Meet the Guy

20 2 4
                                    

--

05/17/2009

Monday

6:10 am

OW SHIT!

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Whaaaa?! Nag-alarm ako pero bakit hindi ko narinig?! My gawd! Sira na ba tong cp ko?

Stupid!

Naka silent pala! Naaalala ko inoff ko pala ang ringer para di ako madisturb ng mga tawag at texts ng mga "evils".

Daig ko pa ata si The Flash sa bilis sa pagkilos. Buhos dito, blower doon, suot damit, pulbo at hagip ng bag.. VOILA!

"Ma, alis na ho ako!", sigaw ko habang pababa ng nagsusuklay.

Lumitaw si Mama mula sa kusina,

"Oh Katre, hindi ka man lang ba magaalmusal anak? Aba'y lunes na lunes ah?"

"Hindi na ho ma, sa school na lang. 1 and a half hour lng naman po ung subject ko, kakain nlng ho ako nago pumasok sa next class," pero ang totoo, gutom na ako. Hayst pero ayoko malate.

"Mamaya anak mahilo ka habang nagkaklase, oh baunin mo nlng tomg hinanda ko", sabay ligpit sa mga nilatag nia.

"Wag na ma, ngmamadali ma rin ho kasi ako eh. Ayoko din malate. Sige bye ma, alis na po ako." Pagkamano ko dali dali na akong lumabas ng gate.

--

Badtrip. Rush hour pa sa LRT.

Nakipaghabulan sa jeep sa avenida.

Naku may rally pa sa mendiola.

Pambihira, sangkatutak na stoplight naman.

Takbo Katre!

Teka sintas ko!

Huli na..

"Aaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!"

Ang bilis ng pangyayari, nasubsob ako sa lalaking nasa harap ko. Masiyadong malakas ang pagkakatulak ko sa kanya, sapat para mapaghiwalay sila ng babae na nakahawak sa mga braso niya.

Napatirapa ako, buti na lang naitukod ko ang mga braso ko kaya hindi tumama ang mukha ko sa sahig.

"Oh shit! Shit! Shit!", tuloy tuloy kong sinabi habang tumatayo at nagpapagpag.

"Ok ka lang ba ate?", tinulungan ako ng babae tumayo at pinagpag ang mga alikabok na dumikit sa braso ko at damit.

Ngumiti lang ako at tumango pero deep inside ang sakit ha. Idagdag mo pa na nagtinginan sa akin ang mga estudyanteng nasa sidewalk at mga lalaking nakatambay sa harap ng compshop na pinagbagsakan ko. Sugat sugat ang loob ko. Hehe.

"Pasensya na ate. Nagmamadali lang kasi ako. Na loose pala yung sintas ko pero late ko na napansin. Sorry." Paliwanag ko sa babae, di ko na hinintay ang sagot niya at humarap naman ako sa lalaki, "kuya sorry ha, pasensya na po"

Di ata ako narinig ni kuya o sadyang di niya ako pinansin kasi patuloy pa din siya sa pagpagpag sa damit niyang natalsikan ng suka mula sa kinakain niyang kwek kwek.

"Ok lang yun te. " si ate na mismo sumagot para sa akin. Sa wakas humarap na din si kuya at tumango lang sabay pagpag ulit sa damit niya.

Umalis na ako agad kasi 5 mins late na ako para sa tennis class ko.

---

"Ba yan. Late. Wala ng pinagbago." Pang-aasar sa akin ni Patty pagkaupo ko sa tabi niya.

Wala pang prof. Hay salamat. Kala ko anjan na siy. Kakahiya naman kasi grand entrance ako pagpasok kanina. Lahat nagtinginan sa akin. Siguro nga dahil late ako. Mga ibat ibang mukha. Buti na lang malapit lang sila Patty at Caloy sa gate palabas ng court.

"Grabe ang inabot ko para lang di malate no. Saka di kaya late, wala pang prof." Depensa ko kay Patty. "Saka hindi kasi tumunog yung alarm ko, grabe kung di pa ako naalimpungatan, baka next week na ako papasok."

"ennnnnggggg! ay nako Katrina ha. Invalid reason. Lumang luma na yan. Pambihira. Bilhan na lang kita ng wrist wall clock jan para di mo na i dahilan yang alarm mo. Umay!" Kairita talaga tong si Caloy. Baklang bakla.

"Ano ka ba bakla, valid yung reason ko no. Alam niyo ba kaya di nagring yung alarm ko kasi inoff ko yung ringer. Paano ba naman, tumatawag sa akin yung gf ni Cholo tapos text din ng text si chonggo. Grabe mga par, kairita to the highest leveling!" Paliwanag ko sa dalawa. At in fairness dahil sa sinabi ko bumaba ang mga kilay nila. Huh.

"Talaga par? Ano sabi? Bakit daw? The nerve.." Iritang sabi ni Patty.

"Kasi ganito yun girls, nung nag--", naputol ang pagsisimula ko ng kwento ng dumating ang isang lalaking mejo may edad na, maitim at nakasunvisor.

"Good morning everyone. This is physical education 2 and i'm your instructor Mr. Wilfredo Gonzales.",sabi ng prof namin.

Dumaan ang one hour at nagdiscuss lang ng house rules at nagbigayan ng class cards para ifill up ang details. 30 mins earlier, class dismissed na.

Hay salamat. Mabuti naman para makakain pa ako ng breakfast.

Sobrang gutom na ako kaya hinatak ko na si Patty palabas agad ng gate. Habang naglalakad nagkwentuhan kami sa mga detalye ng encounter ko with "the ex" at ang epic kong pagkakadapa sa catwalk.

Naghiwalay kami ni Patty pagtungtong ng 10am. Sa kabilang building kasi siya, magkaiba kami ng kurso kaya pinilit naming magkaparehas ng PE kasi yun lang amg subject na magiging mgkaklase kami.

Dumaan ang mg araw. Hayst nakakatamad naman talaga. Solve dito. Balance dito. Balance doon. Ang boring magtuos. Ang boring ng accountancy.

Ok see you next week.

Yes! Sinabi na din ng mga prof ang favorite line ko!

Thank God it's Friday!! :)

---

Bakit ang bilis ng weekends? Monday na naman?!

Haaayyy bangon.

Ligo.

Bihis

(Take note walang kain)

Lrt

Jeep

Stoplight

Catwalk.

Open court.

Hay salamat. Wala pang prof.

Daldalan muna as usual, chika dito. Chika doon.

30mins na ha. Wala pa yung instructor namin. Asan na si Sir Gonzales?

Aalis na sana kami nila Patty ng may dumating ng lalaki. Matipuno at matangkad at tumayo sa gitna ng lahat.

"Uy pwede" bulong ni Caloy.

Ako?

I was left dumbfounded kay kuya.

I knew him.

He was the guy i stumbled upon last week.

---

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon