Who's that Guy?

14 1 0
                                    

--

Ito pala si kuya.

Mas may dating siya ngayong namasdan ko siya harap harapan. Sayang matipuno nga pero lampa naman. Naitulak ko siya eh. Pero siguro malakas lang talaga ang pagkakasubsob ko sa kanya.

"Hi everyone. Prof. Gonzales won't be around with your class for the next 2 meetings. He's in Bacolod for a regional meet in lawn tennis. For the meantime, i will handle this class as his substitute."

"Oohhh" sabi ng mga babae sa likuran namin.

"Siya si kuya sa ARO katre!", malakas na bulalas ni Patty.

"Ah yung dahilan kug bakit tayo nalate ng alis sa registration office. Chika ka pa pala ng chika sa kanya", i rolled my eyes on her.

"Ano ka ba girl? Tingnan mo naman hindi ka ba mapapachika sa kanya. Ang sarap niya kaya kausap. Nakakabusog! Hihi!" Malanding sabi ni Patty.

"Landi mo! To talaga. Tigilan mo na nga yan! Inis kong sabi sa kanya.

"Suuuuuus! Look who's talking. At ako pa ang sinabihang malandi ha. Wag ka ngang patawa Katrina. Haha!" Maldita talaga. Ako pa ang nakita.

"Sira. Hindi ako malandi. Kasalanan ko bang mahulog loob nila sa akin? Haha. Hindi ko sila pinilit no." And i smirk at her this time.

"Oo nga eh. Paasa ka eh. Capital P-A-A-S-A. Ang bilis mo magsawa. Ewan ko ba sa kanila bakit hinahabol habol ka padin nila." Taka niyang tanong.

"Hay naku mahabang kwento girl. Mamaya na lang yan at makinig muna tayo ke Sir." Hinawakan ko ang baba niya at hinarap sa harap ng instructor.

Nakakahanga ang galing ni kuya sa pagtuturo. Mas gugustuhin ko pa atang siya ang prof namin. Lahat nakikinig kahit yung mga maiingay na engineering at arki na kasama namin sa klase. Napatingin ako ke Patty, sobrang titig niya sa sub namin.

Lahat nakikinig maliban sa isang lalaki sa dulo. Nakatulala lang siya sa malayo. Ngayon ko lang siya napansin. Bagong mukha. Wala pa ata isip niya sa subject na to. Baka naman antok lang o baka may dinaramdam.

Ilang minuto din ang nabaling ko sa lalaking yun kaya siguro hindi ko napansin na class dismissed na pala. Bigla na lang akong nagulat ng inalog ni Patty ang balikat ko.

"grabe! Practical exam na pala next meeting. Naku Katre, ayoko mapahiya mamaya sumablay ako sa serve! Ang daming boys dito", parang bata si Patty na nagtatadyak.

"Ah ganun ba? Next week na agad?" Wala sa sarili kong tanong.

"Hindi ka ba nakikinig? Kakasabi lang kanina. Lutang lang?" Nagtatakang tanong ni Patty.

"Ah wala napatingin lang kasi ako dun sa bagong pasok ata. Ngayon ko lang napansin eh", hinanap ko pero biglang nawala na. Napakibit balikat lang ako. "Tulala lang kasi"

"San san ka naman pala nakatingin kaya di mo narinig. Tara na nga.." Hinatak niya ako palabas ng open court papunta sa canteen.

--

Friday. Practical exam.

"Alfonso, Katrina"

Sir!

"Serve"

Ay out of court. Toinks.

"Second serve"

Yun! Yes!

I realized mahirap pala na umpisa ng alphabet ang apelyido mo. Tumataas na ang araw ang tagal pa matapos ng iba.

Pinagmamasdan ko si kuya. Swabe ang pagihip niya sa pito. Talas ng mata. Ang tirik ng araw at halos di ko na makita ang border ng court, kita pa din niya kung in or out yung tira.

It's been about a week ng nalaman ko na nagkakatext na pala sila ni Patty. Matinik pala to. Sabagay, nagkausap naman na sila dati during enrolment.

Masiyado akong nawili kakaisip. Napatingin ako sa court, si kuyang tahimik na pala ang magseserve. Wow, lahat ng tira, IN.

In fairness, ilang beses lang siya napasok sa mga practice, gamay niya ang tennis. Sabagay, baka marunong naman talaga siya kaya di siya napasok palagi.

Sinundan ko siya ng tingin, pagkatapos niya, pumunta na siya sa may sulok sa tabi ng covered court na inuupuan namin pag lecture. Kalaro niya ang pader. Bawat hampas niya, mas mabilis ang pagbalik ng bola. Kaya pala maliksi siya, given na di naman siya katangkaran.

Masiyado naman akong namimisteryosohan sa lalaking to. Napakibit balikat na lang ako.

Pagtapos ng klase, nawala na lang siya bigla.

Ambilis.

Parang bula.

Weird.

---

Days before midterm exam. Busy ang lahat. I spent almost everyday sa library. Ang hirap maging accountancy students, hindi ko kaya mag-cram kasi wala akong mapipick up dahil lahat kailangan aralin. Buti pa si Patty, ayun happy-go-lucky sa new found love life niya. Sila na, and she's inlove. Nakalimutan na nga niya ako. Busy sa lovelife. Ang bilis nga eh. Pero motto kasi naming 2, you don't have to have to try the whole cake just to know what it tastes like.

Buti pa siya.

Hindi naman sa naiinggit ako kay Patty. It's more of the curiosity how does it feel to be mutually inlove. I've been in relationships. In and out. But there's always a question mark in the middle that would pop out, where is this going.. i don't think it was worth it.

Then the next days, break up follow through.

CRAP.

Akala nila nakakapagod magmahal, mas nakakapagod kaya pilitin magmahal at makipag break. Tss.

"Kung di ka naman kasi sure pa sa feelings mo, wag mo na kasi muna sagutin."

I remember what Patty would always say.

I don't know.

Palagi ko pa ding ginagawa.

BUZZ!

BUZZ!

1 message received

Pareng_Patty

+6391756789324

Par, we need to talk. Same place.

Aba ang bruha nakaalala. Ay nako, parang alam ko na. I'm sensing something not good. Crying moments here.

After my last exam, i went straight sa tea shop na tambayan namin ni Patty.

Naabutan ko siya sa paborito naming pwesto. Nakasalampak at busy sa paggawa ng blog sa kaniyang Ipad.

"Tully's teashop. Roasted Caramel Machiatto and Blog. Alam ko na yan Patty", bungad ko sa kanya kahit nakatayo pa sa harap niya.

Nguso lang sinagot niya sa sinabi ko.

Habang tinatanggal ko ang sintas ng sapatos ko, bigla siyang nagsalita..

"I was so pathetic par, tama ba yung madali kong nakuha, pero madali lang din nawala sa akin. And out of the all the people i have ever loved-- i fell inlove with someone who was taken away from me.".. Mapait niyang sabi sa akin.

Napatigil ako sa pagtatanggal ng sintas ko.

"Par, seryoso ka?"

"Gagu ka Katre, seryoso ako. Ang sakit pa din. Kahit ilang beses na akong naloko, bakit amg sakit sakit pa din?", biglang tumulo ang luha niya gang sa naging sunod sunod na.

"Calm down.." Paalo kong sabi ke Patty.

Hikbi na lang narinig ko kay Patty.

Mahaba-habang kwentuhan ito..

---

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon