Ang Ina ni Kaykay at pag laho ni Liwen

12 0 0
                                    

Lumipas ang buong maghapon hating gabi ng kanilang pagtulog ay sabay nanaginip ang dalawa, sa parehas na sitwasyon nakapaunta sila sa napagandang lugar kung saan nakarating na doon si Liwen samantalang nakita ni Kaykay ang kanyang ina  doon at siya'y niyakap ng mahigpit at binulungang mahal na mahal  siya ng ina, andoon din si Liwen na katabi ng kanyang ina at dalawng bata na nagbenta ng sampaguita at nagbigay ng aso sa kanya, nagising ng bigla si Kaykay na akala nya ay totoong buhay ang kanyang ina panaginip lang pala tanging mga alaalang larawan lang ng kanyang ina ang nakamulatan ng dalaga.

Tulog parin si Liwen kausap niya ang ina ni Kaykay at nakangiting nagpasalamat sa pagbabantay at pagbibigay proteksyon sa kanyang mahal na anak, ipinag tapat ni Liwen ang kanyang nararamdaman para sa dalagang anak nito, ngunit ito lang ang sinambit sa kanya ng ina ni kaykay "oo alam ko… sinabi na ng dalawang kerubin ang lahat, hayaan mo dadating din ang tamang panahon at muli kayong magkikita ni Kaykay".  Kinausap din ng dalawang kerubin si Liwen at sinabing bantayan mong mabuti ang mga malagintong rosas dahil doon nakasalalay ang itatagal mo sa mundo at mga misyon,…. at bigla na lamang siya nagising bakas sa mukha ang kalungkutang mawawalay siya sa babaeng iniibig,  dali-dali niyang pinuntahan ang kalagayan ng nasabing bulaklak maayos naman at bukadkad na naabutan din niyang pinagmamasdan ito ng dalaga.

            Nag-usap sila ni Kaykay at napagkwentuhan ang tungkol sa kanilang mga napa-naginipan pinagtapat ni Liwen na ang haba ng itatagal nya sa ibabaw ng mundo, ay nakasalalay sa malagintong bulaklak at muli siyang magiging aso at iiwan na ang katawan ng aso. Pinag tapat narin ni Liwen ang tunay niyang nararamdaman para sa dalaga, samantalang si Kaykay ay nagkwento na nakita niya ang kanyang ina at ang binata, sa kanyang panaginip sa ganung sitwasyon din kasama ang dalawang kerubin na nagbigay sa kanya ng aso,  sagot naman ni Liwen " ang iyong panaginip ay pawang totoo" , kaya iki-niwento na ng binata ang totoo sa kanya kung bakit sya narito sa lupa at doon ay naintindihan na ng dalaga ang lahat. Nalungkot at kailangan tangapin ng maluwag sa isip at puso ng kapwa binata't dalaga ang sitwasyon na hindi na sila magkakasama at kahit kapwa kung kailan naman na nahuhulog na ang loob ng dalaga sa binata ay bilang na pala ang ilalagi ni Liwen sa lupa. Sa isang banda, masaya parin naman si Kaykay dahil kahit sa ganoong sitwasyon nagkaroon siya ng makakasama na si Liwen. Masaya rin siyang  makausap, makita at mayakap ang kanyang mahal na ina kahit sa panaginip lang, na kahit minsan di niya naranasan simula bata pa siya.

            Lumipas ang mga araw at unti-unting natatangal ang mga petals ng bulaklak sinyales na malapit ng mawala si Liwen, naging masaya naman si Kaykay at lalo pa sila na naging malapit sa isat-isa ngunit may kakaibang napapansin ang dalaga kay Liwen, mabilis na itong makalimot at minsan ang pagkain ay inaamoy muna bago kainin, matagal na nginangata ang buto at minsan nga ay malambot na kinagat  pa siya na tila naglalambing na aso ang binata sa kamay ng dalaga,   kung minsan napa malik-mata ang dalaga na parang nag a-anyong aso na ang binata. ......................

Hangang isang umaga gumising siya, na katabi ang isang aso, tuluyan na naglaho ang katauhan ni  Liwen bilang tao.

My LuV Tsu TsuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon