Huminga ng malalim si Kaykay at kinausap ng walang patid ng dalaga ang binata kung paano siya nakapasok doon at kung ano ang ginawa niya sa dalaga sa aso nito at ang tanging sagot at reaction lang ng binata ay tila wala siyang maalala, wala siyang ginawa at gumising lamang siya mula sa pagkakatulog na ang alam nya ay doon sya nakatira at sadyang malapit siya sa dalaga wika sa kanya ng binata at pautal na sinabi “ahhaha.. ahh.. wala! Aaakong ginagawa…” (huhuni na parang asong nagmamakaawa sesenyas na pakaway na wala siyang ginawa) “ahaha… wala po! … ah aaano po ay “ hangang sa mawalan ng malay (hinimatay ang kawawang binata )
Dahan-dahan gumapang palapit ang dalaga upang mag usisa. Nag-isip muli ang dalaga kung ano ang dapat gawin habang nakahiga ang binata at walang malay, ay hinatak ang kumot na nasa sahig at dali-dali niyang tinakpan ng kumot ang hubat na katawan ng binata, inurirat niya ang mukha pinagmasdan, binusisi ang mukha at inamoy-amoy ng mapansin niya ang huling pinakain nya sa kanyang aso ay nakasiksik pa sa ngipin at bahid-nakadikit sa manipis na begote ng binata ang icing ng cake., kaya walang duda na ang aso ni Kaykay at ang binata sa loob ng kanyang kwarto ay iisa at sigurado siyang saradong sarado ang kanyang kuwarto bago siya nakatulog kaya walang ibang taong makakapasok doon dahil may auto security lock ang kanyang pinto na siya lang nakakaalam ng password beside nawawala din ang aso niya, kaya pala ng tawagin at isigaw niya ang pangalan ng aso habang tumitili at humingi ng saklolo sa kanyang aso ay si Liwen na tao ang lalong lumapit sa kanya..
Tumayo na ang dalaga hinandaan at tinabihan ng tshirt at short na mabibihisan sa oras na mahimasmasan. Bagamat lito at gulong- gulo ang dalaga sa gagawin at kung paano magpapaliwanag sa mga taong maka-kakita………sadyang naman na napaka inosente at ignorante, tila walang kamuang-muang ang binata kaya pinasya nyang kupkupin at ilihim muna ito at kilalanin maigi ang binata bago ipa-alam sa iba (besides mukha naman ngang harmless, bukod sa ito ay kababalaghan)
Isang araw ang lumipas at nasundan pa ng mga araw, naging maganda naman ang samahan nila ng binata unti-unti itong natototo sa gawain ng mga tao at siya ang nagsilbing alalay at katuwang sa gawaing condo ni Kaykay at maging sa gawaing school , bagamat minsan ay may ugali at kilos na di maitatago ang pagiging dating aso.
BINABASA MO ANG
My LuV Tsu Tsu
Romancekwentong aso na naging tao at na inlove kay Kaykay ang kanyang amo, paano nangyari ito? tungahyan sa bawat pahina...Maraming Salamat po! =)