It's Gonna be Love?

19 0 0
                                    

Naglalakad ako sa hallway.

Ang lamig ng hangin.

Pababa na ang araw.

Para ng nagaapoy ang langit dahil namamaalam na naman ang isang buong maghapon.

Hinigpitan ko ang pagkakasuksok ng mga kamay ko sa bulsa ng jacket ko. Ang ginaw. Masiyado yatang manipis ang aking jacket. Hindi pang lamig. Nanunuot ang lamig hanggang buto.

"Katrina?"

Parang mas lalong lumamig ang paligid dahil sa malamig na tinig na narinig kong tumawag sa pangalan ko.

Kilala ko ang boses na iyon.

..at hindi ako pwedeng magkamali.

Lumingon ako para siguraduhin na siya nga ang naiisip ko.

Pero bago pa ako lumingon, hinawakan na niya ang kamay ko.

Mainit ang kamay niya..

Pinawi ang nanunuot na lamig na kanina ko pa nadarama. Parang umakyat sa buong katawan ko ang init. Namula ang tenga ko at mga pisngi.

"Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala. Last day na nating magkatabi, gusto ko lang sabihin na ang saya ko talaga ikaw ang itinabi sa akin."

Si Kyle.

Ang lakas talaga ng hatak niya sa akin. Hindi man siya campus crush, siya yung tipo ng lalaki na aalamin mo ang pagkatao dahil masiyadong misteryoso. Parang ang dami kong gustong malaman tungkol sa kanya.

"Isa na yata yun sa mga pangyayari sa buhay ko na ayoko ng matapos.." Sagot ko sa kanya.

Humarap kami sa isa't isa. Naglapit ang aming mga mukha paunti-unti..

Ito na ang inaantay ko.

Makukuha ko na ang first kiss ko mula kay Kyle Andrew Bautista.

Pinikit ko na ang mga mata ko..

Handa na ako..

PLAK!!!

Isang malakas na palo ang naramdaman ko sa may bandang hita ko.

Nagising ako ng wala sa oras sa sobrang sakit at naghahalong kati mula sa pagkakapalo!

"Oi Katre, ano bang ginagawa mo jan sa unan, kanina mo pa nilalawayan at kinakagat?! Ano bang nangyayari sayong bata ka?!",

Dumilat ako agad pagkarinig ko ng boses.

SI MAMA!

"Bumangon ka na nga jan at tumayo ka na. Mag-almusal ka na dun at lalabahan ko yang mga punda mo at kobre kama! Kababae mong tao salaula mo at ang lakas mo maglaway! Nako! Dali na tayo!", pinalo ulit ako ni Mama sa hita. Nagising ang ulirat ko pati ang pagkabadtrip ko.

"Ba yan Ma! Sakit naman. Tsss", habang himas himas ko ang namumula kong hita dahil sa pamamalo niya.

"Ay nako, magmumog ka na nga dun at kumain ka na. Dali na!"

Papatadyak padyak pa ako na naglakad at bumaba papuntang kusina.

Unang araw ng isang linggong bakasyon bago magpasukan.

Sinusulit ko lang naman kahit sa pagtulog.

Ang KJ naman ni Mama.

Pero nakakahiya naabutan pa niya akong ganun ang ginagawa ko sa unan. Haist.

Natawa ako na nainis sa sarili ko dahil sa panaginip ko.

"Andun na eh!", kinikilig ako habang naiisip ko.

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon