Chapter XVIII

1.8K 57 0
                                    

'May hindi bako alam Les?'

Nagsimula na siyang magtanong at nagsimula nadin akong kabahan dahil baka kung malaman niya ay masama siya sa mga mapahamak.

'Alam mo Equel, Mas mainam na manahimik nalang tayo.'

'Manahimik? Bakit Les, May tinatago bang kakaiba ang school nato?'

Nanahimik nalang ako sa sinasabi niya.

'Wag ka mag alala, kaibigan moko. Hindi kita ipapahamak at hindi ako mag iingay.'

Dagdag pa nito.

'Equel, Hindi pa tamang oras, bukas okay? Promise. I will tell you about sa lahat ng nalalaman ko, pero promise me first na satin lang to?'

'Promise'

Nang nginitian ko siya, nanahimik nadin siya.
Mabait naman pala ang mokong na to. Akala ko pa naman mataray, nagkukunwari lang pala.

Nang mag uwian na.
Kanya kanyang balik nanaman kami sa Dorm at ang pinagtataka ko lang kung bakit wala pa si Equel, Gabi na ah?

'Alesa? Nakita mo ba si Equel?'

Dinedma niya lang ang tanong ko na tila ba parang walang narinig.

Humiga nalang agad ako sa Kama, at nagpahinga ng panandalian, pagtapos ay pumasok ako ng cr at nagbihis para makatulog na.

Medyo nababawasan na ang pag iisip ko ng hindi maganda dahil sa huli ay masasanay din ako.

Bukas na pala ang blue season, at ano kaya ang magaganap?
Mag aalas nuwebe na ng gabi pero wala pa si Equel,

Nag aalala ako sa kaibigan ko.
Nang biglang nagsalita si Alesa.

'Okay lang siya'

'Okay lang? Bakit nasan ba siya?!'

Naguguluhan ako sa pinagsasabi nitong babaeng to.
'May pumunta kasi dito kaninang lalaki at hinahanap ka. Zach ata ang pangalan, si Equel ang nakausap niya at niyaya niya ito sa freedom park para mag usap.'

Nagulat ako sa kwento niya. Si Zach?! Nandito?!
Pero mas nagulat ako sa babaeng to dahil di niya ko pinapansin kanina samantalang ngayon biglang nagbago ang mood niya.

Magpapahinga nalang ako, alam ko naman na safe si Equel dahil si Zach pala ang kasama.

THE HAUNTED ACADEMY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon