The Confession

15 1 0
                                    

--

"Ano ba kasing nangyari?", malumanay kong tanong pagkatapos kong pabayaan siyang umiyak.

"Bakit ganun, hindi naman ito pinakamahaba kong relationship. Pero bakit ito ang pinakamasakit.." Humihikbi hikbi pa niyang sagot sa akin,

"Par, di ko malalaman kug di mo ikukwento sa akin ng buo. Sige na sabihin mo na. Andito lang naman ako makikinig sayo eh.." Hinimas ko ang mga balikat niya para mahimasmasan siya sa pag-iyak.

Kinuento nga niya ang buong pangyayari. Mula ng unang kita nila sa ARO, totoo pala naattract sila sa isa't isa. At mas lalo siyang naniwala na ang pagkikita nila bilang sub instructor namin ay serendipity. Isa pa namang malaking fan ng serendipity love stories itong si Patty. Pumangalawa ako sa kanya.

Ito palang si kuya, may karelasyon na iba habang sila. Ouch. Talk about being betrayed. Isang malaking ouch nga naman yun. Pero ang masakit pa, ang karelasyon na tinutukoy ni Patty, ay isang lalaki rin. Oo bisexual pala yung si kuya. Mas dobleng ouch dba. Hindi matanggap ni Patty kaya siya na mismo ang nakipaghiwalay. Almost 4 months din pala sila.

Finally, nahimasmasan na din siya.

Itinuloy niya ang pagsusulat niya sa blog habang ako nagchecheck lang ng newsfeed sa account ko.

Maya maya narinig ko siya nagsalita at kinausap ako.

"katre?"

"Ow? Ano ok ka na ba?" Sagot ko habang di inaalis ang mata sa cp ko.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumango siya at humarap sa akin.

"Oo, eventually makakalimutan ko din to. Wala naman mangyayari kung iiyak lang ako. Nakakapanget lang yun" i heard her chuckle.

Napangiti lang ako sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako ng biglang me sinabi pa siya.

"Ikaw Katre? Nakapag move on ka na ba?"

Napakunot ako ng noo at napatingin sa kanya.

"Huh? Ako? Haha. Bakit naman napunta sa akin yang tanong mo? Wala naman akong jowa" then i smirked.

"Alam ko affected ka din dun kay Cholo no. Siya na kaya pinakamatagal mong dinate at pinakamatagal mong naging ka steady.

Hindi ako tumingin kay Patty. Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Wala talaga akong maitatanggi sa babaeng to. Kaibigan ko nga siya.

"Adik ka talaga. Bakit ako ang hina-hot seat mo ngayon?" I rolled my eyes on her just to avoid her question.

Nanahimik kami parehas.

Maya maya, narinig ko na naman siya nagsalita.

"Alam mo Katre, nakakainggit ka..."

Pero hindi siya nakaharap sa akin. Patuloy pa din siya nakatitig sa ginagawa niya, siguro nagiisip ng susunod niyang isusulat sa kanyang blog. Binaba ko ang cp ko at humarap sa kanya. Bago pa ako makapagsalita, inunahan na niya ako sa susunod niyang sasabihin.

"..parang hindi ka nasasaktan. Hindi ko alam kung magaling ka lang talaga magtago o baka wala ka lang talagang nararamdaman, parang wala lang sa iyo."

Huminga ako ng malalim. Humugot ako ng lakas para sagutin ang mga tanong niya.

"Patty, hindi ako perpekto para hindi masaktan.." Pasimula ko. Binaba niya ang iPad niya at tumingin sa akin. Seryosong makikinig na siya sa akin.

"..nasasaktan ako kasi parang minsan naisip ko niloloko ko lang ang sarili ko. Pinapaniwala ko ang sarili ko sa mga bagay na nakasanayan ko na. Hindi ko alam bakit. Pero ayoko nung nakikita ko na lang yung sarili ko na masiyadong minamahal yung tao dahil baka dumating yung oras na bigla na lang ako maiwanan.. Kaya as much as possible, hindi ko binibigay lahat. Kaya siguro ganito ako.." Nagbuntong hininga ulit ako sa ikalawang pagkakataon.

"Talaga?" Yun lang ang tanging nasabi ni Patty sa akin.

"Wala akong relasyon na hindi ako ang nakikipaghiwalay. Kung may hiwalayan man na naganap, ako ang may desisyon nun." Pagpapatuloy ko. "May mga times na binabalikan nila ako kahit gaano na katagal kaming naghiwalay, pero ayoko na. Pag sinabi kong tapos na, hindi ko na binabalikan. Masakit Patty lalo pag alam kong meron talagang pag-asa yung nasimulan namin pero pinutol ko na.."

There was a dead air of silence between the two of us. Parehas kaming nagiisip sa mga nasabi ko. This time siguro i'm ready to share this to my best friend.

Patty was the one who broke the silence first.

"Is this about your father kaya ganyan ang paniniwala mo?" Halos pabulong niyang tanong, alam niyang sensitive ako sa issue ng usapin tungkol sa tatay ko.

Hindi na ako nagulat sa tanong niya. Open book ang buhay ko kay Patty even my family issues.

"Siguro. Maybe i blame him bakit hindi ko kaya maniwala na may mga taong hindi ka iiwan sa ere, mga taong mapagkakatiwalaan mo na hindi ka lolokohin. Na after all that you've been through, eventually iiwan ka din. But then kung ano man na ang paniniwala ko siguro ngayon, it's my choice, his issue was just a factor. " pagliliwanag ko.

..i just need one person to change my point of view about everything. I don't know kung sino man siya." Saka ako tumingin sa kanya at ngumiti.

Nanahimik na naman kaming dalawa. Pareho naming pinagiisipan ang susunod na sasabihin. Sumipsip ako ng milk tea para mahimasmasan sa nararamdaman. Ang sarap sa loob ng finally naishare ko din ang bigat ng dinadala ko.

"Our lives should always be lived forward. We shouldn't stuck ourselves to the things that makes us miserable. Cherish every moment and be happy always dba? Do not let other people have the pleasure of watching you suffer." Napangiti ako sa sinabi ko. I guess i'm also gaining my maturity on this talk.

"..And Patty. One more thing i learned, you shouldn't be in a relationship with someone whom you wouldn't marry because it doesn't make sense. It just a waste of time. Yung buhay natin, we shouldn't spend it trying to fall inlove and worry about having a partner. We should invest it in making friendships and trying to find ourselves, hindi natin nalalaman na we already met our soulmate or we realized that we want to spent the rest of our lives with our bestfriend diba?"

Narinig ko din na huminga ng malalim si Patty. Nakatitig lang siya sa akin the whole time. Sumipsip ng tea niya then she hugged me so tight.

"I never knew that you are so mature lately. Thank you Par. Idol talaga kita." Sabi niya habang nakayakap pa sa akin.

"Layo na nga Patty, baka matomboy ka!" Tapik ko sa likod niya sabay kami nagtawanan.

Kami na lang pala tao sa teashop.

--

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon