Chapter 17
King of Seduction
"Sir, ano bang problema mo at bat umatake na naman ang pagka bipolar mo?" takang tanong ko kay Benj habang naglalakad kami papunta sa Main Kitchen.
"Si Troy. Tss. Ayoko nung titig nya sayo." saka nya ako inirapan.
"Aba? Tapos sakin ka ngayon mag tataray? Wag ka nga. Sapakin kita jan e!" sabi ko at umambang sumapak pero inirapan nya ulit ako kaya hindi ko nalang tinuloy. Ibang klase din ang ugali nang isang 'to.
"Sir, anong ayaw mo sa titig ni Sir Troy?" tumigil sya sa paglakad dahil sa sinabi ko. Tinitigan nya ako pagkatapos ay ngumiwi sya.
"Wag mo syang tawaging Sir! Ako lang ang tatawagin mong ganun." nagulat ako sa sinabi nya.
"T-Teka, e isa rin sya sa mga b-boss ko!" depensa ko.
"Wag mo nang tawaging Sir kundi lagot ka sakin!" aniya. May ibang aura na bumalot sa kanya kaya naman sumuko na ako
"Fine. Fine. E anong itatawag ko sa kanya?" sabi ko.
"Troy. Troy lang, walang Sir..." aniya at nag lakad na ulit. Nang makarating na kami sa tapat nang pintuan nang Kitchen ay hinuli nya ang bewang ko,hindi ko nagawang mag react dahil may binulong sya sakin.
"Pag tinawag mo syang Sir, sisiguraduhin kong may nanakawin na naman ako sayo. For example, yung first kiss mo. Hmm, ano pa ba?" aniya at humalakhak bago layuan ang tenga ko. Nag-init bigla ang pisngi ko at tinulak ko sya. Pero hinigpitan nya ang hawak nya sa bewang ko.
"Bango mo Babe..." aniya kaya kumunot ang noo ko.
"Hoy! Nakakakilabot ka na naman! Itigil mo na yan!" tinignan ko sya nang masama. "At tsaka..." tinignan ko ang kamay nya na nasa bewang ko..." Tigil-tigilan mo nga ang paghawak sa bewang ko! Tumitindig ang balahibo ko sayo." bulyaw ko at inalis ang kamay nya sa bewang ko. Nag patianod naman sya at saka nagkibit-balikat.
"Hay. Ang labo mo...kung ibang babae na yan ay nilalandi na ako." aniya at umiling. Ngumiwi naman ako. Ayan na naman yung 'kung ibang babae nya', eh bakit pa nangungumpara 'to? Tss!
"Talaga? Bakit, gusto mo bang landiin kita?" tinignan ko ang mga mata nya. I saw him gulped! HAHAHA. Ang yabang nito, may epekto naman pala ako sa kanya.
"Hindi mo kayang landiin ang King of Seduction." aniya at nginisian ako.
"Talaga? Tignan natin. Ituro mo sakin ang buong Art of Seduction at baka ma seduce ko ang King of Seduction..." sabi ko at kinindatan sya. Umirap lang sya.
"Sige." aniya at nagkibit balikat.
Binuksan ko ang pintuan nang Main Kitchen at tumambad sakin ang mga co-interns ko na nag bubulong-bulungan kaya napalunok ako. Lalo na nong— makita kong sumunod si Benj sakin! GHAD! Kaya pala sila nag bubulong-bulungan kasi pumasok sya sa kitchen. Naman!
"Sir, anong ginagawa mo dito?" sabi ko at hinarap si Benj.
"Mag o-observe ako Babe." aniya kaya nanlaki ang mga mata ko. Kinurot ko agad sya sa tagiliran na syang ikinagulat ng ibang Interns. Jusko! Ano bang bagyo ang dala nang Benjamin na 'to? Ghad talaga!
"Sir...Miss Cuanco ako, hindi Babe." pinandilatan ko pa talaga sya dahil sa tinawag nya sakin pero si Gago hindi natinag! Tumawa lang sya!
"Sir may kailangan po ba kayo?" tanong nang isang cook na lumapit kaya naman dumistansya na ako. Pinaypayan ko ang aking sarili. Hell!
Yung mga ibang interns, masama ang tingin sakin, yung iba kinikilig, yung iba naman hindi maipaliwanag ang reaksyon. Packingtape Benjamin Monteverde! Anong katauhan ang meron ka?!
-
Pagsapit nang 12PM. Lunch Break sa MR at may lumapit sakin na kasamahan kong Intern at parang masama ang tingin. What now?
"Pinapatawag ka ni Sir Benj." aniya kaya napangiwi ako. Lalakad na sana ako pero bigla nya akong hinawakan sa braso kaya napaharap ako sa kanya.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Anong meron kayo ni Sir Benj?" prankang tanong nya pero hindi ko sya sinagot. "Alam mo kasi, nakama na nya ako..." tumigil sya, nanlaki naman ang mga mata ko. What the? "Sinasabi ko sayo, ngayong araw lang na 'to ka nya papansinin, sa susunod ay wala na syang pakialam sayo...kilala ko sya. Well, maganda ka sakin kaya alam kong gusto ka nyang ikama, pero wag kang mag assume na pagkatapos nang araw na 'to ay kilala ka padin nya..." ni head to foot nya ako. "Nakita ko kayo kaninang umaga, nagsunod kayo nang kotse. Siguro nakuha ka na nya?" ngumisi sya kaya napantig ang tenga ko. Langya 'tong babaeng 'to.
"Oo naman. Magkasama kami buong gabi e." kinagat ko ang labi ko. Ni hindi ako makalunok dahil sa sinabi ko! Namula naman ang babae. Malandi! "Pero sinisigurado ko sayong— hindi sya lalayo sakin. Mahal ako nun e." at umirap ako at nag lakad na palabas sa kitchen.
Yeah right. Nag sinungaling ako, sigurado naman akong hindi lalayo sakin si Benj, kung lalayo man sya at matagal pa.
Pagdating ko sa office nya ay nadatnang ko syang walang kasama... oh..kay? I'm not expecting that. Ang inaasahan ko ay may kasama syang babae, na kahalikan and such.
"Bakit Sir?" mataray na tanong ko sa kanya. Ngumiwi sya at tinaasan ako nang kilay.
"Bakit ka nag tataray?" takang tanong nya. Huminga ako nang malalim, gusto kong sabihin na dahil may lumapit sakin na Dyosa kanina, pero sabi nga nya: Don't be so clingy about your feelings— (Art of Seduction 2nd Lesson.)
Tama, Dyosa ang lumapit sakin kanina, Goddess of Perfectionist, kaya naman nagulat ako nang sinabi nyang malayong maganda daw ako sa kanya. Back to Benjamin Monteverde.
"Bakit ka aware Sir?" tanong ko at tinaasan sya nang kilay.
"Bawal?" mabilis na tanong nya.
"Madami kasi akong ginawa Sir, gutom ako. Now if you'll excuse me? Wala ka naman palang sasabihin." mag e-exit na sana ako pero—
"No one dares to turn their back while I'm talking, Sophia."
"Then, I'm no one."
BINABASA MO ANG
Art of Seduction
RomansaHow can you seduce someone if you're not that type of girl na gustong gusto nang mga lalake? Diba ang labo? DREAM COME TRUE pag nagkataon- Pero paano naman pag may willing na magturo sayo kung paano ang Art of Seduction? And take note: he's godamn...