Ang Aso at ang Debu

18 0 0
                                    

Maraming nagdaan sa buhay studyante ni Kaykay at ng mga kaibigan niya andiyan na magkaproblema siya kay Miss Juliet dahil  hindi sa kanya ito bilib pero syempre di naman siya pinabayaan maipagtangol nina Sir Roberto at ang kanyang mababait na kaibigan ay nakakaraos naman si Kaykay sa araw araw na pagkukutya, pang aapi, at pag bibigay pa-asa ng crush nya, at ng mga naiingit  na taong nasa paligid niya, tulad ng pasimunong si Sarah at kaibigan nito, ganun din pati na si Darylle na crush niya ...(hay naku kawawa naman si Kaykay)

            Sa araw-araw..... bukod sa mga kaibigan na busy sa pagaaral,  ay tanging ang kanyang alagang aso ang kanyang karamay, kapiling at napagbubugtungan kausapin sa oras ng kanyang kalungkutan at pag-iisa, tulad na lang ng miss na miss niyang ina , kilig moments sa crush, achievements sa school, at ganun din sa mga taong nagbibigay ng kalungkutan sa kanya at kasayahan sa buhay ay ang tanging alagang aso ang nagpapaibsan ng kanyang mga nararamdaman ika nga "dog mans bestfriend" kapag tumunog na bell ang elivator kahit di pa nakakapasok si Kaykay ng kanyang kwarto ay dinig nya na ang kahol ng kanyang aso na tila sinsalubong sya nito at miss na miss, at syempre para kumain. Minsan nga sa sobrang pagod ni Kaykay ay aso nya na ang nagliligpit ng kanyang bag, sapatos at libro,  matalino talaga ang aso at parang tao rin. kung nakikita nya na may hinaharap na problema si Kaykay ay nalulungkot din ang aso, kaya para sumaya binibigyan siya ng masasayang trick dog ng kanyang aso at Hangang nung minsan nga ng pinasyal  niya ang kanyang aso matapos bumisita sa puntod ng kanyang ina sa Paco park, at ng bumili sa isang convenient store ng makakain, ay may masamang lalaki ang nagtangka na kunin ang kanyang bag dali-dali naman sinungaban at kinahulan ang masamang lalaki kaya sa takot na makagat ng aso ay dali-daling rin kumaripas ng takbo ang lalaki.

            Sumapit na ang kanyang ika 18 taon edad ginanap ito sa Manila Hotel treat ng kanyang tatay at tita, bongang bongang party ni Kaykay invited ang lahat pati frienimies niya..... at syempre siya ang bida ng mga araw na iyon, bongang bongang make over ay napanganga sila sa ganda ng kanyang mukha at kasuotan bitbit niya ang kanyang mahal na aso habang rumarampa  patungo sa kanyang malaking cake. Sinalubong siya ng kanyang tatay, tita at Lola Ester at syempre di naman papahuli ang malalapit na kaibigan ni Kaykay  sa pormahan kaya patalbugan at katakot-takot na pormahan ang nangyari, syempre nandoon din si Sir Roberto at Miss Juliet na kitang kita na nangungulit kay Miss Juliet kahit  i-ritable ito na pakipot....syempre si Sarah andoon din kasama ng kaibigan nya para mamintas, at si Darylle ang crush ng lahat hay!.. naku... gwapong gwapo at cute na cute sa ayos na buhok at suits na suot. Kaya naman nang isayaw siya ni Darylle na pang ika- 17 flowers ay di mapigilan ni Kaykay kiligin ng husto. Si Darylle naman ay tila humanga narin todo kay Kaykay....kaya naman nag ngingitngit sa ingit si Sara, ang dating naudlot ligawan ni Darylle. (hay pag-ibig nga naman). Sumapit na ang i-pang 18 na rosas ay tatay naman ni Kaykay ang sumayaw sa kanya, at habang isinasayaw siya ng kanyang ama ay sulyap-mata niyang natanaw ang dalawang bata na nakabihis pang kupido na tila kumaway ito sa kanya at sila’y biglang naglaho dali-dali nyang hinanap ang dalawang bata pag katapos ng sayaw,  pero hindi na niya nakita, rosas na may malagintong kulay  na lang ang kanyang nabutan na ipinangkaway ng dalawang bata,  dinampot nya ito, at naalala niya ang iniwang mensahe ng 2 bata na pag sapit niya ng edad na 18 ay muli syang pumunta sa unang lugar na nakita niya ang kanyang aso at dalhin doon,  kaya pag katapos ng okasyon ay nag paalam, nagpahatid sa asawa  ng kanyang ate na may  sarili ng pang pasaherong taxi, nagmadali si Kakay na tumungo upang dalhin doon ang kanyang aso.

My LuV Tsu TsuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon