Chapter XXVIII

1.3K 43 5
                                    

Prince's POV

Natawa nalang ako sa mga pinag uusapan nang kambal na sila Hara at Hera, pero kahit papaano ay naawa ako kay Leserie dahil pumasok siya ng walang kaalam alam dito.

Nang mapansin ko ang oras niyaya ko na sila Hara at Hera.

Nandito na kami ngayon sa court at sisimulan na ang blue season, nakamaskara na ang lahat at isusuot ko nadin ang maskara ko pero biglang umagaw pansin sakin ang isang babae, babaeng bago lang sa paningin ko.

Ang amo ng mukha niya at papunta nadin siya dito. Mukha siyang bata. Nang nakalapit na siya sa akin ay

H-Hi?

Tugon ko.

H-hello?

Bakas sa boses niya ang pangamba pero di ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko sa mga nangyayari ngayon.

Anong pangalan mo? Bulong mo lang sakin baka kasi marinig nila tayo.

Natatawa ako sa ginagawa ko pero kahit papaano nakakaramdam ako ng kakaiba, ngayon ko lang naramdaman to.

Yza Perez

Napakagandang pangalan sa pandinig, kasing ganda ng mukha niya.

Bago kalang ba dito? Ngayon ko lang kasi nakita ang mukha mo.

Napatingin naman siya sakin ng seryoso. At halatang di niya nagustuhan ang tanong ko.

Sa totoo nyan ayoko talagang mag aral dito pero dahil sa pagpupumilit nila Mama pumasok nadin ako.

Nagulat ako sa sinabi niya. As in mama niya talaga? Di man lang naisip ng mama niya na mapanganib dito halata naman sa pangalan.

Ang gaan gaan ng loob ko sa babaeng to. Hindi ko alam kung bakit pero matapos kaming mag usap ay kinuha niya na ang maskara niya at lumakad na sa gilid ng court upang maghanap ng upuan.

Nang di ko na siya natanaw ay pumunta nadin ako sa gilid ng court at naghahanda na para mag umpisa.

Aamin naba ako?

Hara's POV

Nang magyaya na si Prince ay nauna lang siya ng kaunti at pagtapak palang namin ni Hera sa court ay sinuot na namin ang maskara, ito na. Ito na ang oras para sa pag amin kung sino ang pumatay. Eto na ang oras para pumatay.

Aamin naba ako?

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon