Feigning Innocence

23 2 2
                                    

---

Binuksan ko ang message na mas naunang dumating..

From: +639239876543

5/10/2009

4:30

Hi kath, si Cholo pla 2. gf q ung ngttxt sau. Sorry dq alam na nkuha pla nia number mo sa dti qng sim. Wag mo nlng replyan ha? Aq na bhala kumausap sa knia. Sorry tlaga. Pcenxia na. Haist. thank u!

Yung bwiset na si Cholo chonggo pala yun. Gang ngayon nakakairita pa din. Hindi lang pala yun ang text niya. Madami pa simula kaninang umaga. Ngayon ko lang nabasa.

From: +639239876543

5/10/2009

8:39 am

Hi kath! Gudmorning! Eat ur breakfast na! Smile ka palagi. Ingats sa enrolment! ;)

10:38 am

Uy nkita q kau ni Pat sa gym. Still looking good ha. Anong PE mo? Hehe.

12:30 pm

Kain kna lunch aa? Wg pagutom po. Hehe. Ingats ka plagi! ^^,

2:13 pm

Musta na? Musta enrolment mo? Hehehe.

Then the last is this message na nagsasabing sorry? With this message from her super bitch girlfriend. Asshole.

Magsama silang mga pathetic. Nakakaawa.

Hindi na talaga ako tinantanan ng Cholo Chonggo na yan. Simula ng tinapos ko ang namamagitan sa amin.

Yeah right.

Naging ka fling ko si Cholo. At di lang siya ang una na nabaliw sa akin ng ganyan after our game.

Game lang siya. Oo game lang. Ang unang mainlove, TALO. LOSER. KAWAWA.

Sabi ni mama wag magboyfriend eh. So i did took it literally. Wala akong boyfriend. Lahat fling fling lang. Sabay sabay. Ang di makasabay, goodbye.

Hindi alam ni mama ang ugali kong ganito. Pero alam niya may mga nanliligaw sa akin kaya hindi niya maiwasang isipin na may boyfriend na ako.

"Oy Kareng, may gusto kumausap sayo, Simon daw! Bumaba ka nga jan sa taas dali at ako'y naghuhugas!"

"Masakit ulo ko ma! Nangungulit lang yan! Sabihin mo di ako makatayo", pasigaw kong sabi.

Ganyan ang siste namin ni mama pag me nagungulit sa akin. Ang iniisip niya, nanliligaw, ang akin, pag iwas. Pag ayaw ko na, hindi ko na binabalikan. Kung ayaw mo na sa akin, mas ayaw ko sayo. Kung ayaw ko na sayo, ayoko na talaga.

Pag nagsabi na ng iloveyou sa akin at tinatanong na ako kung pwede ba akong maging girlfriend, matik na ang dating sa akin, "tapos na tayo".

Wala naman kasing matinong lalaki. Nanliligaw palang yan di mo na alam kung matino ba o hindi. Lalo pa pag naging asawa mo, pag nakuha na ang lahat sayo, pag inanakan ka na, at pag nakakita na ng iba, iiwan ka na niyan. Kung may matino mang lalaki, hindi ko alam kung dadaan pa siya sa akin.

Nagsimula akong magkaroon ng ganitong pananaw mula ng iwan kami ni papa para sa ibang babae. Pero mas masakit sa mama pa ng bestfriend ko. Kaya pala palaging nagpiprisinta ang papa ko na sunduin ako lagi sa bahay ng bestfriend ko. Si Sunny. Ang simpleng paghahain pala ng kape ng babaeng (mama ni Sunny) yun

sa papa ko, may iba na palang ibang sabihin.

Kahit wala ako sa bahay ng bestfriend ko, nagtetext siya sa akin na andun daw ang papa ko. Minsan daw nagdadala ng mga kakanin at pasalubong sa bestfriend ko. Tuwang tuwa pa ako kasi gustong gusto ni papa na lagi ako nagpupunta sa bahay nila Sunny.

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon