MY SUMMER'S OVER

11 0 0
                                    

FRIDAY.

Isang beses lang kami gumala pero yung galang iyon, pakiramdam ko ang tagal na naman magkakilala, simula nun hindi na kami naubos ng pagkukwentuhan. Ang sarap niya din kasi kausap. Hindi siya nauubusan ng kwento at isa pa mahilig siya magpatawa. I have weaknesses for funny guys, yet i believe Kyle was the only exception.

Malapit na pala ang pasukan. Kala mo naman sobrang tagal ng bakasyon ko. Wala lang nakakainip naman kasi sa bahay lang eh. Pero ang totoo hindi naman ako nainip kasi lagi ko namang kausap si Sergio, araw-araw.. gabi-gabi..

But this day, hindi siya nagparamdam.

Very unusual ang araw ko. Balik ako sa dati na laging tumitingin sa cp at inaalam kung may nagtext na. Hindi na naman ako mapakali. Ang clingy ko naman masiyado.

"So you've dated once? then he told you that he likes you? wow! may confession agad. Ayos si kuya ha. I really believed that meron na kayong understanding Katre! My gosh, ngayon ka lang nagentertain ng ganyan sa lalaki no?

"You think? i like him, but not to the point that i wanna be with him. Alam mo yun? it's too soon Patty."

"But i was shocked on what you texted last night, na tinatanong mo kung ano meaning ng MU? hahaha! Mu gosh Katre, ang dami mo ng advice na binigay sa akin, simpleng MU di mo nagets? hahaha, You're fooling me. Kala ko nga me ibang nakitext sa cp mo kagabi eh hehe."

"Alam mo ang yabang mo. Ano naman masama kung magtanong ako? Tss. wag mo ng sagutin kung ayaw mo.." kahit di niya ako nakikita nag-pout ako sa disappointment.

"Achuchu! nagtampo ang bata, hehe. Just go with the flow, kung ano meron kayo, enjoy mo na lang. Alam mo ang MU, yan yung pagkakaroon niyo ng parehong naararamdaman sa isa't isa kahit walang direktang pagamin.

Naalala ko lang ang usapan namin ni Patty kaninang umaga. Pareho ng nararamdaman kahit walang pag-amin? Oh, i see. . I don't know why i felt so naive to this kind of feeling. Hindi kaya nililinlang lang ako ng nararamdaman ko?

BUZZ!

BUZZ!

2 text messages.

Binuksan ko messages.

Binasa ko ang unang message, galing kay Ailyn.

"Ei, nakita mo na ba ang mga sections natin for enrolment?", saka may chika pa ako! alam mo ba nagpalit na ng relationship status si Kyle! In a relationship na siya! pero gurl, walang nakatag na name..awts </3."

It was the most heartbreaking news of my life. May gf na si Kyle??? :(((((( WHY?? WHY NOT ME????????????

Rereplyan ko na siya ng nag pop-out ang isang message sa status bar ko.

"Kamusta ka na? Free ka ba? Nasa akin pa pala yung book mo, akala ko kukunin mo kasi kailangan mo?"

Si Cholo.

Nasa kanya pa pala yung isa kong libro na hiniram niya nung nag summer siya sa back subject niya. And ngayon kailangan ko na palang kunin dahil malapit na ang evaluation exams ko, ngayong sem na pala yun.

Rereplayan ko na sana siya na dibale na lang, sa kanya na muna ang book dahil sa totoo lang ayoko pa siya makita mula ng huling pagkikita namin na tinapos namin ang kung anong meron kami, pero naisip ko, wala pala akong mahihiraman ng libro na yun, hinanap ko pa naman yun sa kaduluduluhan ng Recto dahil ayoko na manghiram sa iba.

"Oo, kailangan ko pa yan. Pabigay na lang kay Caloy o kaya kay Patty pag nakita mo",

Wala pang ilang minuto nagreply na siya agad.

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon