Chapter 4

2.3K 40 1
                                    

Chapter 4

Retoke

Pinagmasdan ko ang card na binigay sakin ni Claudine last last week pa. Parlor ata 'to. Bianca's Beauty and Care ang card, sabi nya maganda daw dun at pwede kong i-try anytime. Grabe ang mga pinsan ko 'nu? Well, si Claudine ay isa sa mga pinsan mo sa model Abroad.

Date me. Watdapak? Anong sabi ng Date ni Benjamin Monteverde? ERM! Can't sleep, insomia ba'to? Imposible! Never akong nagka-ganun. As in never, kasi 8-9 ang sleeping time ko. Tapos ngayon, 11 na, hindi padin ako antok. Aish, pimples! Get lost.

Pagsapit ng umaga, nagbihis na ako ng civillian. Lalabas ako, pero hindi ako sasama kay Benjamin. Mag so-solo ako, siguro mag papadrop nalang ako somewhere. I-ta-try ko yung BB&C na card na binigay ni Clau, hep! Ita-try lang, okay?

Paglabas ko nang kwarto ay nakita ko na kaagad si Benj sa sala, ang kalat! Daming beer in can, plus mga sitsirya. Saan naman nya kinuha ang mga 'yun e hindi naman ako nag i-stock ng ganung mga pagkain? Langya!

"HOY!" sigaw ko agad sa kanya. Tumayo sya at pinasadahan ang buhok nya gamit ang palad nya. Nakabihis na pala? Tss.

"Bakit ka naman biglang nasigaw jan?" naiinis na sabi nya at nihead to foot ako. "Tsk, mukha kang manang!" aniya kaya napantig ang tenga ko. Fine, I admit, mukha akong manang, sa hindi naman ako conscious sa mukha ko!

"Alam ko!" irap ko saka humalukipkip. "I drop mo nalang ako somewhere, pasok ka sa school. Nakakahiya naman pag may nakakitang kasama mo'ko." sabi ko at inayos ang mga irap nya.

"Aalis ka na mamayang gabi diba?" tanong ko sa kanya. Tumango sya at ngumisi.

"Pero hindi ako titigil sayo, kita mo yung Unit ko? Hmm, tabi lang tayo, at alam ko ang passcode mo." nakangising aniya kaya nanlaki ang mga mata ko. What the?!

"Ang galing mo talagang unggoy ka! Halikana nga nang mawala ka na sa buhay ko!" sabi ko at naglakad palayo sa kanya. Sumunod naman sya at lumabas na kami. Sinabi ko sa kanya yung address, glad to know madali naming nakita dahil hindi naman tago.

Ngumisi sya nang nabasa nya ang plaka na nasa BB&C.

"Anong gagawin mo jan?" aniya nang nasa sasakyan palang ako. Sasakyan nya ang ginamit namin.

"Magpapa retoke." I said sarcastically. Tumikhim naman ang labi nya saka ngumisi ulit.

"Talaga?" excited na aniya, na para bang gusto nyang gumanda ako. UGH!

"Tanga lang? Parlor! Malamang magpapa-ayos nang buhok ganun ganyan!" I snapped. He shrugged.

"Sige na! Dyan ka na." aniya kaya lumabas na ako. Mabuti nga para hindi ko na sya makita buong araw.

Pumasok ako sa Salon ,medyo shy-type, mabuti nalang at private na private ang isang 'to. Maaga pa naman kaya ako palang ang customer. May sumalubong sakin at ngumiti. Hinead to foot nya ako at nginisian.

"Anything?" aniya. Tumikhim agad ang labi ko. Grabe ka Claudine!

"Ahmm, kilala ko si Claudine—" pinutol nya agad ang sasabihin ko.

"Oh my God, if I'm not mistaken you are Sophia Cuanco? Sabi ni Miss Claudine ipa-close namin ang parlor sakaling pumunta ka!" aniya saka tumili.

"You know malakas si Ms.Clau samin kasi special sya dito...kaya pag humiling sya ay pinagbibigyan agad namin!" aniya at pumitik. Ni-close agad nang guard sa labas ang parlor. WOW?

"Teka, pano ba'to?" aniya at hinawakan ang buhok ko.

"Gusto mo make over to the highest level na? We can call the derma, optometrist, and the dentist here!" pahayag nya. Umiling agad ako.

"Hair muna, uhm, calling card nalang ng mga derma and such? Ako nalang ang pupunta pag may time. Dadahan-dahanin ko talaga dapat." sabi ko at ngumiti. Tumango naman sya at pinaupo ako sa isang upuan at hinarap ako sa salamin.

"You can consult here Dear, may mga ganung doctor ang BB&C, so if you wanna take to the next level, pumunta ka lang dito. Akong bahala sayo, anyway, I'm Honey." aniya at kinindatan ako. Ngumiti ako, kilala naman na nya ako so no need to introduce my self, no?

"Paano ba 'to? Hmm. Dahil medyo kulot ang buhok mo at mabuhaghag. Lets do this in the simplest way!" ngumisi sya. Napalunok naman ako. What to do? I admit medyo kinakabahan ako kasi first time ko sa parlor! Shucks, in my 19 years living in the world? Ngayon lang talaga!

---

Nalaglag ang panga ko nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin. WTF? Ang ganda ko! Okay, no joke, kahit may kaunting pimples pa ako, nag bago talaga!

Yung kulot at mabuhaghag kong buhok, naging straight at medyo curl sa baba. Ngayon ko lang napansin na mahaba na pala ang buhok ko? Hangang bewang na. And then, may kulay na chocolate brown (sa baba lang ang kulay. Itim sa taas). Yung bangs ko na perfect cut at linagyan nila nang extension tapos ginawang side bangs! What else? Wala na din akong split ends!

Hinawakan ko ang kilay ko na linagyan nila nang cream. Ahh! Kasi pulang-pula kanina pagkatapos bunutan nila Honey. Sinabi kong shave nalang pero sabi nya madali daw tutubo,  kaya ang ginawa ang permanent make-up!

Gagalawin sana nila ang pilik mata ko pero sabi nya, yung optometrist na daw ang bahala sa next step!

Pinapula din nila ang lips ko, pula.. Huhu, dapat pink nalang kako pero hindi daw babagay sa skin tone ko. Sabi nila hindi pa daw ayos ang ngipin ko kaya stay with the brace pero papalitan ko daw nang kulay red.

"Bongga! Kunting push nalang girl, magiging Jimenez ka na!" ani ng isa sa mga bading na nag ayos sakin, which is Ricky, kaya nagulat ako. Ngumisi naman sya.

"Ano ba, kami yung mapag kakatiwalaang tao. We know you. Kaya nga malapit ang loob namin sayo, we know that your a Jimenez, nasa dugo mo naman ang kagandahan! Its just that you dont know how to dress yourself up." madramang aniya. Napasinghap naman ako.

"May pag-asa ka girl. Nananalay-tay sa katauhan mo ang dugo nang Jimenez, hands up and show them." bineso ako ni Honey. "So, kailan ka ulit pupunta?" aniya.

"Bibili muna ako nang dress. I'll call you," sabi ko. May inabot syang calling card sakin kaya tinignan ko agad.

Bianca's Fashion Center

May ganon? "Ang dami namang branch ng Bianca's." Ani ko. Humalakhak si Ricky.

"Ganun talaga. Business e." aniya at bumeso na rin.

"See you girl." sabay na sabi nila nang naglakad na ako palabas ng salon.

What a day!

Art of SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon