Chapter 21

1.6K 32 0
                                    

Chapter 21

Hey Babe

"Tala..." nasapo ko ang noo ko dahil pang pitong beses nang sinabi iyon ni Josh, pati si Yesha at Clau ay naiinis na sa kanila, si Clark naman ay mukhang loading padin ang isip nya tungkol sa nangyari..

Si Benj ay nawala na sa paningin namin dahil kailangan daw namin nang privacy and so he is.

"How bout that Business Tycon yet Cassanova Benj Monteverde? Mag ka ano-ano kayo?" tanong ni Yesha sakin habang naka upo kami sa lounge dito sa gilid nang pool.

"Bestfriends." sagot ko pero tinaasan nya lang ako ng kilay *>>_<<* ARGH! Humalakhak naman si Claudine at tinapik sa balikat si Yes.

"Hey Cuzzo, you wouldn't believe this pero one time na tumawag ako via Skype kay Tala, 5AM in the morning, ay nasa Unit nya si Benj, he slept there!" anunsyo ni Clau kaya pumula agad ang pisngi ko. Naman Claudine!

"Oh Tala— Elijah will be mad 'bout this, Silver too!" ani Yes kaya napasinghap ako.

Si Elijah Jimenez ay isa sa mga kinaiinisan kong tao, sunod sya kay Benj. Ugh. He's one of my cousins, a playboy and cassanova like Benj too. Sa lahat nang babae saming magpipinsan ay ako palagi ang pinapaki alaman nya.

While Kayzer Silver Jimenez is my not-so-nice brother. Yeah right, I lied, may kapatid ako, but we dont treat each other like brother and sister kasi masungit sya, at bipolar, like the other half of Benj. Sya ang pang sampu sa Jimenez' Cousin.

Now I know kung bat madali akong na attach kay Benj.

"Lalo nat naglihim ka 'bout your look." umiling si Clark at tumabi sakin saka ako niyakap patalikod. He's one of my sweetest cousin... Si Josh naman ay medyo suplado, while Jiro, yung pinaka bata which is 17 ay sweet din sa akin.. Ewan ko ba sa kanila.

"Hindi ko pa naman talaga balak sabihin sa inyo 'to.. Umeksena lang kasi si Clau." ngumuso ako at pinaglaruan ang kamay ni Clark na naka pulupot sa bewang ko.

"But you look great! Dapat i-ne-expose mo na yan!" ani Yesha. Umiling ako.

"I'm still a Cuanco, y'know?" I chuckled fakely.

"Bitter ka padin kay Tito Kris?" ani Josh. Umiling ulit ako.

"He told me ipapakilala nya daw ako dito.. I felt sorry about it kasi parang napipilitan lang sya." yumuko ako.

"But he'll be great if he'll see your face! You've changed!" irap ni Claudine.

"Ayoko namang magustuhan nya ako dahil lang binago ko ang sarili ko." ani ko at pinaglaruan muli ang kamay ni Clark.

"Gosh... were in the same boat Cuzzo.. Like it or not, mukha talaga ang batayan nang mga parents natin.. They will never love us from who we really are, that is showbiz and that is our problems." ani Claudine. Sinang-ayonan iyon ni Yesha.

Right.. lahat ata nang angkan nang Jimenez ay mukha ang batayan kasi lahat ay pumapasok sa Showbiz.. Ang isa sa mga dahilan kong bakit ako ginawang Cuanco ni Papa ay dahil sinabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko about our family relationship.

Natigil ang pag e-emote namin doon dahil biglang may pumasok sa Resort na over speeding na dalawang Bugatti Veyron na kulay black at blue.. mas nauna ang kulay itim. Ginawang racing field ang field nang resort, ibang klase ang trip.

Bumitiw si Clark mula sa pagkayakap sakin at natuon din ang pansin nya sa kadarating lang na Sasakyan.

"Tss. Ang yabang." ani Clark, umismid naman si Josh na para bang naiinis.

"Guess who?" ani Yes at saka ngumisi. Tumaas naman ang kilay ni Clau.

Pinagmasdan ko ang dalawang pigura nang lalake na sabay lumabas sa dalawang sports car habang nagtatawanan. Nakakarinig din ako ng ilang mura galing sa kanila.

Elijah and Silver, my ever loving brother.

"See Tala?" ani Clau at ngumisi. Sanay na ako sa mga stunt na ganyan ni Silver at Elijah, I know they kept on competing with those simple things. Pati mga babae ay pinag aawayan nila. Tsk! Parang si Benj lang talaga ang ugali nang dalawang 'to.

Lumapit sa kinaroroonan namin ang dalawang lalake habang nag tatawanan. Bumati sila ngunit hindi sila pinansin nino man. Kaya naman—

"Who's the chic, Clau?" ani Elijah habang nakangisi sakin. UGH! Gusto ko syang sapakin nang hangang sa mabungi sya! Nakakainis padin ang ngisi nya.

"Chic your face. You don't know what your talking about, ass." mataray na sabi ni Clau. Humalakhak lang si Elijah, ngumisi naman si Silver.

"What's your name, Miss?" malanding ani Silver. GOD! I'm your sister asshead.

"Why do you wanna know?" napataas ang isang kilay ni Elijah dahil sa sinabi ko.

"Your voice is familiar... pero napaka imposible." aniya at pinagmasdan ang mukha ko. Arogante!

"Tss." ismid ni Clark sa kanilang dalawa.

"Hey, you close with the Chic? what's her name?" tanong ni Elijah kay Clark pero umirap lang sya. My cousins are bipolars, and it's a fact.

"Hey Babe!" nakuha nang boses na yun ang atensyon naming lahat.

Lumapit sya samin at saka naglahad nang kamay sa kin. Tinignan ko si Yes at Clau, naka ngisi lang sila. ARGHness! Inabot ko ang kamay ni Benj kaya naman itinayo nya ako at hinawakan sa bewang.

"I know you.." ani Elijah habang nakatingin kay Benj. Humalakhak si Benj saka ngumisi. That damn laugh!

"Of course you do Elijah, I'm Benj , remember? Your bigest rival in Basketball when we were in High School." ani Benj at naglahad nang kamay pero hindi 'yun tinangap ni Elijah kay napasinghap ako... unti unti namang nagkibit balikat si Benj.

"Elijah.. bakit hindi mo tinangap?" nakuha ko ang atensyon ni Elijah at Silver dahil sa sinabi ko.

"Why do you know me?" takang tanong ni Elijah kaya napairap ako.

"He mentioned you.." turo ko kay Benj. Nginisan lang ako ni Benj at hinigpitan ang hawak sa bewang ko.

"Of course my girlfriend know you Elijah.   She's your cousin, remember?" nakangising ani Benj kaya napangiwi ako. UGH!

Tumayo si Yes at Clau mula sa pagkakaupo, pati na rin si Clark.

"Cousin? Shes not familiar." ani Silver. Huminga ako nang malalim at nginitian silang pareho.

"Krystal Sophia Cuanco." at naglahad ako nang kamay.

Halos lumuwal ang mata ni Silver at Elijah pagkatapos kong sabihin yun.

"Shツt." says Silver.

"What the fツcking hell?" says Elijah.

Madami pa akong narinig na mura mula sa kanila bago nila ako yakapin. Todo irap naman ni Benj.

UGH!! What a day!

Art of SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon