Jinx Day!

15 1 2
                                    

--

Nakakainis.

Parang wala lang, bakit hindi ako nagreklamo?

Lalo tuloy akong napakamot sa ulo ko. Hindi dahil masakit kundi nayayamot ako sa nangyari. Tss.

Buti na lang last day, hindi ko na makikita si Kuyang nakatama sa akin ng bola.

---

Dumiretso ako sa canteen pagkatapos ng PE. Gutom na ako. Hindi na naman kasi ako nagbreakfast para makahabol sa laro. Parang sumakit pa nga ang ulo ko dahil tinamaan ako ng bola. Isa pa yun. Nainis na naman tuloy ako.

BUZZ! BUZZ!

Napakislot ang katawan ko. Inipit ko pala sa pantalon ko ang cp ko. Naramdaman ko tuloy nagvibrate. Huminto ako saglit sa pagkain para tingnan kung sino man ang nagtext.

1 Message Received.

BSA_Cessy

Magkasama lang kami kanina ha, ang bilis naman niya makaakyat.

"Girl congrats! Top 9 ka sa Tax! Akyat kna! Posted na results! :)"

Napangiti ako ng bongga sa text ni Cess! Binilisan ko ang kain ko. Muntik pa ako mabulunan. Grabe lang. Gusto ko ng liparin gang 5th floor ng university!

Ang daming tao sa dome, pagakyat ko sinalubong ako ng pagbati ng mga kaklase ko.

"Nice one"

"Congrats"

"Sabi na eh. Kunwari ka pa"

Di ako makapaniwala. Gusto ko makita ng dalawang mata ko ang pangalan ko.

Final Departmental Results

Business Law and Income Taxation

List of Topnotchers

Ang dami ding palang mga nagtie sa top. Pero una ko munang hinanap ang pangalan ko.

9. Alfonso, Katrina Ira Villanueva 93.15%

Shit! Ako nga yun!

Yung ngiti ko hanggang batok. Tinitigan ko ang pangalan ko, saka humarap ng ngiting ngiti na kita gilagid.

Di ko alam nasa likod ko lang pala si Niko at kasama niya si Kyle.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang mukha ni Kyle na napatingin sa akin at sa hitsura ko.

Kitang kita ko ang hitsura niya.

Kitang kita paano ang reaction niyang...

POKER FACE.

Oo. Poker face, stoned face, tuod at manhid. Pagkatingin niya, bumalik na ulit ang mga mata niya sa bulletin board.

Shit! Shit! Shit!

"Excuse me", yun lang ang nasabi ko sabay takbo sa cr na malapit sa dome.

Tiningnan ko agad ang hitsura ko sa salamin.

Oily. Sabog ang buhok mula sa pagkakatali. May mga nalalaglag na buhok sa gilid ng mukha. At may tinga pa ako sa pagitan ng ngipin ko dahil sa kinain kong palabok.

Wow. Ang ganda ko. Super shet.

Napahatak ako sa buhok ko sa inis. Di ko alam bakit sa ganung sitwasyon niya pa ang naabutan. Haaaayyy! Kagagaling ko lang sa PE. Bakit kasi hindi ako nagayos? :(

Parang mas nabother pa ako sa iisipin sa akin ni Kyle kesa magsaya sa pagkakasali ko sa top. Wenks. Epic fail Katre.

Lumabas ako ng cr wala ng masiyadong tao. Ganun na ba ako katagal sa loob kaya wala ng tao ngayon.

Nilabas ko ang cp ko at tinext si Cess.

"San kau?"

Nagreply din naman siya agad.

"D2 catwalk. Nsa akin ndin pla classcard mo sa pe. Pnta kna d2."

Bumaba na ako at agad ko din naman sila nakita sa may court side sa lilim ng mga puno.

Di ko alam kung swerte o malas ang araw na ito. Uno ang nakuha kong grade sa PE. Dapat masaya ako pero mas nangibabaw yung disappointment ko sa nangyari kanina sa encounter namin ni Kyle.

Umupo muna kami sa pwesto na pinagantayan nila Cess sa akin. Pinagkukwentuhan pala nila yung mga lalaki na kasama namin sa PE. Hindi na daw kasi nila makikita muli yung mga yun.

"Crush ko si Alcantara. Yung unang tinatawag palagi pag me practical", kinikilig pang sabi ni Josie. Mataba siyang babae na mahilig manghampas pag nagkukwento. Kaya ayoko siya tinatabihan.

Hindi din ako nakatakas sa mga tanong nila. Naisip ko na lang yung isang engineering student na mahilig magpapansin kapag naglalaro sila sa tapat ko.

"Ako si Kuya Liit.", sabi ni Cess nung siya naman ang tinanong.

"Huh? Sino yun?", tanong ni Josie sa kanya.

"Yung maliit na matangos ang ilong. Na mejo maitim. Yung palagi pa ngang late.", paglalarawan ni Cess.

Late na ng narealize ko na si Kuya tulala pala ang tinutukoy niya.

Si kuya na nakatama sa akin ng bola. Hindi ko namalayan, hinahawakan ko na naman ang ulo ko na natamaan kanina.

Aish, nabadtrip na naman ako.

Hinayaan ko na kasi hindi ko naman na makikita yun ulit si kuya.

Huwag lang sana magkrus muli ang landas namin.

--

Dumating ako sa bahay nasa kusina si Mama. Narinig niya ang pagdating ko dahil inusog ko ang sliding door namin.

"Katre, ikaw na ba yan?", saka siya sumilip sa kusina para icheck.

"Opo Ma.", lumapit ako saka nagmano.

"Tamang tama, maghahain na ako at kakain na tayo.", bumalik ulit siya sa kusina para maghain.

Kumain kami ni Mama ng gabi na yun. Sinabi ko ang magandang balita sa kanya. Hindi man niya ako pinuri ng diretso, kita ko naman ang saya sa mga galaw niya at pag-asikaso sa akin.

Pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama. Pagod ako pero di ako inaantok. Ang daming nangyari sa araw na to. Nakahiga lang ako ng nakatingin sa kisame.

Ang mukha ni Kyle.

Ang kagwapuhan niya kahit walang reaksyon ng mukha niya.

Bakit hindi ko magamit sa kanya ang charm na meron ako sa iba..

At ang matangos na ilong..

Manipis na labi..

At makapal na kilay,

Ni kuyang maliit.

Hindi naman na masakit ang tinamaan ng bola,

Pero

Napakamot na naman ako sa ulo ko ng maalala ko siya na lumapit sa akin.

Di ko alam kung bakit..

--

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon