Sa condo maya maya ay nagpakita ang dalawang bata kay Liwen na kinagulat niya at siya ay kinamusta nito, pumitik ng dalwang beses ang bata at nagbago ang paligid ng condo at napunta sila sa isang napakagandang lugar sabay sabi ng mga bata "naalala mo ba ang lugar ito?" ...... mabilis na nanumbalik ang lahat ng kanyang ala-ala at kung paano siya napadpad sa lupa at naging aso tila isang widescreen sa isip niya, na nakita niya ang lahat, ito pala ay nagumpisa sa pakiusap ng isang ina sa keeperman na bumababa muli ng lupa subalit siya ay di na pwedi dahil di naman siya bagong akyat di tulad ni Liwen na bago palang kaya si Lewin ang pinababa sa lupa para maging asong tagabantay ng anak niyang nangungulila sa ina at makakasama ngunit mapagbiro itong dalawang kerubin kaya naman nag-umpisa magkagusto, ma inlove si Liwen sa binabantayan niyang dalaga. Isang tinig..., hinanap at tinawag na ng keeperman ang kerubin kaya dalidaling naglaho ang mga ito at bumalik na sa dating anyo ang condo. Alam na ni Liwen ang lahat ....dahil sa may pagtingin na siya sa dalaga, hindi na niya sinayang ang mga panahon na lalo pang mapalapit sa dalaga at mai-express ang sarili..
Sa school, pagkatapos ng klase at matapos dalawin ang puntod ng kanyang ina sa Paco park ay kinita niya ang kanyang mga kaibigan at ipinag tapat ang ginawang pangloloko ni Darylle na totoong double timer ito, ang sinagot niyang si Darylle ay ka-relasyon narin pala ni Sara (aba! double timer ang gusto! ng ma-chicks na si Darylle..., na game naman itong si Sarah), kaya simula noon ay di na pinansin at kinausap ni Kaykay si Darylle kahit ito ay masakit, sa halip ay tinuon at ginawa niyang busy ang sarili sa pag-aaral, acivities sa school, mga kaibigan at pagtuturo kay Liwen.
Lumipas ang maraming araw, at di namamalayan mukha na ngang na i-inlove si Kaykay sa binatang si Liwen ganun din ang binata sa kanya kaya masayang pumapasok sa school at umuuwi ng condo si Kaykay dahil may lihim na inspiration na siya, marami silang kilig moments ni Liwen kahit di pa sila masasabing mag-on ngunit sa mga galaw, kilos at pananalita nila ay may pagkakaintindihan na sila, sa condo sweet na sweet sa isat isa, mapagmalasakit, maasikaso at malambing si Liwen, at i-pinaghahain ng candle lights dinner ang dalaga, matiyagang nagaabang si liwen sa pag uwi ng dalaga, at isang gabing maulan, ng sinundo at sinalubong niya si Kaykay dahil sa baha isinampa niya sa kanyang likuran si Kaykay para di mabasa ang pagod nitong mga paa, at naipagtangol narin niya si Kaykay sa nangungulit na si Darylle, na gustong makipagayos.
Malaki ang respeto at paggalang ni Liwen sa dalaga dahil totoong iniibig nya ito. Tuwing linggo ay niyaya niyang magsimba si Kaykay at dalawin ang puntod ng kanyang ina at madalas din silang dumaan sa Luneta park bago umuwi nai-kwento na nga ni Kaykay kung paano siya napunta sa kanya. Ngunit tikom parin ang bibig ni Liwen na alam na niya ang lahat, at kung paano nag umpisa ang lahat.
BINABASA MO ANG
My LuV Tsu Tsu
Romantizmkwentong aso na naging tao at na inlove kay Kaykay ang kanyang amo, paano nangyari ito? tungahyan sa bawat pahina...Maraming Salamat po! =)