PROLOGUE

31 2 2
                                    

"I was the type of girl who's always the one to end a relationship. I've always prided myself on being the girl that no one ever broke up with. Men would beg me for years post-break-up to love them again, I would tell stories to my friends of how I was hurt, how I came out on top and I would relish in having the upper hand. I loved the feeling of being the one that got away, partying like nothing happened and I felt terrible for my friends who weren't so lucky. But then..

It happened.

The man I loved the most broke up with me and left me in the state where i love him the most. The man I wanted to marry, the man that symbolized my idea of true, perfect love and the man who, for me, was my ever dreamed reality.."

Napabuntong hininga ako. Hindi ko na ata kaya ituloy tong binabasa ko. Nagseself-pity na naman tuloy ako.

Di ko namalayan na tumulo na naman ang mga luha ko sa aking pisngi. Kumalat na sa mga papel kong nakakalat sa aking mesa.

SHIT. Ito na naman ako. Kelan ba mauubos tong mga luha ko?

Wag na kaya ako uminom ng tubig? baka sakaling wala ng ilabas ang mga mata ko.

O kaya naman, idilat ko lang maghapon ang mga mata ko para walang tumulo kasi hindi ako pipikit.

Pwede ding manood ako ng masasayang pelikula o kaya koreanovela para maaliw ako.

Ayain ko kaya uminom ang barkada? Makipag speed dating kaya ako para sumaya?

O mag try ng extreme sports para matuluyan na..

Naalala ko, ginawa ko na pala lahat yung mga yun.

Pero walang nangyari.

Ito ngayon, luha pa din siya. At tumutulo pa din siya ngayong gabi. Haaaay :(

Tumingin ako sa relo, pasado alas diyes na pala. Ang tagal ko na palang nageemote na naman. Iniiwasan ko nga ang pageemote, dun pa din pala ang bagsak ko. Bakit ko pa kasi hinanap yung test papers ko na yun! >.<

-----

"Maaaaaaa! Nilinis mo ba tong kwarto ko?"

"Nakita mo ba kwarto mo? Malinis na lahat yan! Parang di ka babae, napakarami mong kalat. Buti nakakatulog ka ng maayos na ganyan hitsura ng kwarto mo? Ako ang nangangati sayo!", sunod sunod na sermon ni Mama. Tss.

Kunwari wala akong narinig,

"Nakita mo ba dito yung envelope ko na puro photocopy? Di ko na kasi makita ma."

"Ay naku! Hanapin mo jan. Malinis na yang kwarto mo. Jan ko lang yan sa taas ng cabinet mo nilagay.", sagot niya.

Eh bakit pa kasi nilinis, mas alam ko kaya kung asan ko nilalagay gamit ko kahit nakakalat..

Maktol ko sa isip ko.

Taas ng cabinet daw. Asan ba yun?

Maniniwala na ako na siya nga ang mangangati sa sobrang alikabok ng cabinet na to. Bubuo na ata ng alikabok na kulangot ang ilong ko.

Ayun!

Ambigat naman. Sa taas pa nilagay, ang hirap tuloy ibaba.

BLAG!

Bagsak ko sa sahig pagkatapos ko kunin yung envelope na puno ng makakapal na test papers. Pero sabay ng pagtapak ko sa sahig,

BLAG!

Me bumagsak din na bagay. Sa malayo palang pamilyar na.

Ano yun?

Binaba ko muna ang mga test papers at pinulot ang nasa sahig.

Diary ko to ah..

Pagbuklat ko, nalaglag ang isa pang sobre na may magagandang designs. Sinilip ko ang loob..

Ang mga sulat..

Biglang naramdaman ko na nanikip ang dibdib ko..

Parang pamilyar tong pakiramdam na ito. Di ko mawari pero naramdaman ko na ito dati pa.

Biglang nakalimutan ko na magrereview pala ako, umupo ako sa mesa ko at ang diary ang inatupag ko.

Kaya pala ang tagal kong di nakita ito, naisama pala sa mga gamit sa kabinet nung naglipat kami ng bahay..

Isinantabi ko muna ang mga sulat na nakaipit sa diary. Binuklat ko ang unang pahina, mejo manipis na ang papel dahil sa tagal ng panahon na hindi nagalaw at nagkadikit dikit na ang mga pahina. Buti malinis pa din ang diary ko at maganda pa din ang sulat. Nababasa pa.

Napangiti ako sa pagbabasa, mga alaala nung 4th yr highschool ako. Ang drama ko pala habang nagsusulat tungkol sa mga activities nung last weeks namin bago mag graduation. Hehe. Sabagay, ito ang unang diary na ginawa ko na ako lang ang nagsulat. May diary kasi kami ng 2 kong bestfriend. Napagkatuwaan kasi namin ang mga libreng notebook na pinapamigay sa amin ni Mayor. Tinahi namin para kumapal saka kami nagsulat ng mga secrets namin. Tig isang araw sa bawat best friend. Isinusulat namin ang mga kilig at asar moments namin. Si Shaira, isinusulat niya ang tungkol sa mga sweet moments nila ng boypren niyang si Jeane habang magkasama silang mag star gazing. Si Adella, puro mga hinanakit niya sa CAT namin at hirap na hirap daw siya, na kabaliktaran ko naman na enjoy na enjoy kasi dead na dead ako sa corpse commander namin nun. Ok lang mabilad sa araw basta siya ang namumuno sa hanay. Napuno namin ang notebook na yun bago man lang grumaduate ng hayskul.

Ngayon, hindi ko na alam kung nakanino sa dalawang bestfriends ko ang diary na yun.

Bigla akong napangiti sa aking mga alaala.

Nilipat ko ang mga pahina ng diary ko..

BUHAY KOLEHIYO.

Nagalinlangan ako buklatin ang mga pahina. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pagbabasa..

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon