We're Getting to Know Each Other

18 1 0
                                    

Ang daldal niya.
Oo napakadaldal niya.
Siya ba talaga yung lalaking tahimik sa PE dati? Parang sinapian siya ng espirito ngayon.

Mula pagkasakay namin, wala na siyang ibang ginawa kundi dumaldal.

"Dito ka din pala. Kalain mo nga naman. Wat the koinsidens!", at tumawa na naman siya.

Anu ba yun. English carabao tong si Sergio. Nakakatawa tuloy siya lalo.

Bigla kong naalala na nakasabay ko nga pala siya sa jeep nung isang linggo.

Sobrang siksikan sa loob ng jeep ng oras na iyon. Alam mo naman na kahit puno na parang bulak na kailangan pagsiksikin.
Pumasok ako ng upo para makaurong na din para sa iba pang sasakay.

Hindi ako mkadukot ng pamasahe sa sobrag siksikan.

"Ako na.", sabay bayad sa nangongolekta sa loob ng jeep.

Hindi ko siya maiwasan pagmasdan habang nakaupo siya at nakatagilid. Nakalabas siya ng upo para makaupo na din ako ng ayos. Pawisan na siya at tumutulo na sa may noo niya at sentido. Mahahaba pala ang mga pilikmata niya sa malapitan at ang ganda ng ilong niya. In fairness. May hitsura naman pala to si Sergio pag nakaside view. Pero no doubt, negro pa din siya. Mamaya chaka na pag humarap. Hindi ko kasi siya napagmasdan nung kausap ko siya. Ayoko nga siya tingnan o titigan man lang ng matagal pag naguusap. Mejo awkward pa.

Ang bilis naman. Parang kanina lang nagpakilala lang siya, ngayon sabay na kami pauwi. Winasiwas ko ang ulo para burahin ang mga naiisip ko.

"Ok ka lang jan?", iniharap niya ang ulo niya patalikod para harapin ako. Nakangisi na naman siya.

Tinaas ko lang ang dalawang kilay ko. Ayoko magsalita. Para akong napipi dahil sa mga pinagiisip ko kanina.

"Oh SM jan!" Biglang sigaw ng barker sabay preno bigla ng jeep. Mga jeep na to. Di na nagingat dahil dun napasandal siya sa akin.

Ang daming nagbabaan kaya lumuwag na ang nasa loob. Kaya nagkaroon kami ng pagkakataon makapagusap talaga nung kaunti na lang ang naiwan. Trapik pa kaya mas napapahaba ang usapan namin.

He makes faces habang nagkukwento. Nakakatawa kasi pang comedy talaga ang mukha niya. Ang kengkoy. Kinukwento niya ang mga nakakatawang eksena sa pila kanina. Ang dami na niyang napansin na nakakatawa habang nagaantay ng oras niya samantalang ako batong bato na kanina pa sa pila. Tawa lang ako ng tawa sa kanya habang nagkukwento siya. I don't think he was just showing off or trying to blew off things. He's just so funny and it comes out so natural.

Di namin namalayan na Cubao na pala. Pababa na pala kami. We're so engrossed talking. Pumara siya at nauna sa pagbaba. Inantay niya ako makababa sa estribo saka kami naglakad habang nagkukwentuhan pa din. Umakyat kami ng overpass at bumaba ulit saka naglakad na malapit sa sakayan ng bus.

"Oh paano? Dito na ako. Dito na sakayan ko. Ikaw? Sa kabila ka ba?", saka ko tinuro ang mga bus na pa fairview.

Hindi niya ako sinagot bagkus nagkamot lang siya ng ulo saka pinisil ang ilong niya.

"Marami pang tao. Hindi rin tayo makakasakay agad. Mangangawit lang tayo sa pagtayo dito.", saka niya nginuso ang mga nagaantay sa bus stop.

Tunay nga naman na uwian na. Marami rin kaming kasabay na nagaantay. Pero mabilis naman ang bus, kaya ok lang. Yun nga lang, nakatayo na ako pag sumakay. Hassle. Ngawit binti ko kanina sa pagpila.

"Gusto mo magikot muna tayo jan sa loob.", saka niya nginuso ang mga mall na nasa likod namin.

Hindi ko alam pero naengganyo din ako na sumama sa kanya. Siguro dahil hindi pa din ako nakakalibot jan sa loob.

Nagkwentuhan kami. Napakarami niyang kwento. Napakarami ko ding mga reaksyon sa mga kwento niya.

"3rd yr ka na pala sa accountancy. Edi ang galing mo pala!,". Pinuri niya ako? Ano namang kapuri puri kung 3rd yr na.

