Chapter 11

1.7K 36 0
                                    

Chapter 11

Smile

Nagluto ako nang adobo for dinner. Nag tataka kayo bat hindi ako kumakain ng gulay? Kumakain naman, hindi nga lang lahat nang klase nang gulay. Pili lang. Ang pinaka ayoko ay yung ampalaya, tapos ang pinaka gusto ko at yung para sa chopsauy.

Nasa kalagitnaan ako nang pag kain nang biglang nag ring ang cellphone ko kaya agad kong sinagot yun..

"Hello?" bati ko sa kabilang linya. Linoudspeaker ko, hindi ko tinignan yung caller ID. Ampness.

"How are you?" napasinghap agad ako nang marinig ko ang boses. Tumingin ako sa screen at nakita ko na si Papa pala ang tumawag. Hindi ko sila tinatawag ng Mommy at Daddy. Papa at Mama lang.

"O-Okay lang po...Kayo?" nanginig agad ang boses ko. Gusto kong umiyak dahil naaalala parin nila ako, pero masyado namang mababaw yun.

"Fine. How's your studies?" tanong nya. Tumigil ako sa pagsubo at nag isip.

"Hindi ako cinonsider sa J-Jimenez' Grill, Pa." sabi ko.

"Pumunta ka sa Zambales ,I'll tell you the date, pag sigurado na...I'll— Ipapakilala kita." mukhang labag sa kalooban nya yoong sinabi nya kaya nalungkot ako bigla.. Hindi ako tanggap nang sarili kong mga magulang.

"N-No need Pa. I'm fine with my life, o-okay lang na hindi ako maging Jimenez..." sabi ko at saka suminghap. Nag pigil ako nang luha.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa Screen nang cellphone ko.. Hindi pa pala nila alam ang ginawa ko,

"Hindi. Nag usap na kami ng Mommy mo." aniya at bumuntong hininga. Tumunog ang wooden curtain sa kusina kaya napatingin agad ako dun at nag hand gesture na tumahimik sya nang akmang magsasalita na.

"Just text me t-then." pigil ang emosyon na sabi ko kay Papa.

"Okay, take care, Sophia." sabi nya at binaba na ang tawag. Napabuntong hininga naman ako at saka sinulyapan si Benj na nasa Fridge ngayon, nag hahanap nang makakain. At ang napagdiskitahan nya at yung sausage.

Ayun, binuksan nya ang de lata at pinapak sa harap ko habang kumakain ako nang adobo at half-cup na rice. Infairness, na concious ako sa shape ko ngayon kasi naka fitted dress ako na kulay red na tube... cocktail sya.

"Daddy mo?" tanong nya matapos kainin ang pangalawang sausage. Lakas maka feel at home.

"Oo..." sagot ko. Ngumisi naman sya,

"Bakit parang hindi kayo magkasundo?" aniya at saka tinaasan ako ng kilay.

"Hindi kami magkasundo dahil... ayaw nya sakin, Cuanco nga ang gamit ko diba? If he's proud that I am her daughter, Jimenez sana ang gamit ko ngayon, no matter what my face is." mahabang paliwanag ko. Tumunganga sya at uminom nang tubig saka kumain ulit, ibang klase. Ang yaman nang isang 'to, may restaurant pa sila pero gustong-gusto nya ang de lata.

"Pano pag nakita ka nila ulit?" suminghap ako sa tanong nya.

"Matatanggap na nila ako kasi hindi na ako kahihiyan sa pamilya nya." umiwas ako nang tingin dahil uminit ang mga mata ko. My gosh! Wag ka ngang umiyak Sophia!

"Ganun ba dapat yun? Teka– di hamak naman na ikaw ang pinaka maganda sa mga Jimenez." papuri nya kaya inirapan ko nalang sya.

"Hindi naman nila alam na nagbago na ang mukha ko. Ang alam nila, ako padin yung parang manang na magbihis at pangit." sabi ko at saka tumayo.

"E pano yan? Baka hindi ka na nila makilala." tumawa sya at linagay sa trash can ang lata nang sausage na kinain nya.

"Kaya nga..." sabi ko at naghugas nang pinag kainan ko. Ngumuso ako at sumimangot pagkatapos.

"Ganyan ang suot mo papuntang Club 9?" tanong nya. Tumango ako at naglakad papunta sa sala. 4 inches siguro yung itim na wedge na suot ko.

"Maganda ka naman masyado." komento nya. Aish! Kunti nalang talaga at mapapa-pula na nya ang pisngi ko!

"Hindi naman showy." sabi ko at pinusod ang mahaba kong buhok.

Halos mapatalon ako nang kilitiin nya ako sa tagiliran!

"Ay leche ka!" sabi ko at pinagpapalo sya sa dibdib. Bigla akong nawalan nang balanse pero hinawakan nya agad ako sa bewang at saka nginitian ako.

"Smile." aniya kaya imbis na ngumiti ako ay nangunot ang noo ko.

"Bakit mo ba ako kiniliti?!" bulyaw ko. Ngumiti sya kaya napatunganga ako doon. Perfect smile, hindi ngisi at hindi mapang-asar. Just amazing.

Art of SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon