Sa park ng Luneta, ipinasyal ng college graduating student na si Carolina ang kanyang alagang aso........, habang bumibili ng dirty ice cream ay bigla nalamang tumakbo ng matulin ang kanyang paboritong aso, sa higpit ng hawak nya sa tali para di masaktan ay napatakbo rin sya hangang sa makabanga ang lalaking nagbibike papasok ng trabaho, siya si Terry.
At sa di sinasadyang panahon simula noon,.... akalaing si Terry ay mabighani at manligaw kay Carolina na minsan pa'y habang sa pangliligaw ay disinasadyang matamaan ng tabo sa noo si Terry, nang naglalabang galit na ate ni Carolina sa asawa nitong batugan... at sabihin sa dala nitong...
"Ano ito? (isang Litson Manok) ano ito suhol?mangliligaw ka lang may dala ka pa!... ang dapat na dalahin mo ay 'yung totoong sarili mo na may tapat at tunay na hangarin at pagmamahal, baka katulad karin ng asawa kong batugan....
(sabay palambing na bulong ng asawa "honey mahal naman kita pasensya na mailap lang talaga ang swerte ko sa trabaho eh"), sa una lang magaling"...
Sabay talikod at kinuha ang Manok.... pagkaalis ni Terry ay binanatan kainin agad-agad ang litson.
Isa pa rito nang minsang nilalabas ni Carolina si Terry na may uling sa mukha at syempre kilig moments ng pahiran ng panyo ang pisnging may uling, na ibig wari'y mapahiya ni Carolina... ngunit nilabanan nya dahil isa ito sa mga pagsubok ng binata, at ng minsang haranahin si Carolina kasama ang kaibigang banda ni Terry ay sinabayang sayawan ng asawa ng ate ni Carolina na nakainom , at ang huli ng dalawin siya ng ng binata ay sinadyang pabahuin sa amoy ng aso at di-imisin ang iilang dumi ng aso sa terrace kung saan tinatangap ang bisitang si Terry, ito ang mga paraan para sukatin ni Carolina ang pagkatao ni Terry sa ibat-ibang sitwastyon kung gaano siya magtitiyaga sa pang liligaw at sa kung ano ang mga nakikita ni Terry at paraan ni Carolina para maipakita ang pagiging totoo at pagtitiyaga kung sa kasabihan nga "worst thing for worst" at dapat makapasa si Terry .
Madalas dumalaw si Terry, ligaw probinsya kahit nasa Manila sila dahil sa hirap ng tubig hayan at pagdalhan nya ng isang tangkeng tubig at ipag-deliver ng gasul ang ate ni Carolina, hangang makuha niya ang loob ng ate nito at ipakilala sa nanay nila na si Ester na galing probinsya wala namang naging problema si aling Ester boto na rin siya kay Terry, ayon narin sa pagkakakilatis ng ate ni Carolina.
BINABASA MO ANG
My LuV Tsu Tsu
Romancekwentong aso na naging tao at na inlove kay Kaykay ang kanyang amo, paano nangyari ito? tungahyan sa bawat pahina...Maraming Salamat po! =)