Summer Bummer is Over

14 1 0
                                    

Isa na siguro sa pinakamalungkot na parte ng buhay ko ay nakikita ko ang mga litrato ng pinsan ko na naliligo ng magkakasama sa dagat, nagha hiking at nagsasama sama mag road trip para mamyesta. Ika-3 taon ko nang hindi nakakasama sa kanila dahil andito ako sa Maynila, at nag-aaral para sa summer class.

"Konting tiis lang Sis. Makakasama ka din pagkagraduate mo. Mag-aral ka lang mabuti jan ha? Si Mama ikaw na muna bahala. Sige na babye na ha", bilin ni Ate sa telepono.

Binaba ko ang cp ko na naka nguso na naman. Gusto ko sana sumama. Bakit kelangan may summer class pa. T_T. Eternal sadness ang pakiramdam. Pero feeling ko nagiinarte lang ako dahil 3 taon naman na akong di nakakasama sa kanila, hindi pa ba ako nasanay? Pero kahit na 3 taon na akong nanghihinayang na sana kasama ako.

Enrolment na naman. Wala ng katapusang enrolment. Pero this time hindi na ako maaga pumasok kasi may mga malalapit naman dun sila na ang nagsecure na blocked section kaming lahat. Petiks day.

Nagpaalam ako kay Mama na aalis na ako. Siya na naman ang tao sa bahay buti may activity sa simbahan kaya aalis din siya at sa simbahan muna maglalagi.

Under maintenance na naman ang LRT. Kelan pa kaya magiging maayos ang takbo niyan. San naman kaya napupunta ang pera ng gobyerno? Pag ako naging presidente, magpapagawa ako ng bullet train gaya sa ibang bansa.

Pero joke lang, ang pangarap ko lang yumaman at mahanap ang true love ko.

Nagbus na lang ako, sa EDSA na dumaan. Bumaba ako ng Cubao at naghintay sa terminal ng jeep. Ang daming estudyante, may ibang pamilyar ang mukha dahil kakurso ko pero wala akong kilala sa kanila sa pangalan ni isa.

Sa tabi ako ng drayber umupo, may babae akong katabi kaya sakto sa may tapat ng salamin ako napwesto. Fresh na fresh ang datingan ko kasi umaga pa, syempre alam ko dito nasakay si Kyle, mamaya makasabay ko pa siya. Atleast di na gaya ako chaka gaya nung last time. Winasiwas ko ang ulo ko para alisin sa isip ko ang isa sa mga "most embarassing moment ko".

Napuno na ng tao ang jeep, pero kahit masikip na, pinagpipilitan pa din ng barker na isa pa

"Ang tagal naman umalis ng jeep na to.", naiinip kong bulong.

Tumataas na kasi ang araw kaya umiinit na. Pagdating ko na naman sa skul, haggardo versoza na naman ang peg ko.

Ayan, may sumakay na ding isa.

Smooth ang byahe. The best tong patok na jeep. Byaheng langit. Manong ayoko pa ho mateggi. Usal ko. Nagbabaan na ibang pasahero, kaya ilan ilan na lang ang natira.

Tumingin ako sa salamin na nasa harap ko. Napansin ko ang pamilyar na mukha na nasa malapit sa estribo. Napakunot ako ng noo, masiyado kasing maliwanag kaya di ko maaninag ang mukha sa salamin.

Hindi ko pinansin, pero di ko alam bakit nacurious ako bigla kung sino yun.

Lumingon ako sa likod.

Si kuyang maliit!

At nakatingin din pala siya sa akin, siguro namumukaan niya ako. Mabilis kong inalis ang tingin ko sa kanya paharap ulit sa daan.

Bigla akong naconcious. Ano ba yun.

Bakit kasi nacurious pa ako. Akala ko di na kami magkukrus ng landas. 2 wks palang ang nakakaraan, nakita ko na naman siya.

Pagkababa ko ng jeep, mabilis akong naglakad pero parang ang lapit pa din niya dahil alam ko nasa likod ko lang siya. Tiningnan ko kung nasa likod ko pa nga siya, binagalan ko ang lakad ko at sumulyap sa sasakyan na nakaparada sa tabi ng kalsada,

Ayun na nga! Nasa likod ko nga lang siya. Nagkunwari akong nagsuklay ng buhok gamit ang mga daliri ko kaya hinayaan ko siya mauna.

Weird.

Nung mga nakaraang linggo iniisip ko lang siya, tapos ngayon nakasabay ko na.

Erase. Erase.

---

Pangalan palang ng subject na ito ayoko na.

May isang topic na hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ako na pinaka bobo sa buong klase pag diniscuss na.

Dumating ang professor namin sa subject na yon. Maliit at matabang babae. Mga nasa edad 50 na ata, nakasalamin at may makapal na kolorete sa mukha.

Siya si Mrs. Tuazon. 2 buwan namin siya makakasama sa subject na iyon. Pero para sa akin 3 buwan na kaba ang katumbas. Idagdag mo ang isang buwan na pagaantay ng grado. Base sa narinig kong tsismax sa ibang nahawakan na niya sa regular sem, mahirap daw siya magpaexam.

Malas.

Pagdating niya, sinipat muna niya ang klase. Mukha naman siyang mabait pero iba ang dating niya siguro pag sa loob na ng klase.

"I want to arrange you alphabetically.", bungad niya pagkatapos niyang magpakilala sa amin.

Nagkatinginan kami ni Larry. Yung friend ko na may pagkasilahis. Alam ko alam niya ang naiisip ko.

Bigla akong kinabahan.

"Alcala?", unang tinawag si Niko. Dali dali siyang umupo sa pinakaunahan ng linya.

"Alfonso", ako na! Nakipag apir pa sa akin si Niko dahil magkatabi na naman kami. Basta alphabetical hindi kami pinaghihiwalay.

"Baltazar", pagkatawag palang ng apelyido, naghiyawan na mga tao sa paligid.

"Ayiiiiiiii!!!!!", nakakabingi ang ingay at pakiramdam ko kasing pula na ako ng kamatis at parang nilagyan ng sili ang tenga ko sa sobrang init. Pakiramdam ko namumula na din.

Ang mga tinginan namin ni Larry kanina yun na yun. Alam kasi namin na magiging magkatabi kami ni Kyle dahil yung 2 letter B naming kaklase ay irregular at hindi matetake ang subject na yun kaya malaki ang tyansa na kami ang magkatabi/magkasunod.

At voila!

Ito na nga. Katabi ko na ang Prince Charming ko.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o magpapakita na wala akong pakialam. Pero Lord, sorry hindi ko talaga kaya! Yung pinipigil kong ngiti, nagdala naman ng dugo sa buong mukha ko. *^_^*

Hindi natigil ang klase sa panunukso gang matapos ang period ng subject na yun. Wala akong naintindihan sa mga sinabi ni Mrs. Tuazon na house rules at grading system niya.

Naiwan akong nagiisip..

Mukhang hindi na malungkot ang summer at ito na ang magiging paborito kong subject mula ngayon! ❤️

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon