Chapter XXIV

1.4K 53 0
                                    

Equel's POV

pagpasok ko palang ng dorm ay hinanap ko na agad ang kaibigan ko. Si Leserie.

Pero bakit kaya wala siya dito? Alas 5 palang ng hapon pero di ko na siya nadatnan. Siguro ay may pinuntahan? Pero hindi eh! Gantong oras? Ang alam ko kasi mga gantong oras ay nagpapahinga siya o di kaya'y nag iisip. Tutal dun naman siya magaling.

"Wala siya umalis."

Parang baliw din to si Alesa minsan eh, di ko alam kung baliw talaga. Paano niya nalalaman ang mga nasa isip namin?

"San pumunta? Kanina paba umalis?" sunod sunod na tanong ko.

"Ngayon lang, Sabi niya may pupuntahan lang."

Kumalma naman ang isip ko kahit papaano dahil siguro ay may pinuntahan lang pero hindi talaga maayos ang pakiramdam ko kahit ganto.

"Sinabi niya ba sayo kung saan?" pagtatanong ko.

Hindi niya nako sinagot, tumalikod siya at humiga na lamang sa kama niya.

Siguro ay magpapahinga nalang ako ngayon tutal mamaya pa namang 7 ang simula ng Blue Season.

Ang season kung saan malalaman ko na kung sino ang pumatay kay Reija at kung sino ang isusunod nila.

Alesa's POV

ang dami talagang nag iisip na baliw ako pero sa totoo nyan marunong lang akong bumasa ng isip ng tao dahil halata naman ito sa mga kinikilos nila at ang bawat salitang binibitiwan ko ay hinuhuli ko lang sila pero di ko aakalain na tatama pala ako.

Nang makaalis na si Leserie ay bigla namang dumating si Equel. Halatang halata sa isip niya at kilos na hinahanap niya si Leserie kaya di nako nag alinlangan na magsalita pa.

"Wala siya umalis."

Pagkabitiw ko ng mga salitang iyan ay alam ko na agad na sasagot si Equel, Halata naman eh. Halatang halata dahil nararamdaman ko din na di lang bestfriend niya ang tingin niya kay Leserie.

"San pumunta? kanina paba umalis?" sunod na sunod na tanong niya.

"Ngayon lang, sabi niya may pupuntahan lang."

Sinabi ko lang ang mga katagang yan para di na siya mag alala. At buti naman hindi na siya nag alala. Alam kong mahalaga sa buhay niya si Les kaya concern ako kahit papaano kay Leserie.

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon