Ninja Moves on the Go

18 1 0
                                    

---

"I have been compromised."

Tss. Bulong ko sa sarili ko. Naramdaman kong uminit ang tenga ko pati siguro ang mukha ko. Kung makikita ko siguro mukha ko, baka pati ako matawa.

Napakamot ako sa ulo ko ng biglaan.

Hindi ko inaasahan na susulyap siya at mahuhuli niya ako. Kakainis. Patanga tanga na naman ako sa mga ninja moves ko.

Humarap ako sa mga katabi kong kaibigan ko na nagkukwentuhan tungkol sa exam. Nagpakunot kunot ako ng noo at tumango tango kunwaring naiintindihan ko ang pinaguusapan nila, at as if gusto kong makinig. Pinilit kong makisawsaw para lang mabaling atensyon ko at di niya ako makitang namumula... At nangingiti ;)

Oo, nangingiti ako habang tumatango tango sa mga nagsasalita. Para tuloy akong engot na nakangisi. Pumipilipit ang tyan ko, kainis kinikilig ako. Hindi ko maitago!

Sumulyap ako ng mabilis sa lugar nila Kyle, andun pa din sila at nagkukwentuhan. Mukhang hindi tungkol sa exam ang pinagkukwentuhan nila kasi nangingiti siya habang patango tango.

Lalo tuloy akong kinilig.

Pumilipit na naman ang tyan ko. Parang may nagsasayaw sa loob.

Yung ngiti niya kasi mahal yun. Ang dalang kong makita unless interesado siya sa mga pinaguusapan kaya siya nangingiti.

Binawi ko agad ang "nakaw-sulyap" ninja moves ko at humarap ulit sa mga nagkukwentuhan.

"hindi niya ako mahuhuling di tumitingin sa kanya kung hindi din siya tumitingin sa akin."

Pagiisip isip ko at lalo tuloy akong kinilig sa iniisip ko.

Para na talaga akong baliw na nakangiti na sa harap ng mga seryosong nagkukwentuhan. Dahil hindi ko mapigil ang kilig ko, yumuko ako sa habang nakapatong sa braso ko ang mukha ko. Saka ako naglabas ng kilig at bumungisngis. Para lang akong hayskul sa isip isip ko. Nakakatawa.

Napansin ata ako ng katabi ko kasi tumataas taas pa ang balikat ko sa kakatawa. Tinapik niya ako ng pamaypay sa braso ko.

"Oi Katrina, ano bang nangyayari sayo jan. Nababaliw ka na ata", puna sa akin ni Ailyn.

"Nabaliw na ata sa tax yan. Haha!", sigaw ni Angel mula sa kabilang dulo ng lamesa.

"Tangeks, magtatop yan. Patawa tawa na lang eh", segunda ni Len kay Angel.

Inangat ko na ang ulo ko, nagmarka pa ng pula sa noo ko mula sa pagkakayuko.

"Hindi no. Natatawa ako kasi wala akong nasagot sa exam. Di tuloy ako makarelate sa inyo.", pagsisinungaling ko sa kanila.

"Weh? Camouflage ka na naman! Ikaw pa!" Pang-aasar ni Angel.

"Hindi kaya..", nagpout ako, pagtingin ko sa lugar nila Kyle, wala na sila. Luminga linga ulit ako sa paligid baka makita ko siya ulit pero wala na sila. Lalo atang dumoble ang tulis ng nguso ko kasi hindi ko na siya nakita. Baka umuwi na.

Pagliko namin pababa ng hagdan.

Nakita ko si kuya tulala.

Napakunot ang noo ko.

Arki yun, bakit napadpad sa college namin?

Me inaantay ata siya kaya andun din siya. Ah baka may gf siya na same course ko.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Gusto ko ng itulog tong pagod ko.

--

"Oh kamusta exam?", bati ni Caloy pagpasok ko ng tennis court. Last day na kasi ng PE namin. Wala ng ginagawa masiyado kaya naglalaro na lang kami.

"Ok naman. Next week pa daw yung result." Nagdala na ako mg sunvisor kasi maglalaro lang naman kami. Hindi na pumasok si Patty. Pinapakuha na lang niya sa akin ang class card niya.

Humalo na lang ako sa ilan kong classmate na babae doon sa ilalim ng shade para maglaro. Hindi naman sila naglalaro. Nagkukuwentuhan lang naman sila. Pero humalo ma din ako. Buti naman hindi tungkol sa exam ang pinaguusapan nila. Puro tungkol sa plano nila sa 2weeks summer vacation. Nakikinig lang ako at nakikitawa tawa.

May mga makukulit na engineering students na nakikipagharutan sa kanila. Pag napupunta kasi sa amin ang bola, tinatago namin sa bulsa namin ang bola kasi kinukuha nila. Ang harot. Kakairita.

Naguusap lang kami ng blockmate ko na si Princess ng may tumama na bagay sa ulo ko.

"OUCH!" Sabay sapo sa ulo kong natamaan.

Tumingin ako sa paligid para malaman kung sino nakatama sa akin habang hinagod hagod ko ang ulo kong tinamaan.

Nakita kong lumapit ang isa sa mga makukulit na engineering student,

Nakakunot na ang noo ko na nagtanong sa kanya,

"Kuya, sayo ba to?", inilahad ko sa kamay ko ang bola para ibigay sa kanya habang pinapakitang hinihimas ko ang ulo kong natamaan. Magtataray na ako kasi mainit na nga, mainit pa ang ulo ko.

"Eh kasi nama--.." Pero naputol ang sabihin ko, dahil nagsalita din siya.

"Ate, hindi po amin yan. Kukunin ko lang po to.", saka niya pinulot ang bola na nasa paanan ko. Saka tumayo paalis pabalik sa kabilang court.

Mejo napahiya ako dun ha. Sa isip isip ko.

May kumalabit sa akin mula sa kabilang balikat.

"Sorry ate. Akin po yan. Napalakas lang po ng tira ko. Pasensya na.", lumingon ako para tingnan sino ang may sala.

Si kuyang tulala.

Nilahad niya ang kamay niya para hingin ang bola.

Magtataray ako.

Mainit ang ulo.

Masakit yung tinamaan mo kuya.

Pero inabot ko lang ang bola at walang sinabi, at naglakad na siya palayo..

--

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon