko palang palabas ay natanaw ko sa may bandang mga puno na may lalaking naghihingalo.
Mawawalan na ata ng buhay pero nang nilapitan ko ay mukha pa namang kaya pa niya. Sinubukan ko siyang iakbay sakin para dalhin sa clinic. Hindi ko alam ang pangalan niya pero kakaiba ang naramdaman ko. Nakaramdam ako ng kaba.
Hindi ko pinansin ang naramdaman ko .

Habang nakaakbay siya sakin ay may sinasabi siya. Pero di ko maintindihan kaya di ko nalang pinansin.

Malapit na kami sa clinic at pagpasok namin dito ay iniwan ko na siya, kailangan ako sa court at kailangan din na may malaman ako sa nangyayari.

Pabalik nako ng court at hinanap ko kung nasaan si Equel dahil nawala siya sa kinauupuan namin kanina. Pero sa dami namin dito feeling ko hindi ko siya makikita.

Simulan na natin ang blue season, Magsimula tayo sa mga grade 12.

Nagulat ako sa nagsalita sa harapan. Huh? Grade 12 agad?

Maya maya pa'y may lumalapit sa Harap na babae pero hindi ko siya mamukhaan dahil sa maskara sa mukha niya.

Matagal nako sa school nato pero wala akong pake sa nangyayari dito kahit may namamatay at wala akong pakielam kung sino ang pumatay pero sigurado ako na hindi ako ang pumatay kay Reija pero pwedeng ako ang pumatay sainyo.

Nagulat ako sa mga binitiwan niyang salita. Ang tapang niya. Sino kaya ang babaeng to? Sino kaya ang nakatago sa maskarang to? Hindi kaya isa din siya sa gang?

Pagtapos magsalita ng babae ay umakyat naman si Hara. Mahahalata mong si Hara dahil sa buhok niyang mahaba at sa kamay niya. May bracelet siyang suot.

Hi? Una gusto kong magpasalamat sa kaibigan ko na sinabihan ko ng sikreto tungkol sa school nato. I don't need to mention you. At isa pa, hindi ako ang pumatay kay Reija dahil di ako galit sa kanya at isa lang ang kilala kong galit sa kanya. Pero hindi pa oras para malaman niyo kahit Blue season ito, Masyadong private.

Pagtapos niyang sabihin yun kinabahan ako pero kahit papaano ay nawala din.

Nang lumapit na ang lalaki sa harapan para palitan si Hara sigurado akong si Equel to. Halatang halata naman sa buhok niya at kilala ko siya sa paglalakad palang.

Gusto ko munang magsalita, isa ako sa mga transferee at di na kataka taka dahil dalawa lang naman ata kami? Oh mali tatlo na pala. Pero sigurado akong kilala niyoko. Sa totoo nyan, marami akong gusto malaman dito sa school eh, pero bago yun di ako ang pumatay kay Reija, at wala din akong balak pumatay.

Nang matapos magsalita si Equel ay nagtawanan ang lahat. Halatang may tinatago ang mga tawa nila.

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon