Chapter XXXI

1.3K 41 0
                                    

Jacob's POV

Nagising ako at Naalala ko ang nagdala sakin dito. Napakagandang babae.  Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Kahit naka maskara siya ay makikita sa hugis ng mukha at sa mga mata niya na napakagandang babae niya.

Ayos kana ba?

Biglang nagsalita si Ate Jen.
Siya kasi ang incharge dito sa clinic.

Opo.

Tugon ko, nang tinanong ko siya tungkol sa nagdala sakin dito di niya sinabi dahil hindi rin nagpakilala dahil daw nagmamadali.

Biglang sumagi sa isipan ko ang Blue Season, Oo nga pala ngayon pala yun pinagdiriwang kaya wala nang gaanong tao sa labas. Buti nalang at dumating ang isang babae na nagdala sakin dito, dahil siguro kung wala siya ay patay nako ngayon.

Leserie's POV

Nang matapos ang karamihan sa pagsasalita ay hindi na nakapagsalita si Hera. Siya na dapat ang susunod pero

Nagulat kami dahil may nagkukumpulang tao sa likod kung saan ang pasukan nang court nato at nagulat ako sa nakita ko. Isang babaeng patay, Hiwalay ang ulo niya sa katawan niya at kitang kita ang mga dugong inilalabas ng katawan niya.

Deihla?

Nakita kong sumisigaw ang karamihan at umiiyak dahil sa kalungkutan.

Kung sino man ang pumatay sa kanya pagbabayaran to!!

Sigaw ni Deib.

Nakakatakot ang ginawa sa kanya ni hindi man lang nila pinalampas ang blue season bago gawin ito kay Deihla. Nakakaawang babae.

Dahil sa nangyari'y inannounce ni Madam Zeira(Principal)

Na hindi na itutuloy muna ang blue season sa kadahilanang may namatay, sino kaya ang susunod? Hindi pa natatapos ang season pero inuunti unti na kami.

Dahil sa gulat ko umalis nalang ako at napagpasyahang bumalik sa Dorm.

Habang naglalakad ako malapit sa mga puno kung saan ko natagpuan ang lalaking dinala ko sa Clinic ay may narinig akong nag uusap.

Nagawa mo naba?

Hindi pamilyar ang boses niya. Ngayon ko lang ito narinig, Sino kaya to? Isa kaya siya sa gang?

Oo tapos na, Pinagkakaguluhan na nga siya dun sa Court.

Napatakip nalang ako ng bibig sa takot at nagtago ako sa likod ng puno para di ako makita, nang wala nakong narinig na nag uusap.

Naglalakad nako papunta sa dorm.

Hindi ako mapakali.

Paano kung ako ang isunod?

Di pa ko handa.

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon