Syempre tuloy parin ang ikot ng mundo …hangang ilang lingo ang lumipas nabatid ni Kaykay na ito palang si Darylle ay na-aakit ng tuluyan ni Sarah, nag patukso na itong si Darylle dahilang lahat ay ginawa ni Sarah para mapansin siyang muli ni Darylle at siya ay muling ligawan nagselos naman to the max itong si Kaykay dahil officially on na sila heto at nagpacute na din itong si Darylle kay Sarah hangang makita niya na sweet na sweet at magka holding hands ang dalawa sa canteen ng school. ( effective ang pangaakit ni Sarah hayss).
Umiiyak at malungkot na umuwi si Kaykay sa condo kahit hindi umiinom, bumili at inilabas sa supot ang anim na can ng serbesa, at crackers na paborito niya at tinawag si Liwen " halika Lewin samahan mo nga ako inom tayo ng beer di mo pa ito natititkman eh", (…teka-tekat aba ‘tong si Kaykay tuturuan pang uminom ang inosenteng si Liwen..) At hayan na nga uminum sila at naglabas ng sama ng loob si Kaykay sa binatang si Liwen. Naawa siya sa umiiyak na dalaga tinabihan nya ito at hinawakan sa kamay sabay niyakap at tinapik ang balikat sabay sabi " tahan na andito naman ako huwag kana umiyak" sabay haplos sa buhok at sa mukhang may luha, inihiga niya ang ulo ng dalaga sa balikat.
Kinabukasan unang nagising si Kaykay at nadatnan niya na magkatabi pala silang nakatulog sa sahig, magkatapat ang mga mukha, habang tulog ang binata... napag masdan ni Kaykay ang maamong mukha ni Liwen na tila parang mababaling ang pagtingin niya dito pero sabi nya "Hays! Buti pa itong aso na naging tao matino ahhhhhhhhhays!... di ako maari magkagusto sa dating aso", mayamaya habang tinitigan nya ang binata ay nagising naman ito, at nagulat dahil magkatabi silang dalawa habang tinititigan siya ng dalagang si Kaykay, nagkahiyaan at sabay nagkatalikuran.
Nauna at mabilis na tumayo si Liwen para tulungan mag handa sa school si Kaykay, parehas silang speechless sa isat-isa at tila kapwa may iniisip at isip lang nila ang naguusap at nag-kakaintindihan, gumagawa silang parehas ngunit patuloy na tahimik ang bawat isa hangang sa nakapasok na sa school si Kaykay.

BINABASA MO ANG
My LuV Tsu Tsu
Romancekwentong aso na naging tao at na inlove kay Kaykay ang kanyang amo, paano nangyari ito? tungahyan sa bawat pahina...Maraming Salamat po! =)