"Ano naman? Di pa ako nakakagraduate at nagiging CPA, magaling na agad?", pabiro kong sagot sa kanya.

"Kasi diba meron kayong exam bago makapag 3rd yr? Balita ko nga marami natatanggal sa course nio pag tutungtong na ng 3rd yr. Nalilipat sa ibang courses. Qualifying exam ata tawag nio dun.", sagot niya habang naglalakad lang ng diretso at di siya nakatingin sa akin.

"Bakit ang dami mong alam sa course namin, eh di ka naman tiga Main building..", nakahiwalay kasi sila ng building. Magtatricycle ka pa para lang makarating sa college nila. Mga kasama nila ang mga Engineering, Tourism at Communication courses

"Yung ex ko kasi di nakapasa. Kaya alam ko lahat yan.", sabi niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti ulit. "Oh dba? Sabi ko sayo magaling ka, kasi isa ka sa mga nasala at nakapasa."

Bigla akong yumuko, ngayon lang may nagsabi sa akin na magaling ako. All this time kasi average lang tingin ko sa sarili ko. Lihim akong natuwa sa sinabi niya. Naramdaman kong nagblush ako dahil dun.

Kaya pala nakikita ko siya sa floor namin nung mga exams, may ex gf pala siya dun. Kung bakit naging ex na lang. Hindi ko na inusisa. Hindi ako interesado.

"Hindi ko nga first choice to. Hindi kaya ako magaling sa math o sa numbers. Pero siguro God's will kaya ako nakapasa. At andito pa din. Kasi yung mga kaibigan kong umaya sa akin na pumila sa kurso na to. Hindi pinalad.", si Caloy at Patty ang tinutukoy ko.
Totoo namang naengganyo lang nila ako pumila kasi mahaba. Ang daming nageenrol ay naguunahan sa slot para mag accountancy. Samantalang ako nakipila lang. Weirdo.

"Dahil jan, mas magaling ka paningin ko. Kalain mo di mo pa first choice yan ha. Naks!", ngumiti na naman siya.

"OA ka na ha. Di na makatotohanan yang puri mo.", at inirapan ko siya.

"Totoo naman kasi. Hehe " di niya talaga ako tinigilan.

Napakarami pa naming pinagkwentuhan. Para lang kaming nagsasagutan ng slumbook ng isa't isa. Mula sa paboritong kulay gang sa mga pangarap sa buhay. Ang dami ko ding nalaman sa kanya. May mga parehas kami ng interes lalo sa musika at mga pinapanood. Sa mga iniidolo at sa mga paniniwala. Parehas din naming gusto magabroad. Pakiramdam ko ang tagal na naming magkakilala.

Di namin naramdaman na naikot na pala namin ang mall. Nakaramdam ako ng pagod nung umupo na kami.

"Ayan wala ng tao masiyado. Pwede na tayo sumakay pauwi.", tinuro ko ang sakayan ng bus na tanaw lang sa malayo.

"Oo nga. Grabe napagod ako sa kadaldalan natin."

"Oo nga eh. Ikaw kaya mas madaldal."

"Tara na ihahatid na kita."

Nang nasa sakayan na kami ng bus, natahimik kaming 2 bigla.

"So see you na lang ulit?", kumamot na naman siya sa ulo niya.

"Let's see", sabi ko.

"Itext mo na lang ako pag gusto mo gumala ulit. Ito pala number ko.". Bigla nyang nilanas ang cp niya.

"Hindi ko naman hinihingi?", at tumawa ako.

"Ganun ba? Edi ikaw na lang magbigay ng sayo kasi ako gusto kong hingin", saka siya ngumiti ulit ng napakalapad.

Kinuha niya ang number ko at sumakay na ako ng bus.

BUZZ!

BUZZ!

1 message received.
+639171236547

"Ingat ka aa. Salamat sa time. Ang sarap mo kasama. Cute mo pa. ;) Si kuya liit to. Save mo number ko ha. Textmate mo ko. Haha. Babye!"

Napatawa ako sa text niya. Alam pala niya ang tawag ko sa kanya. Nabanggit ko kasi kanina.

Nireplyan ko siya.

"Ok ingat Boy negro. Haha. Bye"

Ngumiti ako.
Hindi naman pala boring ang summer ko.
Naging magkatabi kami ni Kyle at nagkaroon pa ako ng bagong kaibigan. Si Sergio.

Di ko namalayan napapikit na ako sa byahe dala ng pagod.

Grains of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon