The Ultimate Crush

14 1 6
                                    

--

"Missing you,

missing you,

i'm missing you..

Everytime i think of you,

i always catch my breath,

and i'm still standing here

and your miles away and

i'm wondering why you left..and there's a storm that's ragi--"

Kinapa ko ang cp ko sa may desk na nasa tabi ng kama ko.

ALARM!

5:30 am

Napuyat ako kagabi, nanood kasi ako ng Warm Bodies kaya pati soundtrack ginawa kong alarm. Bumangon ako agad. Unlike ordinary days na kakapain ko lang ang cp ko para i-snooze, this time bangon ako agad, nagdasal at nag-inat.

Last weeks of the semester is here!

Sobrang excited na ako sa sembreak though 2 weeks lang kasi pagkatapos meron akong summer class.

Final departmental exam ngayon at pinaghahandaan ko ang araw na ito. 4 ang major exams ko. Ilang araw akong naglagi sa library hindi para bumagsak. Gusto ko matapos ang last week ng semester ng hindi nanginginig na nagcocompute kung aabot ba ako sa grade na dos.

Ayoko mapressure kaya pinagdasal ko na kalmado lang ako habang nageexam. Nagrelax na lang ako kagabi, di na ako nag-aral kaya nanood na lang ako ng movie.

Buti mabilis ang kilos ko at ang byahe ko ngayon. Shemay! May rally na naman sa Mendiola? Tsk. Kala ko naman smooth na ang byahe ko. Aga-aga kabadtrip oh.

30 mins before 8am dumating na ako sa school.

Room 512

15. Alfonso, Katrina Ira Villanueva

Sa even room pala ako. Hay buti na lang sa may free flowing air natapat ang room ko. Mas makakapagisip ako ng maayos. Medyo madami nading estudyante pagpasok ko sa room, nagsimula ako magbilang kung san ang pang labing lima na upuan. Dun kasi ang seat number ko.

Ah yun!

Malapit sa bintana.

Tsk. Pangit ang pwesto ko. Malapit sa dingding at nakaharap sa hallway. Kita ko mga daan ng daan. Mga maiingay at nagdadaldalan sa loob at labas. May mga nagrereview ng malakas na parang gustong ipaalam sa lahat na mapeperfect niya ang exam, may nagtatasa ng lapis, may nakayuko lang (i bet sila ang matatalino), may parang nagliligawan, may tahimik sa isang dulo at parang nagdadasal o baka naman sumasama na ang tyan sa sobrang kaba di pa naman nagsisimula ang exam.

At merong isa na nasa gilid lang at pinagmamasdan ang mga taong nagdaraan at naghihintay sa isang bagay na makakapagpa-perfect sa kanya sa eksamen.

AKO YUN.

"Lord, give me a sign. Pag dumaan yung crush ko dito sa tapat ng room bago mag-exam, alam ko papasa ako."

Inusal ko ng di ko alam. Dahil na din siguro sa pagtatanggal ng kaba ko bago ang exam.

Ewan. Di ko alam bakit bigla kong naisip yun. Alam ko imposible kasi malamang nasa mga sunod na kwarto na siya, sa kahit anong bagay o klase, maaga siya.

15 mins na lang, magsisimula na magpamigay ng test papers. Nagsisimula na din magpasukan sa mga assigned rooms ang mga nakatambay sa lobby.

Nagtasa na ako ng lapis.

"Ba yan, kinakabahan na ako."

Bulong ko sa isip ko.

Naghanap ako ng mapagtatapunan ng napagtasahan ko, aha. Dito na lang sa bintana sa tapat ko.

Pag-angat ko ng ulo ko,

Biglang bumagal ang oras..

Nag-slow motion ang mga tao..

Umikot ang mga paru-paro sa tyan ko.

Nabingi ako sa ingay ng paligid..

Unti unting bumuo ng kurba ang magkabilang dulo ng labi ko patungo sa aking mga tenga.

At

Parang nagkaroon ng spot light na tumapat sa kanya.

Si Kyle.

At paparating siya.

Di ako makapaniwala.

Late siya.

"Uy Ky! Late ka na! Bago yan ha!"

Inakbayan siya ni Niko. At nakipagbatian sa kamao. Tumawa lang si Kyle. Yung tawa niya na hindi kita ang mga ngipin. Mahal kasi ang tawa niya.

Pero totoo nga naman. Late si Kyle at parang first time?

"Uy Kat, ayos ba tayo jan?" Nakita pala ako ni Niko na nakatingin sa kanila. Nakipag apir siya, nilusot ang kamay niya sa bintana. Ngumiti lang ako. Hindi ako makatingin kay Kyle dahil alam ko tumingin din siya sa akin.

RIIIIIING!!!!

Tumunog na ang bell. Hudyat na umpisa na ng pamimigay ng papel.

Pero ako..

Naiwan ata ang puso ko sa lobby.

Naiwan atang nakatingin kay Kyle.

Pero dahil jan, mas malaki ang ngiti ko bago magsimula ang exam..

Thank You Lord ha. PAPASA NA AKO :)

--

Natapos ko ang exam na ngiti-ngiting lumabas papunta sa dome ng college namin kung saan nagtitipon ang mga tao.

Malayo palang nakita ko na sa malayo ang kumpulan ng mga kaklase ko. Naririnig ko na naman silang nagtatalo sa mga tanong sa exam.

"Uyy tama na nga yan! Tapos na exam. Wag na natin pagusapan!" Sigaw ni Jovan, ang class president namin.

"Basta letter A yun! Dapat 50,000 lang kasi ang allowable deduction kasi may personal exemption kasi married siya at head of the family!",

"Hindi letter B yun! 25,000 lang!

"Adik! E ang sagot! None of the above!"

Sari sari ang naririnig kong mga pagtatalo nila. Hay naku. Sakit lang sa ulo.

Nilinga ko pa ang paligid. Kulang mga kaklase ko. Wala si Kyle?

Ayun!

Nasa gilid lang at tumatango tango. Kausap niya ang isa sa mga close friend niya sa room.

Ang daming tao kaya sinamantala ko na pagmasdan lang siya sa malayo. Hindi niya ako mapapansin kasi ang daming palakad lakad.

Kung meron man akong super big crush, siya na yun. Nasa kanya na kasi lahat.

Matalino, reserved, tahimik, music lover, at cute. Plus He is a Christian. Siya na yata ang naging benchmark ko sa tuwing may nanliligaw sa akin.

Pero deadma lang ako sa kanya.

Hindi rin kasi siya palakausap o palakaibigan. Bilang lang ang kinakausap niya.

Nakapalumbaba lang ako sa hagdan at nakatingin sa kanya mula sa malayo.

Pero sa isang iglap ang bilis ng mga pangyayari, napansin ata niya na pinagmamasdan siya.

Sumulyap siya sa akin.

Too late, i was caught.

Earth! Eat me now!

--

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon