Chapter 42

1.4K 20 2
                                    

Chapter 42

Too Hard

Sinuot ko ang bath robe sa aking katawan at agad naglakad para mapuntahan si Dad. Sinalubong nya ako na nakakunot ang noo, I bit my lower lip and smiled at him. Hindi ko talaga alam kong ano ang ire react.

"When will you go home, again?" He asked nonchalantly. Ngumiti ulit ako, sa gilid nang aking mga mata ay nakita ko si Benj na umaahon sa pool galing sa malayo at malalim na parte.

"Mamayang madaling araw na po sana. Tomorrow's Monday..." I said. Tumango sya.

"Sino ang kasabay mo pauwi sa Manila?" He asked again and I sighed.

"Maybe...Elijah? Or Benj po."

"Benj?" Kumunot ang noo nya.

"Benj Monteverde...uhm..."

"Ah. The acting CEO of Monteverde Roses. Kamusta ang naging OJT mo doon?" He asked. Napaawang ang labi ko. Pwede po ba tayong umupo?

"Its fine. Ayos naman daw yung records ,dad." I cajoled and he nodded.

"Sya ang kasabay mo pauwi sa Manila?" Matigas ang boses na aniya.

"Most probably, Dad. Pareho kami nang Condo-"

"You stay in one condo?" Humagalpak si Silver na biglang sumulpot sa gilid ni Daddy, motherfucking mushroom!

"One building. We have the same building." My lips pursed. Tumango si Daddy.

"What about suite here?" Humalakhak muli si Silver. Jusko! Pinigilan ko ang sariling umirap nang todo.

"Silver..." banta ni Daddy na ipinagpasalamat ko nang bonggang bongga.

"Ooopps." Tumawa sya at agad kaming tinalikuran.

Pagkatapos nang mga tanong ni Daddy tungkol sa pag uwi ko ay sinabihan na nya kaming wag nang magtagal sa pool at dapat ay umahon na dahil masyado nang malalim ang gabi. Marami ang sumang-ayon, of course. My cousins obey my father, he's sort of...scary.

Pag-alis ni Daddy ay agad lumapit si Claudine sa akin. Pinindot nya ako sa may tagiliran kaya kumunot ang noo ko.

"What?" Supladang tanong ko and she nearly laughed.

"Akala mo nakita kayo ni Tito Kris no?" She smiled devilishly and my cheeks immediately burnt. Hindi nya kami nakita?

Napapikit ako. "Anong nakita mo?" Humagalpak sya sa tawa dahil sa tanong ko.

"You should be nice, cousin. Malay mo..."

Kukutusan ko na sana sya pero biglang sumulpog si Benj sa gilid namin. Pinaningkitan ko sya nang mata. Basa pa ang kanyang buhok nang akbayan nya ako.

"May I excuse her, Claudine?" Ngumisi si Benj sa aking pinsan. Umirap ako. Humalakhak si Clau at walang kakurap kurap na tumango. Naglakad si Benj kaya naman automatically na napasama ako sa kanya since naka akbay sya sa akin.

"San tayo pupunta?" Takang tanong ko. He smiled at me.

"Wag na kaya tayong umuwing Manila?" Hindi ko alam pero na weirdan ako sa tanong nya though walang kahina-hinala ang facial expression nya.

"Uuwi na tayo mamayang madaling araw...may klase tayo bukas...wait." tsaka lang ako may napagtanto ngayong kasama ko sya. "Pumapasok ka pa ba? O nang bababae ka lang?" Tinanggal ko ang braso nya sa aking balikat ngunit agad nyang binalik iyon habang humahagikgik.

"Ay, ano ba?" Kumunot ang noo ko. "Mabigat!" Tinanggal ko ulit. Ngumuso sya at hinawakan ang kamay ko. "Ano nga?" I insisted and he smirked.

"I'm working."

Art of SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon