Chapter 19

1.8K 37 0
                                    

Chapter 19

Troy Derick Monteverde

One week had past! Ang daming nangyari. First, dumistansya si Benj pero okay na kami ngayon. Second: balik sya sa manwhore mood kaya hindi na ako na we-weird'an. Third: maganda ang pakikitungo ng mga co-interns ko sa Monteverde Roses. Fourth: hindi na ako kinakausap nong babae na nagsabing gusto akong ikama ni Benj.

Fifth: ang pinaka gusto kong nangyari sa nagdaang araw. Laughs! Naging close kami ni Troy, wala nang ‘Sir’ sya na mismo ang nagsabi sakin. Hmm– paano ba kami naging close?  Wala naman, sinasabayan nya lang ako minsan sa Lunch at break dito sa M.Roses.

Pero wala pa yung go signal...kaya eto ako ngayon, nag mu-mukmuk sa Unit ni Benj, hinihintay ko sya. Pareho kasi kami nang passcode, aniya'y pag nakalimutan nya raw ay madali nya lang matatanong sakin.

Naka patong ang dalawang paa ko sa arm rest ng sofa habang naka higa...nang marinig ko ang door chime sa pintuan nang Unit ni Benj kaya naman tumagilid ako at nakita kong papasok sya... kasama ang isang babae na naman at mukhang bago.

Madami na din akong nakilala na mga babae ni Benj, pero hindi na nauulit ang pagkikita namin ng mga yun kasi hindi naman stick to one si Benj, iba-iba naman kasi ang mga babae nya.

"Oh?" salubong sakin ni Benj at binitiwan ang babaeng kaakbay nya. Tinanguan ko sya at sinulyapan ang babae. Hindi ko na kailangan magsalita para malaman nya kung ano ang tinatanong ng mga mata ko. "She's Diana." aniya saka nakipag beso-beso sakin habang ako ay nakahiga. Right.

"Ginagawa mo dito?" aniya matapos paupuin si Diana sa isa sa mga sofa nya.

"Hindi mo manlang ba sya papaalisin?" takang tanong ko. Nagulat naman si Diana, samantalang ngumiwi naman si Benj. "Okay, wag nalang. I'll take this easy." sabi ko at umupo nang maayos saka nangalumbaba.

"Tulungan mo'ko kay Troy, Benj, and I'll date you." kinindatan ko sya. Mas lalong nagulat yung Diana. Benjamin smirked at me.

"Tingin mo gagawin ko yun?" he challenged me. Humalukipkip ako.

"Oo naman. Bakit hindi mo gagawin?" naiinis na pahayag ko.

"Date is too cheap Sophia..." ngumisi sya. "Nakita ko sa Schedule mong pupunta ka sa Zambales next week or should I say on Monday, for your family whatever?" napa ngiwi ako sa sinabi nya. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan yun.

Argh! He want me to invite him there, that simple. Yan kasi, masyadong free ang cellphone ko kaya madami syang napapaki alaman.

And yes, remember my Dad? tumawag sya sakin noon diba, at sabi nya itetxt nya sakin kung kailan ang schedule nang gagawin nyang ‘ipapakila’ nya ako sa whatever-that-is.

"Fine. Isasama kita 'don. Just help me with your cousin." inirapan ko sya at saka tumayo na pero hinuli na naman nya ang bewang ko. Gosh, buti nalang nasanay na ako sa pahawak-hawak nya.

"Nag ask ka na ba ng leave?" tanong nya. Tinanguan ko sya. "I didn't receive any reports." aniya. Ibang klase.

"Baka naman kasi hindi mo binibigyan nang oras ang trabaho mo as Acting CEO sa M.Roses, Sir?" naiinis na sabi ko. Humalakhak sya at hinalikan ako sa pisngi.

"Punta ka dito mamayang gabi." aniya bago pakawalan ang bewang ko. Nginisian ko lang sya at sinulyapan si Diana na ngayon ay pulang-pula na.

Siguro out of 20 na babaeng napakilala sakin ni Benj, mabuti na yung may tatlong hindi nagseselos sakin– kulang na nga lang e sabunutan nila ako, pero syempre hindi nila gagawin yun.

Tumango ako kay Benj bago lumabas sa Unit nya naglakad papunta sa Unit ko– sakto namang may nakatayo doon. Si Troy.

"Uy." agad na sabi ko nang makalapit ako sa kanya. Nalaman kong 3 years ahead lang sya sakin pero ang dami na nyang achievememts! Hmm. Amazing, right?

"Uhmm. Hello, san ka nangaling?" tanong nya at hinarap ako.

"Dyan kay Benj, ginagawa mo dito?" tanong ko at binuksan ang Unit ko, pinapasok ko sya at pinaupo sa couch. Napansin kong medyo basa ang kulay blue'ng polo nya pati na rin ang buhok nya.

"Naabutan ka nang ulan?" tanong ko pagkatapos sumilip sa sliding door na papunta sa balcony. Malakas na ang ulan. Kanina ambon lang yan... kawawa naman si Troy.

"Oo e, na istorbo ba kita?" inabutan ko sya nang towel tsaka umupo sa kaharap na sofa.

"Hindi naman.. wait, ikukuha kita nang kape.." hindi ko na sya hinayaang magsalita. Pumunta na ako sa kusina at dali-daling nagtimpla nang kape..

Si Troy Derick Monteverde ay kabaliktaran ni Benj Monteverde. Nasabi ni Troy sakin na hindi sila close ni Benj because of their opposite atittudes. There's a part of me na gusto ang ugali ni Benj while the other part hates him...bigtime.

While the ¾ of my heart is already owned by Troy Monteverde. Oh diba? Ang landi ko lang— wait, ¾ lang naman yun! I hindi ko pa sya love, at si Benj mismo ang nagsabi nun. Its only one week simula nung magkakilala kami kaya imposible daw noong sinabi ko sa kanya yun...so, I just kinda like Troy.

Hindi ko alam ang pagkakaiba nang like sa love, while Benj, I think, is expert on it. Pero somehow, pumapasok minsan sa isip ko na paano nya mapag kokompara yun? E hindi pa naman sya na attach or...hindi pa naman sya nagkaroon nang kahit anong commitment with girls. He's just flirting at nag papatianod lang sa mangyayari sa paligid.

"Hmm. You can stay," nginitian ko si Troy– mag sasalita na sana sya pero biglang tumunog ang door chime nang unit ko kaya parehas kaming napatingin doon.

At nakita ko kaagad si Benj na naka house shorts at plain white sando. Masasabi ko ring 'tambayan' na ni Benj ang unit ko dahil halos dito na sya kumain, matulog at kung ano-ano pa. Forbidden nga lang ang mga girls nya dito.

"Heyya— Troy?" biglang napalitan nang pagtataka ang mukha ni Benj nang makita si Troy na naka upo sa couch.

"Jusr dropped by...malakas ulan e." agad na katwiran ni Troy. Humalakhak lang si Benj at tsaka ngumisi.

"Dropped by sa Unit ng girlfriend ko?" mapang-asar na ani Benj. Napangiwi nalang ako.

"She's not your girlfriend Benj." mas lalong ngumisi si Benjamin.

"Sino ka ba para mag sabi nang ganyan?" ani Benj at humalakhak ulit. Bago pa sumagot si Troy ay sumabad na ako sa usapan nang mag-pinsan.

"Benj you hungry? Halikana...get some sausage," tinignan ko si Troy.  "I'll cook soup, would you mind?"

"Thanks." ani Troy at ngumiti. Tumango naman ako at hinila na si Benj papunta sa Kitchen.

Basta sila ang magharap ay palaginh may gyera sa pagitan nang mga titig nila sa isa't-isa. Guys will always be guys.

Art of SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon