"INVESTIGATORY PROJECT"

14 0 0
                                    

5 messages.

2 missed calls.

Binuksan ko ang mga messages, yung iba quotes at ung 2 galing kay Cholo.. At kay Sergio.

Cholo.

"Ok ka na ba? Parang ang putla mo kasi kahapon, btw thanks sa time ha."

Delete.

"Katrina? Sorry. Magpapaliwanag ako."

"Hi Katrina? Gcing knb? Kita tayo sa skul mmya. Cge na."

"Katrina, isang rply lng pls?

Delete. Delete.

Pati number niya, delete.

FREAK.

TOTAL FREAK.

Mula kagabi pa nangungulit ng text si Sergio sa akin. Tinatawagan niya ako pero wala na akong gana na kausapin siya. Wala naman kaming relasyon, bakit kailangan niyang magpaliwanag? Tss. Ang ewan ko din kasi. Masiyado akong assuming. Bakit hindi ko pala naisip na baka may gf na siya? I was caught by the bait.

Rule no. 1 sa Accounting.

DO NOT ASSUME UNLESS OTHERWISE STATED.

Bagsak.

Nagsimula na akong kumilos para pumasok.

Let's do the first day high!!

--

"Oy te? Kamusta ka naman. May gf na daw ha?, tinapik ako ni Larry ng pamaypay sa balikat.

Kibit balikat lang sinagot ko sa kanya. Parang wala pa ako sa mood para makipagchikahan.

"I'm sure depressed yan si Katrina. Hahaha! I-add mo na kasi siya sa fakebook para malaman mo mga updates niya.", sulsol ni Angel.

"Ayoko no. Marami rin akong drama sa FB. Mamaya mabasa pa niya. Magassume pa siya na siya tinutukoy ko. No way.", pabiro kong sagot sa kanila saka ako natawa sa sinabi ko.

"Teka te, may nakwento ka sa akin last week lang na me bago kang manliligaw?", sabi ni Len.

"Ay yung viniew ba natin sa FB? Yung matangos ang ilong? pwede na yun te! Kota ka na dun!", sigaw ni Larry.

Nag make face lang ako sa mga sinabi nila. Hanggang ngayon, they're bugging me kung ano ang status namin ni Sergio. Bakit ko kasi kinuento sa kanila agad. Hate it.

Simangot lang nakuhang sagot sa akin. Wala silang napala kakakulit.

Nagayos na kami para sa first subject.

Cost Accounting.

Ganito ba pag graduating na? Ang teterror ng mga napupunta sa aming prof. Wala pa akong nagustuhan ni isa sa kanila, which is the other way around too. As if naman magugustuhan nila kami.

Hindi kami inarrange ng kahit ano mang arrangement. Free seating. Kasi ang totoo ngayong sem wala namang regular na klase. Hinahanda na kami para sa evaluation exam or parang mock board. Nakakainis nga tinanggal ang OJT sa amin. Gusto ko pa naman makaexperience ng OJT.

May natanaw akong 4 na irregular. 3 babae at 1 lalaki. Nagbubulungan sila at maya maya biglang tumingin kay Kyle.

Tiningnan ko sila ng masama.

Kung nakakamatay lang ang tingin, baka namassacre ko na tong 3.

Tumingin ako ng palihim sa likod ni Kyle. Naalala ko ang linya sa paborito kong palabas na Flipped ng tinitingnan ng bidang lalaki ang bidang babae.

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon